BNP13: My Bad

2.2K 89 7
                                    

CISSY'S POV:

TINAPOS ko ng maaga ang trabaho sa opisina. Hindi ko na inabala si Janna. Ayokong maramdaman niyang sinasakal ko siya. Una ito, una ito na may ibang tao sa pagitan namin sa trabaho.

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko ng nanonood ng tv sa salas si Louie kaakbay si Lianna. Binaba ko ang bag ko sa sofa at patakbong lumapit si Lianna sa akin.

"Mommy!!! You''re late, where's my pasalubong?" I kissed Lianna's cheek and said "Sorry honey, ginabi si Mommy."

"It's okay. Tito Louie here brought me my favorite pretzels from Auntie Anne's."
"Oohhh...did you say thank you? Ako wala?"
"Yes po, may hug pa..."

Tumayo si Louie mula sa sofa at binigyan ako ng bating halik sa pisngi. "Oh yes darling, may dala rin akong chocolate mousse for Cissy."

Fake akong ngumiti sa kanya at bumulong, "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yong huwag kang magbebeso sa harap ng bata? Alam mo namang umaasa 'yang magka bf ako, kulit mo rin eh no."

"Sorry, sorry!! High blood ka na naman."

Bumalik si Lianna sa harap ng tv habang kumakain ng pretzels.

"Mommy, where's Tita Janna? She always comes home before you."

"She has works to do. Louie, ikaw muna bahala rito, magbibihis lang ako."

########

Pag-akyat ko ng kuwarto ay nagshower muna ako saglit. I checked my phone and still no text or call from Janna. Time check: 8:30 PM. Kinuha ko sa drawer ko ang di ko pa naitatabing file ni Marcy. Bumaba ako at dumeretso ng kitchen.

"Manang, pahingi naman ng four seasons, for two para kay Louie."

"Okay hija, mukhang mahaba ang mukha mo ngayon? Nasaan si Janna?"
"Nasa banda po."

"Ah nakuha na pala siya. Wala ka bang dagdag na gustong kainin? "

"Pakilabas na lang 'yung cake na dala ni Louie. Si Yanna po?"

"Pinatulog ka na at napagod sa lesson kanina, mukhang madaming ginawa."

"Manang, ano'ng tingin niyo sa tutor ni Lianna?"

"Ay naku, alam mo namang hindi ako nakikialam sa ganyang bagay. Mabuti pa't tawagin ko na si Sir Louie at ng matulungan ka niya sa bumabagabag sa 'yo."

"Manang, inspired kayo no? Ang ganda ng aura niyo ngayon? Buti pa ho kayo."

"Lahat ay may problema Cissy, depende sa paghawak niyo ng sitwasyon. Atsaka, kakalikas papaya ko lang, ahihi..."

Binuksan niya ang ref at naghiwa ng cake para sa amin at naglagay ng juice sa dalawang baso rin. Bago niya ako tinalikuran ay tinapik niya ang balikat ko, "Kaya niyo yan!"

Tinawag ni Manang si Louie. Tiningnan ko ang oras 8:36 pm. Nasa'n na kaya si Janna? Inikot-ikot ko ang tinidor ko sa cake. Louie came.

"Sus Andrea! Kawawa ang cake, huwag mong pagdiskitahan."

Sumubo ako ng maliit na slice tsaka inusog ang folder ni Marcy papunta sa kanya.

"Ayan Louie, ayan 'yung bio-data niya, past employment records plus 'yung application niya sa agency."
"Okay, give me a day or two. Ano ba'ng mero'n sa taong 'to? Mukha namang okay?"
"Hindi ba't kadalasan ang mga mukhang kawawa ang mas may alam pa?"
"Janna thing, isn't it?"
"Oo, dahil feeling kong namamanipulate niya si Janna."
"Look Cissy, to tell you frankly? Minsan ang pag-ibig dapat nagpapalaya? Tanggapin mo si Janna bilang siya, siya na may sariling isip at desisyon. Huwag mo siyang ituring na mahina katulad noong nakilala mo siya. You must learn to let her see the other side of her horizon. Got me? or not?"
"Maybe you're right. But there's nothing wrong to be pro active in protecting what is mine. Got me or not?"
"Pero hindi siya isang bagay Cissy, tao siya na mahal mo at may damdamin."
"Gusto ko lang makasiguro. I appreciate your unsolicited advice mister...now scan it."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now