Chapter 35

10.6K 336 28
                                    

Nakahiga at parang gripo ang daloy ng luha ni Maya mula sa kanyang mga mata. Hindi pa rin malimutan nito ang mga sinabi sa kanya ni Kevin.

"Hindi mo alam kung gaano ako ka-excited na makasama ka sa dinner na iyon." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili. "Ang mali ko rin ay masyado akong nag-expect mula sa'yo." dagdag pa nito.

Nagpagulong-gulong ito sa kanyang kama at pilit na itulog na lamang ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Simula talaga ngayon, wala ka na para sa akin, 'Mister Snobbish'!" wika pa nito sa kanyang sarili.

Si Kevin naman ay halos ihagis ang lahat ng gamit sa loob ng kanyang silid sa galit sa at sama ng loob. Maraming hindi magandang nangyari noong araw na iyon. Ang una ay ang pakikipag-cool-off ni Brenda sa kanya dahil aminado itong mahal pa rin nito si Raphael. Pangalawa ay ang nangyari alitan nila ni Maya dahil nalimutan nitong siputin ito sa usapan nila.

Nahiga na lamang ito sa kanyang kama at pinilit na rin itulog at kalimutan pansamantala ang mga hindi magandang nangyari.

Kinabukasan ay maagang gumising si Maya upang magluto ng agahan nila ni Kevin. Matapos makapagluto ay mabilis na kumain ito upang hindi maabutan ni Kevin. Ngunit nang pabalik na siya ng kanyang silid ay saktong lumabas naman si Kevin mula sa kanyang silid. Nagkatinginan lamang sila. Mabilis na umiwas ng tingin si Maya at derechong nagbalik ng kanyang silid. Si Kevin naman ay nagtungo sa kusina upang kumain.

"Nagluto pa rin siya para sa akin kahit galit siya?" nagtatakang tanong ni Kevin sa kanyang sarili.

Kinuha nito ang nilutong pagkain ni Maya at dinala sa may lamesa upang kainin.

Si Maya naman ay napagdesisyunang lumabas muna dahil hindi niya makakayang makasama muna si Kevin sa araw na iyon dahil sa sama ng loob. Mabilis itong nag-shower at nagbihis. Naisip nitong magikot-ikot na lamang upang malibang. Nang makapagbihis ay lumabas na ito ng kanyang silid. Paglabas niya ay nakita niya si Kevin na kumakain sa may lamesa. Tumingin sa kanya ang binata nang lumabas siya ng kanyang silid ngunit umiwas pa rin ito ng tingin at derechong nagtungo sa may pintuan at lumabas.

Nang makalabas ay nag-isip ito ng maari niyang puntahan. Naisip nitong magpunta ng mall ngunit mas pinili niyang huwag na lamang magpunta dahl araw ng Linggo at sigurado siyang maraming tao. Nais nitong mamalagi pansamantala sa isang tahimik na lugar. Sa kalalakad niya ay napadpad siya sa isang park. Napagdesisyunan nitong maupo sa isang lugar sa nasabing park upang makapag-isip-isip.

Inisip nito lahat ng mga engkwentro nila ni Kevin.

Sa unang pagkakataong makita nito ang binata sa opisina nang ama nito nang puntahan niya si Ricardo Buenavista. Ang pagtitig niya sa binata dahil nabighani talaga siya dito. Noong panahong sabihin sa kanila ng ama nito na magsasama sila sa condo unit.

Kung paanong naging magaspang ang ugali nito dahil ayaw talaga siya makasama nito sa nasabing condo unit. Doon na pagsabihan siya ng hindi magagandang salita sa eskwelahan kasama ang nobya nitong si Brenda.

Doon na gawin siyang parang alila upang ipagluto niya ito ng pagkain at paglinisin ng condo unit. Ngunit kahit ginawa sa kanya ni Kevin ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin nito makuhang mamuhi sa binata.

Nahulog ang loob nito nang makilala niya ng lubusan ang binata. Na kahit paano ay may 'softer side' pa rin ang binata at sadyang suplado lang ito kaya nabansagan niya nga itong 'Mister Snobbish'.

Naalala nito noong panahon na ginawa nila ang project nila sa eskwelahan na magkasama. Na kahit paano ay nakuha nitong buksan ang maliit na bintana ng kanyang kalooban nang mag-open up ito tungkol sa kanyang lovelife.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now