BNP7: Mixed emotions

2.8K 109 3
                                    

CISSY'S POV:

         "MOMMY!!!!" Tumitili si Lianna palapit sa akin pagkakita niya nang makapasok ako ng salas.

      Back to Manila na kami ni Janna at nangako akong mag uunwind nitong mga susunod na araw.
Hay! Si Janna ko, andaming naiisip at gustong gawin.

       Kumandong si Lianna sa lap ko at pinupog ako ng halik sa mukha. "I miss you so much Mommy and Tita Janna!"

        "Really? Did you do your homeworks? How's your tutor?"
       "Yes po, done na. Ms. Marcy is nice, sometimes not."
        "Why?"
        "She always talks to someone over the phone."
      "Aaah...okay lang 'yun baby, baka importante 'yun sa family niya."
       "Okay. Where's Tita Janna? My pasalubong?"
       "Tita Janna will be back in few minutes. Dumaan lang sa coffee shop honey."

       Bumalik sa playroom si Lianna tsaka ko hinarap si Ate Gli sa kitchen. Kumuha ako ng tubig sa ref.

       "Kamusta ate?"
       "Okay naman, paano bukas? Sino'ng maiiwan dito? Bukas na alis ko," sagot niya habang naghihiwa ng saba. Request ko kasi ang matamis na saging niya.

       "Magwowork from home na lang muna ako for two days. Puwede na ba iwan si Lianna kay Marcy? Kailan ba balik ni Bianca?"

       Si Bianca ang pamangkin ng kapitbahay namin na yaya ni Lianna. Nagkasakit ang ina kaya umuwi muna ng probinsiya. Nangako namang babalik bago mag pasukan.

          "Nagtext naman Andrea kagabi, mga dalawang linggo pa raw."
        "Okay kaya si Marcy? Alukin kaya natin?"
        "Tingnan mo kung makakaya pa."
        "Pa'no Te, magbibihis lang ako at mag uunpack, balikan kita."
       "Sige lang, take your time. Luto na rin ang ginataang bilu-bilo ni Janna."
        "Wow! Okay 'yun!"

       Nagpahinga muna ako sa kama ng hindi pa nagbibihis. Binabalikan ko ang mga nangyari nitong nakaraang dalawang araw. Paano ko ba haharapin ang mga problema ng mag isa?

       Si Lianna, si Janna, ang naluluging kompanya, ang pagkatao ni Luis, si Anjela, si Tanya? Kung nandito sa Pilipinas si Tanya, wala akong balita. Pero kanina, matigas ang mukha ni Janna ng sinagot niya si Anjela na handa kami. Ako yata hindi? Paano napapatatag ng pag-iibigan namin si Janna?

          Bumangon ako.....Aaaahhh kailangan kong maging matatag. After magligpit ng gamit ay naligo ako.  I want to freshen up and clear my mind.

          Thirty minutes din ako sa banyo. Paglabas ko ay nagulat akong makita si Janna na nakadapa sa kama ko. Paglapit ko sa kanya ay mahina kong pinalo ang puwit niya.

          "Aray!" reklamo niya sabay tihaya. Nag pout siya ng lips at nagkunwaring masakit.

         "Ahah! Ang arte mo talaga hon!"
         "Mag sorry ka..."
         "Ayoko nga! Sinasadya ko kayang paluin ang matambok mong puwet!"

       Bago sya makaganti ng hampas ay nakalayo na ako. Kinuha ko ang stand fan para makapag patuyo ng buhok.

       "Huwag kang harot Janna ah, bakit ang bilis mo makauwi?"
         "Mabilis? Mabagal ka lang talaga magbanyo."

        Hinila ko ang fan at umupo sa paanan ng kama.

          "Nabigay mo na ba 'yung pasalubong mo kay Lianna?"
         "Ah oo, may pangalan na nga agad yung bago niyang teddy bear, si Debbie. Ayun na raw ang kanyang favorite."
        "Ah, hindi na 'yung bigay ko."
        "Oo, kasi pangit na raw."

       Sinimulan kong patuyin ang buhok sa electric fan. Nakayuko ako at laglag lahat ng buhok ko mula batok paharap sa mukha ko.
Nagulat ako ng biglang halikan ni Janna ang batok ko. Kinikiliti ako ng labi niya.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now