BNP24: REVENGE

2.3K 86 12
                                    


CISSY'S POV:

         HINDI ako natulog. Agad kong tinawagan si Louie at makakauwi siya bukas na bukas din kasama na si Ate Gli.

       I've kept myself busy hanggang macontact ko si Primo na member ng banda. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari, at wala na akong nilihim sa relasyon namin ni Janna para mas madali niya kaming matulungan. Kahit malalim na ang gabi ay agad pumarito sa bahay si Primo at malalim na nag-isip ng paraan.

       Nawala si Aling Maring kasabay ng hindi macontact si Janna. Nalaman na peke ang plate number na sinabi ni Lianna at can not be reached  na ang telepono ni Janna. Hindi ko pa rin mapagtagni ang mga koneskiyon. Since si Jowy ang huling kasama ni Janna, kaya taga-banda rin ang kinontact ko.

        Nagpadala na ng pulis si Primo dito sa bahay at nagreport na rin sa awtoridad sa Batangas si Louie.
Sinet-up ng mga pulis ang aparato para sa tamang lokasyon ni Jowy as a back up sa address na binigay ni Primo.

       Nakahinga ako ng maluwag ng matunton nila sa wakas ang location dahil tinawagan ni Primo si Jowy.
Taimitm akong nanalangin na sana'y iligtas si Janna o kahit sinuman na sana'y walang mapahamak.

       Dumating si Louie kinabukasan at kahit papaano'y may masasandalan na ako.

        "Chief, ano'ng plano natin?" Tanong ni Louie.

        "Intact na ang pulisya sa Batangas para sa operation. Manatili na lang kayo dito at aalis na kami."

        "Sasama ako!" sabi ko at napahigpit ang kapit ko sa braso ni Louie.

        "Cissy, mas makakabuti kung huwag na pakiusap. Dito na lang kayo nina Lianna at Ate Gli. We can handle this, I promise okay?"

       Umalis na sila at  naiwan nga kami sa bahay. May ilang pulis ang nakabantay sa labas ng bahay para kung anuman ang mangyari.

        "Ate… si Janna?''

        Ate Gli held my hand. "Magiging maayos ang lahat. Ano nga kaya ang nangyari? Bakit siya tatangayin ng manager ikamo? Ano'ng relasyon mayron sila?"

          "Hindi ko rin po alam. Wala namang nababanggit  sa akin si Janna. Sa katunayan ay naging supportive pa nga si Jowy sa amin."

         "May iba pa bang dahilan? Si Aling Maring? Ano ang koneksiyon niya sa inyo? Bakit ang kuwento ni Lianna ay kasama niya ito at nakita si Janna sa iisang lugar?"

          "Dyan ako medyo naguguluhan Ate. Aling Maring can’t be someone I have in mind. And if it's true, it's too dangerous for Janna."

       "Ano'ng ibig mong sabihin?"

       "Noong una pa man ay may kaunting duda ako kay Aling Maring noong nag apply siya bilang kasambahay. Pero isinantabi ko 'yon."

        "Sige lang…"

       "Nakita ni Lianna na galit daw si Aling Maring at nakakatakot. An old woman whom I can't imagine to be mad that way. The kid said na may inalis si Aling Maring sa mukha and she bacame someone Lianna can not notice."

         "So….impostor si Aling Maring? Ang galing niya ah."

         "Maaaring si Janna lang ang pakay niya. Dahil lately, napapansin ko na ang masyadong paglapit niya kay Janna. At kung tama ang hinala ko, maaaring ksabawat niya ang manager, maaari ring hindi."

          "Si Tanya ba ang tinutukoy mo?"

         "Wala na pong iba. Im pretty sure, matagal na niyang pinagplanuhan ang lahat ng 'to. Kung malaya siyang nakakagalaw sa loob ng pamamahay ko, hindi tayo ngayon sigurado kung dito mismo sa bahay natin ay safe tayo. Umalis muna tyao rito Ate."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now