BNP22: Obsession

2.2K 87 5
                                    

     CISSY'S POV:

            Hindi ko alam kumbakit no'ng isang beses nag red ang stop light ay parang may bumulong sa akin na galawin ang cellphone ko at nakatuwaan ko lang silipin 'yung locator app. Nakita ko ang location ni Janna at Lianna. Nagtaka ako bakit sila magkalapit. Paano nangyari'yon kung kakatawag ko lang sa bahay at tulog daw si Lianna. Nanakaw o nawala ang cellphone niya? Pero hinde, may missed call at text ang bata.

            Kinambiyo pakaliwa ang kotse at sinundan ang direksiyon. Isang kilometro lang. Pinabilis ko ang takbo at kinakabahan na ko. Tinatawagan ko pero hindi sinasagot ni Lianna pati ni Janna. 

             Nang makarating ako sa lugar ay hinanap ko agad ang eksaktong kinalalagyan ni Lianna. Nakita kong sobrang lapit lang nila Janna. Hanggang napunta ako sa isng liblib na parking at kadulu-duluhan na. Napa-hinto ako ng matanaw si Lianna kasama ang isang babae na parang pamilyar sa akin. Nakita kong mahigpit na hinahawakan ng babae si Lianna sa braso. Para siyang sumisigaw at tila may kausap sa harap niya na natatakpan ng kotse at hindi ko maaninag.

           Umabante ako at nagulat ako nang parang napatingin sya sa direksiyon ko ay bigla niyang itinulak si Lianna at napadapa ang bata sa lakas ng  impact.  Tumakbo na ako at napaka-bilis ng pangyayaring sumakay sya ng kotse at pinaaandar. Sumunod pa ang isang kotse sa kanila.

         "Lianna!!!" paluhod ko siyang inalalayan, sumusubsob siya sa dibdib ko at tuluyang umiyak.

         "Mommy!!! Hu!huhu! Hu! Mommy...please save me, hu!hu!hu!"

         Niyakap ko siya ng mahigpit at hinagud-hagod ang likod para kumalma. She is shaking. Pinilit kong kumalma rin dahil sa wala akong naiintindihan sa nangyari. Gusto kong tawagan si Janna pero mas inuna ako ang kalagayan ni Lianna.

          Kinarga ko siya at dinala sa kotse ko. Tiningnan ko ang location ni Janna, shit! Deactivated na!! Tuluyan na akong kinabahan. Lianna beside me is trembling. Dinukwang ko ang tubig sa likod at pinainom siya.

           "Yanna baby, calm down okay. Please tell what happened? Bakit ka nandito? Nasa'n si Aling Maring? Iniwan ko kayo sa bahay diba?"

       Humihikbi-hikbi si Lianna at suminghot-singhot. "Mom...I am sorry po. Sumama po ako kay Aling Maring because I wanted to go to the concert.  She met  a big guy and I was scared because he has a gun. Aling Maring is always shouting and quite mad.  She left me at the store when I bought water. I want to go home na lang that's why I texted you to come for me. I brought the cellphone with me and put ....it..uhuhu....huuu...Debbie...."

        "Ssssh baby....tama na. Nilagay mo ang cellphone sa pocket ng damit ni Debbie? Nasa'n ang teddy bear mo?"
        "She threw it! Aling Maring threw it but she didn't notice the cellphone fell. I got it back without her knowing I am scared Mom! She is not Aling Maring, bad siya!!"
       "Yanna what are you talking about? Asa'n ba siya?"
      "She.....she..."
       "She is what baby?"
       "She is someone else. She removed something on her face then she became someone I do not know. Then Tita Janna came and I asked for help coz' Aling Maring is holding me and hurting me. I cried then she pushed  me na."
       "What happened to Tita Janna?"
        "She wasn't able to come for me, a boy came out and pushed her back into the car."

       Nangingnig ang buo knog katawan sa mga nawitness ni Lianna. I know something terribly happened. Sobrang mali ko lang dahil sa sobrang tiwala ko, ay wala akong number na alam sa bandmates niya. Patay na ang cellphone ni Jann.

        I decided na ireport na sa mga pulis pero ano ang sasabihin ko? Nawawala ang drummer ng Primegroove? Bakit naman.? Paniniwalaan ko ba ang sinasabi ng bata? Ano'ng gagawin ko? Ngayon pang wala si louie at si Ate Gli. Tinuruan ko si Lianna na kunin ang plate number ng sinasakyan basta hindi amin kapag umaalis kami.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now