BNP11: Nagsimula Na

2.8K 90 9
                                    


CISSY'S POV:

       MAHAL ako ni Janna. Mahal na mahal ko rin siya.  Ngayon ko lang nakita si Jannang bumulusok ng gano'ng reaksiyon at inaamin kong hindi ako handa. Mga panahong akala ko relax lang, easy lang...malalim na pala ang pinagdaramdam niya sa akin. Kailangan kong bumawi.

      Nagising akong muli sa umaga na yakap ang kanyang hubad na katawan. Tahanan ang nasa ilalim ng init niya. Dito, dito sa tabi niya, magsusumiksik ako dahil dito ang paborito kong lugar -  sa piling niya. Hinalikan ko ang noo niya ng mariin.

      "Babe....gising na," mahina kong sabi habang hinahaplus-haplos ang likod niya.

         "Uhhmmm....five minutes," hirit naman niya sabay higpit ng yakap din niya sa beywang ko.

        "Okay, papasok ka ba ngayon?"

         "Puwede bang hindi? Napagod ako sa 'yo kagabi eh. Ay! Kanina pala," sagot niyang naka-pikit pa rin ang mata.

        "Babe...."

         "Ando'n na si Geela eh, mamaya na lang ako dadaan sa store. Dito muna ako," atsaka niya idiniin ang  mukha niya sa pagitan ng dibdib ko.

         "Hay! Okay sige na nga."

        Pumikit din ako. Naalala ako ang pagtatalo namin kagabi. Sobrang dami ng naganap nitong nagdaang linggo. Ang paghanap ng tutor ni Lianna, ang paghahanap niya ng ama ng tahanan, ang transaksiyon sa mga investors, si Luisito, ang nalaman niyang lihim namin; si Janna at ang pagseselos siya. Si Janna na gustong mag aral sa culinary, sumama sa banda at....magka-anak.

Biglang sumakit ang ulo ko. Bakit ba lahat ng bagay ay tila napaka-gaan para kay Janna? Huminga ako ng malalim. Umahon ng bahagya ang ulo ni Jannang nakapatong sa dibdib ko. 

        "Lalim no'n By ah, huwag kang mag isip ng kung anu-ano, tatanda ka niyan," naramdaman kong ngumisi si Janna. Pinalo ko ng marahan ang puwit niya.

        "Bangon na."

         "Mommy!!! Mommy!!!!" kumakatok at sumisigaw si Lianna sa labas. Bumangon na rin si Janna.

        "Mommy....breakfast na po..."
         "Okay honey!!! Just a minute!!!"
         "Faster Mommy! I made a pancake for you and tita Janna!!!"

          "Okay baby!!!"  sigaw ko rin sabay kuha ng roba at nagpunta ng banyo. Nadatnan ko si Janna sa CR na naka-robe na din at napaka sexy niya kahit na sabog sabog  nyang buhok.

      Nagmumumog siya pero nakatitig siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
Binuga niya sa sink ang tubig at nagpunas ng bibig. Walang sabi-sabing kinabig niya ako at hinalikan.

       "Janna, bad breath pa ako."

Ngumisi lang si Janna. "Sa'n ka ngayon Ciss?"

       "Sa opisina."
        "Ako na maghatid sa 'yo."
        "Sure?"
        "Oo naman, lagi akong sure sa 'yo," sabi niya sabay nakaw ulit ng kiss sa lips.

       Lumabas siya ng banyo at naiwan akong iiling-iling. Mahal ako ni Janna.
Sa hapag ay masaya naming pinag-saluhan ang agahan. Tinikman ko ang hotcake.

         "Uhhhmmm...baby, puwede ka na assistant ni Tita Janna sa bakeshop niya," baling ko kay Lianna pagkasubo ko ng pancake.

        "Really? And also Debbie here?"
         "Yep!"

          Inassist ni Ate Gli si Lianna sa pag inom ng gatas tsaka bumaling sa akin.

         "Janna, Cissy, may lipad ako sa Boracay bukas. Ako naman ang magrerelax."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now