BNP 30: Vow

2.1K 102 12
                                    

JANNA'S POV:

      NAKAHINGA ako ng maluwag ng sa wakas ay natakasan ko si Cissy with the help of Wella. I owe Wella a lot. I can not make this without her big big help. Alam kong walang paglagyan ang saya sa puso ni Cissy na makita niya ang lahat ng mga mahal niya sa buhay.

       Pinili ko ang kantang 'HANGGANG' dahil memorable sa amin 'yon. Napakalalim kasi at 'yun mismo ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.

       Bumukas ang pinto at inuluwa no'n ang maganda kong bride ^_^ . Sa ilang unang pag-habkbang niya sa aisle ay nagflashback sa isip ko kumpa'no kami nagkilala, sa 19th birthday niya na sinama lang ako ni Welz noon.

( FlashbaCk from: SHE HOLDS THE KEY CHAPTER 15 )

        "Cissy sandali," sabay kuha ko ng gift sa bulsa ko. Inabot ko 'to sa kanya.

      "Wow! Ano 'to? Nag abala ka pa Janna!"

       "Birthday mo diba? So may gift? Fancy lang 'yang bracelet na 'yan, pang mall, gala, ganun. Tsaka remembrance na rin."

Nakita kong namilog ang mata nya. Nakita ko ang genuine smile. Surprised. Nakakatuwa naman din na naappreciate nya ang simple thing na 'yun. Binawi ko mula sa kamay nya ang bracelet. Tinagggal ko ang lock at ako ang naglagay sa wrist nya. Pag angat ko ng mukha ko ay nakita kong nakatitig sya sa 'kin. Nakita kong maluha luha sya.

"Bakit? May problema ba?" Nag alalang tanong ko.

"W-wala, wala. Masaya lang ako. Ang sweet mo naman Janna. Ang suwerte-suwerte ng mga kaibigan mo. Sana maging isa na ako sa kanila."

----

      Haay! Mas suwerte ako dahil naging kaibigan ko si Cissy. At ngayong araw na 'to ay hindi lang kaibigan kundi magiging asawa pa.

       Nasa isang corner lang ako at sinadya kong hindi muna magpakita, pero nakikita kong lahat ng bawat galaw niya.

Una niyang nakita sina si Ate Gli at Lianna. Medyo nahirapan kami sa part na pagconvince na nasa Hongkong Disneyland silang dalawa dahil usually si Cissy ang taga book ng mga flight namin. Nakalusot naman kami at pasalamat din ako dahil si Ate Gli ang umayos kumpa'no niya napapayag ang mommy ni Lianna na umatend ng kasal. Foreigner ang second husband ni Tita kaya madali naman silang nakalipad dito sa New York.

Sunod niyang nginitian sina Louie at ang fiance nito na si Audie. Malaking tulong din sila sa akin dahil sila ang nag-ayos ng reservations sa receptions and minor things. Si Louie na pinagselosan ko ng todo until malaman ko ang totoo na anak pala siya ni Gonzalo na ex husband ni Cissy (na sa papel lang). It was a relief na maayos na ang mga conflicts sa kompanya kaya nagka-oras si Louie na tulungan ako.

My beautiful and stunning bride slowly walked at the center of the hall. "Mahal na mahal kita Cissy," bulong ko sa sarili ko at naalala ang 'yung time na naging Kami noong college.
Ito 'yung day na gusto ko ng tanggapin sa sarili kong mahal ko siya higit sa kaibigan. Ito yung time na binigay niya sa akin 'yung mahiwagang artwork niya ng sunset na kaming dalawa ang subject. Ito 'yung sa sobrang saya ko ay hinintay ko siyang makalabas ng CR at niyakap sya agad.

( FlashbaCk from: SHE HOLDS THE KEY CHAPTER 22 )

Pinaulanan ko s'ya ng maliliit na halik sa pisngi, sa ilong, sa noo, sa pisngi ulit. "Ummuwah, muah, muwah, mmmmuuuah..."

"J-Janna ano ba?! Anong nangyayri sa 'yo? Tumae lang ako, namiss mo na ako 'gad?"

"I Love You Cissy..."
"O-oo alam ko. Alam ko naman 'yun."
"N-no...it's not that. A-- I mean..."
"What? You mean what?"
"I mean...I love You."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon