BnP19: Hihintayin ka namin

2.2K 78 6
                                    


JANNA'S POV:

        ONE FULL MONTH had passed. Wala na akong narinig patungkol kay Tanya. Balik sa normal ang buhay namin ni Cissy sa bahay.
Kinukuwento niya na unti-unti ng naisasaayos ang mga problema sa kompanya sa tulong ni Louie.

        Panaka-nakang nakakaramdam pa rin ako ng selos sa kanilang dalawa. Well, lalaki sa Louie at babae si Cissy. At...hindi lang basta si Cissy. She's one type that every man could long for.

      Hinatid ako ni Cissy sa JLC. I am somewhat guilty dahil medyo napapabayaan ko na. Bago bumaba ng kotse ay hinalikan ko si Cissy sa lips.

       "I missed you babe," sabi ko sa malungkot na tinig.

        "Sus! Parang hindi naman," mas malungkot niyang sabi.

         "Just this concert and I will think it over to resign. I admit, masyado lang akong naoverwhelm."

        "Hon, you're just starting in claiming your dream. At least wala sa huli ang pagsisisi dahil may ginawa ka para sa pangarap mo."

       "Ikaw lang ang pangarap ko Ciss."

        "Hon, every sacrifice has it's price okay? Be succcessful on what you've really wanted...for yourself. Then when you're on top? Ako ang unang-unang magiging masaya para sa 'yo.

           "Dahil ikaw ang tumutulak sa 'kin pataas. I love you so much baby..."

         "O sige na, baka inaantay ka na ni Geela. Kawawa naman 'yung bata at isang buwan nang walang alalay."

           "By...."
           "Ano?"
          "Mamaya..."
           "Ano'ng mamaya?"
           "Mamaya...lambingan overload?"

           "Ikaw talaga," sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko. "Sige na, baba na. May lunch meeting kami with Louie. Itext mo ako kung susunduin kita okay?"

          "Okay..." Humalik akong muli sa kanya at yumakap bago bumaba.

          So far, okay naman ang standing ng JLC Café. Hindi man kami on top, tumataas naman ang sales namin at according to my study ay feasible naman kaming magtayo pa ng isang branch. Pero not now na nasa banda ako.

      After meeting ng umaga ay nag-lagi lang ako sa back office. Pinag-aralan ko ang mga interim financial report ng JLC. So far, so good. Ilang ring ng cellphone ko ang bumasag ng concentration ko.

           "Hello Jowy, yes?"
            "Janna..." may bakas ng pag-aalala sa boses niya.
           "May practice ba ulit?"
           "Wala naman. If I say I am giving you three days off, trust me. Dapat for now, alam mo na 'yan."
            "So...what now?"
            "Can we talk in private?"

         Tumingin ako sa wristwatch ko, alas tres y media ng hapon. Ala-singko ay susunduin ako ni Cissy.

         "Okay, will it take too long?"
          "Not really."
         "Okay meet me at Don Henrico's fifteen minutes. Sa dati."

             Pag-labas ng office ay hindi ko inaasahang andaming customers. Nilapitan ko Si Geela at nag-sabing hindi na ako babalik pa. Nauna ako sa meeting place namin ni Jowy. May ilan ng nakaka-kilala sa akin sa public at hindi ko maiwasang hindi mailang dahil hindi ako sanay sa atensiyon. Ngayon ko nga naiisip kung tama ba 'tong pinasok ko, pero andito na eh.

            "Hi," bati ni Jowy pagdating. Lumipat kami ng puwesto bandang sulok. Mukhang napaka-private naman nitong pag-uusapan namin. Umorder muna kami ng juice.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now