BNP23: Losing hope

2.2K 87 5
                                    


JANNA'S POV:

            Tinapon ni Tanya ang cellphone ko sa daan.Wala akong way para maka-contact sa labas.Bumangon ako pagkalabas nilang dalaawa. Alam kong naka-kandado ako. Sampung minuto ay dinalhan ako ng Bruno ng almusal.

           Pinakikiramdaman ko ang galaw niya. Mukhang bayaran din ni Tanya, armado. Nilagay niya ang pagkain sa kama. Bago siya tumalikod ay nagsalita ako.

          "Magkano ang ibabayad sa 'yo ni Tanya? Dodoblehin ko?"
          "Hindi ako traydor sa amo ko."
          "Ang dinig ko'y hindi ka pa bayad? Ako, kaya kitang bigyan ura-orada. Nandito ang dalawa kong atm, kung patatakasin mo ako at tutulungan."

          Umiling lang ang lalaki. "Bilisan mong kumain at babalik ako matapos ang sampung minuto."

          "Gawin mong kinse minutos, dahil sa palagay mo ba eh makakakain ako ng ganu'n kabilis?"

         Lumabas si Bruno. Mabilis akong kumain at tinatantya ang oras kung pabalik na siya. Five minutes ay nagpunta ako ng banyo at pinilit nilalabas ang mga nakain ko. Sinadya kong buksan ang pinto ng CR at nadatnan ako ni Brunong dumuduwal.

        "Dalin mo 'ko sa ospital...please, di ko na kaya ang sakit."

          Nang makita kong naalarma siya ay nagkunyari akong nahimatay. Kailangan kong makalabas! Binuhat niya ako palabas. Nang maka-out na kami ng gate ay tsaka ako nagpumiglas. Pero masyado siyang malakas at parang bakal ang katawan.

         "Artista ka nga! Buwisit!"

           Kinulong niya ako ulit sa kuwarto. Wala na yata akong pag-asa. Naligo ako sa banyo at binihis muli ang damit ko kagabi pa sa concert.
Nahiga ako sa kama at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Sa galit kay Tanya at sa pag-alala kay Cissy.

          Bakit ang hirap maging masaya? Bakit hindi maging masaya ang tao para sa aming dalawa? Hanggang kailan ba kami makakaranas ng pagsubok? Lalo akong napaiyak ng maalala kong ilang linggo mula ngayon ay maaaring magbuntis na si Cissy. Paano ko pa masisilayan ang anak ko? Pinahid ko ang luha ko nang marining kong bumukas ang pinto at tinawag ako.

          "Janna," si Jowy. May bahid ng galit ang mata ko ng tingnan ko siya. "How foolish I am to trust you! Sana, nakinig na lang ako kay Cissy na isantabi ang pangarap ko."

          "Janna, totoong ako ang handler ng Primegroove at totoo ang mga pinakita ko sa 'yo. Along the way, bumalik si Tanya at ginamit niya ang pag-ibig ko sa kanya para matupad lahat ng balak niya sa 'yo."

          "Ano ba ang plano niya?"
           "Ang sabi niya'y paghihigantihan ka lang pero hindi ko alam na obssess siya sa 'yo kung gaano ako ka-obssess sa kanya."
           "So hindi mo ako dapat ilapit sa kanya kung gano'n, palayain mo ako. Magtulungan tayo. Maawa ka Jowy, please, nakikiusap ako sa 'yo."
          "Kung gano'n lang sana kadali pero hindi ko alam ang iba pang naka-paloob na plano ni Tanya."
          "Cissy is carrying my child. Andami ng taong nadadamay. Sana may natitira pang konsensya sa 'yo Jowy."

          Natigilan si Jowy at lumabas ng kuwarto. I am losing hope.

TANYA'S POV:

HINDI ko na pinansin si Jowy. Dumeretso ako sa bayan para bumili ng ibang kailangan. Pati mga paboritong pagkain ni Janna. Binilinan kong bantayan ni Bruno si Janna. No payment unless mission accomplished.

Oo, ex ko si Josephine o si Jowy. I met her in one oy my fashion shows sa Dubai. That time I was broken and lost after my first marriage with a surgeon. Jowy helped me a lot. We had sexual encounters and para sa kanya, kanya ako pero hindi ko siya kayang mahalin. To it's truest word, oo ginamit ko siya.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon