Chapter 33 Great pretenders

Start from the beginning
                                    

"Oh ijo? Tawagin mo na yung asawa mo, handa na ang hapunan."

"Hoh!?" Nabigla yata ako dun sa sinabe nya, "Ahh sige po tatawagin ko na po muna si Misis." Grabe naman itong pagpapanggap na 'to, hindi ko kaya. -___- "Huy bilisan mo daw dyan kaka---."

"Waaaaahhhh!!! Anong ginagawa mo dito!? Lumabas ka! Lumabas ka! Woaaaahhhhh!!!! Layas! Layas!" Pinagbabato nya ako ng ewan ko kung ano yun, dahil sa sobrang galit nya. Hindi ko naman kasi alam na nagbibihis pa sya tapos hindi pa nya ni-lock yung pintuan.

"Oh! Oh! Anong nangyayare hah!?" Natatarantang tanong nung mag-asawa kaya sinaraduhan ko muna yung pintuan.

"Ah, eh wa--wala po! Nakakita lang po ni ipis yung asawa ko. Sige po, mauna na kayo susunod na po kame."

Bakit ba kasi ang tagal tagal nyang magbihis? Tsk! Ang mga babae talaga, ang babagal kumilos. Nagpapaganda pa eh nasa bahay lang naman.

Sa hapagkainan -

Gaya ng nakasanayan namin ni Leaf, hindi kame magkatabi sa upuan kung hindi magkaharap. Left handed ako at right naman sya. Magkakabungguan lang kami ng siko pag nagtabi kami. Eh ayaw naman nyang lumipat sa kanan ko, kaya ayan! Magkatapat kami.

Habang tuloy tuloy ang pagkain nya na parang hind pinakain ng isang linggo, nakatingin lang ako sa kanya habang yung mag-asawa pansin ko kanina pa nakatingin sa aming dalawa na para bang nagtataka.

"Hindi sa nanghihimasok ako huh? Pero, kayo bang mag-asawa ay magka-away?" Tanong nung babae.

"Po!? Ahh hehehe hindi po! Kakakasal lang po namin tapos mag-aaway po kami agad, bawal po yun! Diba honey?" Habang dinidilatdilatan pa nya ako. Nabigla naman ako dun sa ginawa nya.

"Opo, tama po sya! Diba wala naman tayong pinag-aawayan honey? Lagi pa nga tayong sweet sa isa't-isa diba!?" Pagalingan pala umarte huh!? Let see.

"Tama yan! Dapat lagi kayong nagkakasundong mag-asawa, hindi yung konting pagkakamali lang away na agad. Simpleng bagay lang, pinalalaki pa. Dapat, find a solution hindi yung gigive-up ka na lang."

Maganda sanang advice yan kung totoo kaming mag-asawa kaso hindi.

"Tama po yan Tita! Honey oh, tikman mo 'to masarap!" Dinidilatan ko sya sign na, anong ginagawa mo? Tiningnan nya lang ako. "Ayan! Masarap diba!?" Halos hindi ako makapagsalita kasi ang laki nung isinubo nya sa akin.

Kumuha rin ako, at isinubo yun sa kanya. Ayan! Mabilaukan ka sana!

Pagkatapos namin kumain tumulong lang kami ni Leaf sa gawaing bahay, pati na rin sa pinagkainan namin kanina. Pero kahit halos dalawang oras na ang lumilipas wala pa ring pagbabago sa panahon, malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mukhang aabutin talaga kami ng kinabukasan dito.

Leaf's POV

Mag 8 na ng gabe kaya inayos ko na yung hihigaan ko, bahala na si Pierce sa buhay nya. Malaki na sya!

Biglang tumunog yung cellphone ni Pierce, lowbat kasi phone ko kaya alam kong hindi akin yung nagriring.

Kuya Charles Calling....

"Pierce!? May natawag sayo! Pierce!" Halos sumigaw na ako, ang lakas kasi ng ulan hindi nya lang agad ako maririnig.

"Ay ija! Lumabas sila ni Joselito, kukuhanin lang daw yung mga gamit nyo sa sasakyan."

"Ah ganun po ba? Sige po salamat." Kanina pa sya tumatawag mukha namang importante kaya sasagutin ko na lang, kung magalit man sya okay lang. Sanay na ako. Tsk!

"Hello?" Pero wala namang sumasagot, "Hello? May tao po ba dyan?"

"Ahh- hello? Si---sino to?" Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon? Para bang pamilyar yung boses nya.

"A--ako si Leaf, sorry huh? Lumabas lang saglit si Pierce kaya ako na yung sumagot."

"It's okay. Ikaw yung fiancee nya, tama ba ako?"

"O--oo." Ano bang nangyayare sa akin? Bakit hindi ako mapalagay, pakiramdam ko hindi ako kompotableng kausap nung kuya nya. "I--ikaw ba yung Daddy ni Yumi?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Yes! Ahm, pasabe kay Pierce pag balik nya na tawagan nya ako."

"Okay." Dali dali akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina para uminom ng tubig. Para akong uhaw na uhaw. Woo!

"Oh! Anong nangyayare sayo? Kaylangan na ba kitang ibalik sa planeta mo?" Pang-iinis nya habang nakapatong pa yung kamay nya sa ulo ko.

Tinapik ko naman yung kamay nya at hinarap sya, "Pierce unang una sa lahat pinanganak ako sa Pilipinas. Pangalawa, pula ang dugo ko at pangatlo hindi ako mukhang alien! Chonggo 'to!" Umalis na ako. Sigurado kasing magsisimula na naman kami ng away.

"Anong nangyare sa inyo?" Tanong ni Tita, hays! Bakit ba lagi nilang napapansin yun? Wala eh! Ganyan na kasi kami ni Pierce araw-araw.

"Ahh---ano po kase--." Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Hindi po Tita, Tito. Nagpapalambing lang po itong asawa ko. Alam nyo naman po para may thrill po mimiya sa honeymoon namin. He-he-he-he! Talaga naman itong honey ko oh! Ang cute magpalambing, nakakagigil." Gigil na gigil naman syang pinisil yung pisngi ko. Aah! Ang sakit nun ah!

"Oo nga honey! Sorry po Tita at Tita. Honey naman kase, bakit ba ang cute cute mo!" Pinisil ko rin yung pisngi nya ng mas madiin pa. "He-he-he! Sorry po, ganito po kasi maglambingan mag-asawa. Diba honey?"

"You're right honey." Gigil na gigil na naman syang inalis yung kamay ko sa pisngi nya. Sabay, akbay sa akin. Sinasakal naman nya ako ngayon. Bwisit!

"Ahh-- ganun ba? Oh siya, kayo'y matulog na. Tama na ang pagpapalambingan. Good night!" Umalis na sila pero naka akbay pa rin sya sa akin, hanggang sa makapasok na kami ng kwarto inalis na nya.

Binato ko agad sya ng unan, "Aray! Kanina ka pa ah!"

"Galing mo rin noh? Kung gusto mo 'kong patayin, dapat itinuloy mo na!" Napapahawak ko sa leeg na sabe.

"Nagpapalambing na naman ito---" Yayakap pa sana sya kaso pinigilan ko na.

"Subukan mong idampi yang mga kamay mo sa katawan ko, lagot ka sa akin!"

ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ "Baket? Hindi naman kita yayakapin ah! Sasaraduhan ko lang yung pinto." Pagkasarado nya, "Assuming!"

Urghhhhhhh! \(・`(ェ)・)/

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now