BNP 31: Two as One

2.1K 101 19
                                    

JANNA'S POV:

I was so speechless sa vow ni Cissy. Ramdam na ramdam ko, tagos na tagos hanggang kaluluwa ko bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Nakikita kong nahihirapan na siyang huminga dahil sa emosyon niya at nag-uumapaw na pagmamahal para akin. She loves me so deeply more than I love her, I know that.

Kinuha ko ang mic sa kamay niya at hinagud-hagod muna ang likod niya. When she calmed down, I slightly pulled back my body to have some space. Dahan-dahan na din siyang lumayo. Gamit ang panyong hawak ko ay pinunasan ko muna ang luha sa pisngi niya.

"Sssshhhh baby, my cry baby. Pigilan mo munang maiyak babe, mastress si Baby oh."

Mahina siyang tumawa. "Ikaw na, turn mo na. Simplehan mo lang ah, huwag mo na akong paiyakin lalo."

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Hinawakan ko ang kamay niya at iniharap sa mga bisita.

"Bago ko po sana sabihin ang vow ko, gusto ko lang po magreveal ng isang sikreto. Simpleng secret lang naman. Alam niyo po bang unang silay ko pa lang kay Cissy ay tumibok na ang puso ko? Noong una, hindi ko alam kumbakit then inamin ko na sa sarili kong crush ko pala siya. Totoo kasing nangyari sa akin 'yung kung sino 'yung abot kamay mo, 'yung malapit sa 'yo, ang tingin mo tumatagos, lumalagpas. Without knowing, na nasa harapan mo lang pala ang taong makakasama mo habambuhay.
Inaamin ko pong hanggang ngayon, crush na crush ko pa rin siya."

"Ayyiie!!!" Tukso ng ilang bisita. Nakita kong nakangiti lang ang iba. Bumaling na ulit ako kay Cissy na hawak ang singsing.

"Cissy, babe, wala rin naman akong inihandang vow ngayon. Although ang dami--dami kong gustong sabihin sa 'yo. Okay, first - I want to thank you for being with me, for finding the missing me. And for the all-out patience you have for me. Saludo ako sa pasensiya mo sa kakulitan ko, sa pagiging childish ko minsan, ay madalas pala. Na misan parang anak mo ako at hindi partner. Mas akma yung word na walang Janna kung walang Cissy. Before I was lost but you took time and spent your life putting up the best in me. Sobrang suwerte ko sa 'yo."

I paused for a while kasi sunud-sunod ang mensaheng nagpa-pop sa isip ko at lahat gustong kumawala.

"Ciss, sa relasyon natin, natutunan kong tanggapin ang sarili ko bago akong umasang tanggapin ako ng iba. You have taught me to be strong and to always stand on my convictions.
Ikaw lagi ang supporter ko, ikaw ang lakas ko. Sa mga namagitang pagsubok sa ating dalawa, nabago ang pananaw ko sa quote na you complete me. Dahil natutunan ko noon na dapat pala, kailangan ko munang maging buo para sa 'yo. Dahil paano ko mapupunan ang lahat kung sa sarili ko, ako kulang? Sa akin lang naman 'yon.
Babe, Ciss...I love you for making me good...and happy. And whole.
Without a word. Without a gesture. Without a doubt. Walang ibang taong kayang gumawa no'n, ikaw lang.
Cissy, take this ring as a sign of my undying love. From this moment on you'll never be alone, you'll never be unhappy, or afraid. Lagi kong ipapadama kung ga'no kalalim ang pagmamahal ko sa'yo. I will always be here. We will be together, till death do us part.

If you were to die, then I would die too. I couldn't live my life without you. We are two bodies, but there is one life before us and one home. In time, magiging buo na ang pamilya natin.
Buong buhay ko ilalaan ko para sa inyong dalawa. Mahal na mahal kita Cissy."

I smiled at her before I gave her a hug. I tried my best not to cry while saying my vows. I wanted it to be clearly uttered para marinig lahat ng witness. Ramdam ko ang pagmamahal sa loob ng buong venue. Pagmamahal niya para sa akin at lahat ng nagmamahal sa amin.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now