Chapter 18: Huwag na Huwag

2.3K 86 3
                                    


JANNA'S POV:

        MINSAN kahit anong pilit ko ay ayaw ni Cissy na nag-aalala ako. Pero hindi ako manhid at kilalang-kilala ko siya. I don’t have plans to make love to her but when I saw the slight fear in her eyes which I don’t know what it was, 'yon ang pumasok sa isip ko. Ang halikan at ikulong lang siya sa mga bisig ko pero hindi ko napigilan ang apoy.

       I'm happy, pansamantala ay naalis ang takot sa mga mata niya. Si Louie lang naman ang kausap niya. Business again? Problems with business that I do not know! Pinilit ko na lang maging masaya at enjoyable ang natirang gabi at umaga na kasama siya, Lianna at Wella's family.

         Pagbalik sa Manila ay kanya-kanya muna kaming ligpit ng gamit. Nakabalik na rin si Ate Gli from vacation. Maaliwalas naman kaming binati at sinalubong ni Aling Maring.

         "Kamusta ang bakasyon?"
         "Ayos naman manang," sagot ni Cissy.

         "Manang ha, narelax lang kayo ng halos dalawang araw parang naging blooming na kayo? Nakukunsumi ka na ba sa 'min?" pabiro kong tanong.

          "Sus! Humaba lang ang tulog. Nagluto na ako ng paborito niyong sinigang sa miso, hala kumain na kayo."

         Magana naman kaming kumain ng tanghalian. Patapos na kami nang kunin ni Aling Maring ang wireless phone at ibigay kay Cissy.

        "Hello! Oh yes…. / Oh gano'n ba, well hindi kita mapipigilan kung gano'n. / Ipapadala ko na lang sa agency ang sahod mo. / Okay walang problema. Welcome ka pa rin kung gusto mong bumalik dito ha. /

         Bumaling siya sa akin. "Si Marcy, uuwi na raw ng probinsya."

          "Ah…hindi na siya umabot sa pagkausap na iteterminate mo na siya."
           "Janna…." saway niya. Ang bibig ko kasi minsan walang preno.
          "Napag-usapan na natin 'yon diba?"
          "Oo, kung ano lang naman ang gusto mong pag-usapan 'yun lang diba?"
          "May problema ba tayo?"
          "May bata Cissy, kumain ka na lang ulit."

         She just sighed. Ewan ko ba, bigla kasi akong nainis dahil alam kong may tinatago siya sa akin. That afternoon ay hiwalay muna kaming natulog sa mga kuwarto namin. Nangarag din kami sa biyahe pauwi.

          My cp rang. "Hello Janna!"
         "Oh yes Jowy! Bakit?"
          "Sorry to interrupt pero naurong ang presscon for the comback concert."
         "Eh di mabuti. Rest muna ko."
         "No..baligtad Janna, hindi late, napaaga."
         "So bukas na?"
         "Oo, sorry."
         "Saan naman?"
         "Sa MOA."
         "Pa'no?"
          "Do you want us to fetch you up?"
         "Yes…ay no! No!"
          "Why?"
          "Basta, huwag muna dito sa bahay. Sige ako na lang, May dadaanan pa kasi ako."
          "Okay pero Janna, we will be more busy sa mga susunod na araw dahil sa practice okay?"
         "Okay. Bukas na lang."

           Haaay! Pa'no ba 'to?  Hindi na matuluy-tuloy ang salon namin ni Cissy. Lagot na naman ako. Ayusin ko na naman schedule ko. I called up Geela.

          "Hello Gee! Kamusta JLC? Sorry I can't come tomorrow."
          "Okay lang po Ma'm! Basta huwag niyong kalimutang sign-an yung cd na bibilin ko sa comeback recording ng Primegroove ha."
          "What?"
          "Ay naku si Ma'm Janna, pahumle talaga!"
         "Bakit?"
         "Laman kaya kayo ng local entertainment news. Sikat ka na Ma'm!"
         "Sus! Drummer lang ako do'n, nasa likod no."
        "Kayo po ang nagdala no'n. Kung walang Janna Marie Vargas, walang Primegroove."
        "Gano'n? O sige na nga, tell me agad kung may problema sa JLC okay?"
        "Yes boss! Basta penge kaming ticket ni Aubree ha."

         That night I talked to Cissy at pinaalam ang usapan namin ni Jowy. Okay naman sa kanya at marami raw siyang trabaho sa office. Buti na lang din at hindi siya makakasama dahil naiilang pa rin ako kapag pinapanood niya.

         Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pero mas maaga si Cissy. Pinuntahan niya ako sa room ko. Nakabihis na siya pang office…agad? At six am?

         Hinagud-hagod niya ang buhok kong nakasabog sa mukha ko.

          "Babe…good morniiiing!!! Alis na ako."
           "Ohhh…." hinuli ko ang kamay niya at dinala sa lips ko at hinalikan ang likod no'n. I smiled at her.
          "I love you hon…goodmorning!"
          "May breakfast na sa baba okay? I'd be very busy today, daming naiwang trabaho."
           "Okay, hindi na muna kita kukulitin."
          "What time ba ang lakad mo?"
          "Ma'ya pa namang hapon."
           "Huwag kang papalamog sa fans ha."
           "Ano ka ba, hindi no. Sa' yo lang ang katawan ko, hehe!"
           "Oh siya," hinalikan niya ako sa noo at tumayo. "Alis na ko, tawagan kita pag office na 'ko."

        Bumaba na rin ako pag-alis niya. Nag jogging muna ako saglit. Hinanda na ni Aling Maring ang breakfast ko.

       "Si Lianna po?"
       "Nasa playroom hija."
       "Hmmm….sarap nito ah! BLT? Favorite ko 'to. Galing talaga ni Cissy my love."
      "Gawa ko 'yan."
       "Ows? Ang sarap po ah! Huling-huli niyo panlasa ko."
       "Eh andami niyong gulay na inuwi, sus!"
       "Manang, okay bang umalis ako ng maaga? Kayo muna bahala kay Yanna?"
        "Ayos lang."
        "Atsaka manang, pag sikat na pala ako, pahingi ng sabon niyo ha. Pumuputi po kayo eh!"
       "Ang kulit mong bata ka, pati ako pinagdidiskitahan mo, hala, kain!"

         Matapos kumain ay naligo na ako at nagbihis. Nag polo shirt lang ulit ako at hapit na denim. Simple but sexy. Sinuot ko ang pinaka comfortable kong snickers.

          Nasa kotse na ako at nagmamaneho. Isang lugar ang pupuntahan ko…ang law firm ni Louie. Naghintay ako sa lobby hanggang tawagin ako ng receptionist. May lumabas na magandang babae bago ako pinapasok.

         "Have a seat," sabay lahad ng kamay niya sa couch sa harap ni Louie.
         "What brought you here dear princess?"
         "Huwag mo nga akong tawaging princess."
        "Oh sorry, si Cissy lang pala.."
         "Stop Louie puwede?"
         "Sorry, sorry. You look so serious kase. Napadalaw ka?"
         "To tell you straight, I want to ask an honest answer please."
         "What about?"
         "Ikaw ang kausap ni Cissy sa resort. After no'n, naging balisa siya. Bakit? Business ba?"
          "Wait…."
          "Bothered lang ako."
          "Ahhh..sinabi ko lang na nasa opisina niya ako no'n at may naghahanap sa kanya."
        "Sino naman at para maging gano'n ka siya kabalisa?"
         "Look, nagpromise ako na hindi sasabihin sa 'yo pero I guess you need to know," sabi niya sabay nilapit ang katawan sa desk niya.

       "Dumaan ang isang certain Tanya at hinahanap siya. Ang sabi niya, 'yun daw ang dahilan ng paghihiwalay niyo noon."

        Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig ko at parang biglang nanginig ang katawan ko.

        "W-walang iniwang contact number?"
        "None. Nung nalamang nasa bakasyon kayo ay umalis din agad. Look, I don’t know her kaya di ko na ininterrogate."

          Tumayo ako. "Thank you Louie, no matter what, huwag na huwag mong ibibigay ang details naming dalawa, lalo na ni Cissy."

        "Okay sure. Just tell me kung saan ako makakatulong."
        "Asahan ko 'yan."

         Nasa loob na ulit ako ng kotse at parang natutulala ako. Bakit ba siya bumalik at si Cissy ang hinahanap?

          Kung anumang laro ang gusto niya ay di ko siya uurungan!!! Huwag na huwag lang niyang kakantiin si Cissy…

          Ibubuwis kong muli ang buhay ko kung nararapat.

**************************

Shan
vote comment suggest
thank u for reading

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now