BNP8: Drummer

2.5K 105 5
                                    

JANNA'S POV:

       AAKYAT na sana ako pero tinawag akong muli ni Lianna. Naisip ko, tulog nga pala si Cissy sa itaas kaya bumalik na lang ako sa salas kina Marcy at Lianna. Namiss ko rin ang bata.

        "Tita! Say Hi to Debbie." Si Debbie nga ang kanyang teddy bear na bigay ko. Nilaro ko ang kamay ni Debbie.

        "Hi cutie bear," sabi ko sa isang pa baby talk. Nakita kong ngumiti si Marcy.

        "So little kid, you study na," sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

        "We're done na po tita, puwede po ba si teacher sumama sa atin magdinner?" Parang nahiya naman si Marcy kaya bago pa siya nakatanggi ay ininvite ko na rin sya.

        "Dito ka na magdinner, magluluto ako ng isang putahe."
         "Uhmmm...." nag aalinlangan pa niyang salita.

          "Lianna would not take no for an answer, right Sweetie?"
         "Yes! Yes yo!"
         "Tapos na nga ba kayo Ma'm?"
         "Oo, nagliligpit na nga kami at may iniwan akong assignment for her."
          "Okay go baby, do you wanna cook with me?"
          "Hmmmm....ayaw. Punta kaming playroom ni Debbie. I'd fix her crib upstairs."
          "Okay, ligpit mo na gamit mo, call ko kayo mommy mo later, okay?"
          "Okay po..." sagot niya habang isa-isang nilagay sa bag ang gamit niya. Niyakap niya si Debbie at umakyat na sa taas. Naiwan kami ni Marcy na nagkailangan.
           "So...." simula ko.
          "I can come with you in cooking if you don't mind. Mamaya pa naman in one hour ang meet namin ng pinsan ko," mahinahon nyang alok.

        "Sure?"
        "Yah! Ano bang menu for tonight?"
        "Adobo. Favorite ni Cissy 'yun eh. 'Yung adobo de Janna ko, he! he!"

        Marcy and I went to the kitchen. Pinaalis ko muna si Manang para masolo ko ang lugar.

          "Upo ka muna," sabi ko pagkakuha ng sangkalan at nilapag sa mesa.

           "Ano ba ang bawang mo? Balat na ba o pipitpitin pa?" tanong niya habang pinapanood akong mag scan ng ingredients sa ref. Medyo nailang ako sa mga tingin niya.

          "Ay raw 'yung bawang na stock dito. Babalatan pa," medyo nadismaya kong sabi kasi ayoko nagbabalat ng bawang, masakit sa kamay.

        "Akina, ako na lang," kinuha ni Marcy ang bawang sa kamay ko at saglit nagtama ang mata namin Umiwas ako agad. Wala akong nararamdamang negatibo kay Marcy pero may ilang. Sabagay, first time lang namin mag-usap eh.

        Sunod kong ginalaw ang manok at nilagay sa bowl. Siya naman ay inasikaso ang pang gisa.
Ipinusod niya ang buhok niya. "Itaas ko lang ang buhok ko ha, para walang masama sa pagluluto. Gusto mo bang mag hairnet pa ako?"

        "Naku hindi na."
       "Baka kasi alam mo na, ang mga mayayaman, maselan."
       "Naku Ma'm, hindi po kami mayaman. Sa totoo lang ay nakikipisan lang ako rito."

         Bigla akong pumreno. Naalala ko ang bilin ni Cissy na never disclose any information about us dahil hindi kami sure sa mga taong dapat pagkatiwalaan. Hindi naman nagtanong pa si Marcy.

          "Huwag mo na ako i-Ma'm Janna, ilang taon ka na ba?"
        "Tanda ko na, twenty seven. Twenty eight na this September. Kayo?"
         "Forty two na ako, biyuda, walang anak. May inaalagaan akong tyahing may sakit sa may Caloocan."

      Nasa kaldero na lahat ng sahog at inaantay ko na lang maluto. Umikot ako sa may ref para kumuha ng juice atsaka ko napansin ang tattoo
niya sa may likod ng tainga pababa sa may batok.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon