BNP12: Ayaw Papigil

2.5K 92 4
                                    

CISSY'S POV:

Nasa opisina na ako. Nangungulit pa si Janna sa akin sa text.

"Babe, later ha..."
"Ano'ng later?"
"Gawa beybi..."
"Ssshhh...Janna, wala ka bang gagawin? Hmmm...sounds that my babe is getting malambing ha...ano kayang kailangan mo?"

"Namimiss agad kita, bakasyon naman tayo ng matagal. 'Yung walang work? Tsaka..... Huwag mo na akong kontrahin sa audition ko."

"Okay."

":) Sunduin ulit kita mamaya tapos pa salon tayo?"
"Okay."

Balik sa trabaho - Tiningnan ko ang portfolio ko. Nakaleave kasi today ang secretary ko, eh baka may appointment ako. Nakita kong may meeting pala ako ng lunch sa project manager ng hahawak sa deal ko kina Myles. Naisip kong tawagan si Myles.

"Hi....Myles, Cissy 'to. I am hoping you're free this afternoon to discuss the terms sa deal natin and for you to meet na rin the staff and the team manager?"

"Oh let me see, wait lang," tinakpan niya ang mouthpiece ng telepono pero naririnig ko pa rin ang boses niya.

"Hoonnnn....free ka ba today? Samahan mo ako kina Cissy? Business ...sa hotel.."
"Sige..."

Binalikan ako ni Myles. "Okay sige saan? Ano'ng oras?"

________
Pinili ko na lang na sa Giligan's Glorietta ko sila imeet. Para malapit na rin sa office ni Janna. Pagdating nilang dalawa ay kasama ulit si CJ at ang anak nilang si Elai. Pinakilala ko sa kanila si Mr. Jacinto, ang magiging over-all incharge sa expansion ng hotel nila sa Visayas. After masettle ang lahat ay kinausap ko sila.

"Uhhmmm....Myles, Cj...It's very pleasant to have business with you, really."

"Mas kami Cissy. Kung puwede nga lang mag joint venture tayo sa isang business, why not?"

"Yeah it could be. But for the meantime, may mga inaasikaso pa kasi ako sa ilang subsidiary ko."

"Oh....kamusta mo na lang kami kay Janna. One day, we will drop by sa JLC para naman matikman namin ang kape at pastries niyo." sabi ni CJ.

"Oh sure, pero can I talk to you sana privately? Personal?"

Nagpaalam na rin si Mr. Jacinto. Pinaalis muna ni Myles 'yung yaya at si Elai. Nagpunta kami sa Strabucks Glorietta4.

"Do you prefer smoking area?" tanong ko sa kanila.

"Oh no please, walang naninigarilyo sa 'min ni CJ."

Umorder lang ako ng greentea para sa lahat at simple sandwhich dahil busog pa naman kami kanina. Pumili ako ng puwesto bandang sulok dahil maingay ang Timezone sa labas.

"So...ano ba ang aming mapaglilingkod Ciss?" tanong ni Cj. Feeling ko may idea na siya sa itatanong ko. I sighed first.

"Haaaay! Okay ganito, si Janna kasi....She wants us to have a baby. Just like you, having Elai. "

"Well...kitang-kita naman na financially kaya. But the question is, gaano kayo kaready? Ang procedure na 'yon ay maselan at hindi guaranteed na successful. Plus the factor na saan kayo kukuha ng donor? Sa kakilala niyo ba na willing or sa totally hindi niyo kilala? May mga screening din na gagawin. Need niyong mag-usap ni Janna. Isasa-alang-alang niyo rin gaano kayo ka mature, socially, physically, emotionally," walang patid na pag expalin ni CJ.

"Irerefer kita sa kakilala naming specialist sa Asian Hospital. Mas matutulungan ka niya," sabi ni Myles.

"Okay sige salamat. Panahon na rin naman na mag level-up kami ni Janna sa pag-sasama namin. Baka sakaling madivert ang atensiyon niya at huwag na siyang mag-banda."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن