EPILOGUE: RAINBOW AND SUNRISE

4.4K 159 99
                                    

JANNA'S POV:

     Naabutan namin ang mga bata sa buhanginan. Nag-iipon ng tubig si Janrei mula sa dagat habang humuhukay sa buhangin si Jassy gamit ang mga laruan nila. Ang ganda-ganda nilang tingnan. Magkahawak kami ng kamay ni Cissy habang papalapit sa kanila. 

    "Tara babies, lakad-lakad muna tayo ro'n, doon may magandang view, c'mon," mahinahong sabi ni Cissy. 

 I am proud sa parenting style ni Cissy. Hindi siya sumisigaw, laging mahinahon pero ando'n ang imposition bilang magulang. Proud din naman ako sa mga anak ko na lumaking masunurin, mapagmahal at magalang. 

 Umupo kaming apat sa buhanginan habang inaabangan ang pag-sikat ng araw. Tahimik lang kaming lahat. 
Nagsimulang sumilay ang haring araw.

    "Huwwoooow!!!" sabay pang expression nina Jassy at Janrei. Hinawakan ko ang kamay ni Cissy na nakatukod sa likuran niya at nginitian siya. Gumalaw ang labi ko ng "I love you…" 

 Cissy just smiled back at me at tinuon muli ang tingin sa araw. Nang totally na buo na ang araw sa ibabaw ng dagat ay may binulong ako kay Jassy. 

    "Okay po," sagot niya. Bumulong siya kay Janrei para ipasa ang sinabi ko. "Okay," Janrei nodded. 

    "Mama, may surprise kami ni Jassy at Mommy sa 'yo."

    "Ows? Really? Sige nga, ano 'yan? Baka joke time 'yan ah. Kikilitiin ko kayong tatlo sige."

     "Nnnnope!! May papakita kami sa 'yo," sagot ni Jassy. Tumayo silang dalawa paharap kay Cissy at naka-indian seat. Ako nama'y sa gitna nila pumuwesto. 

    "Mama, mahal ka naming tatlo. Kaya, kakantahan ka namin," todo smile at excited na sabi ni Jassy. "Nagpractice kami ni Kuya kagabe Mama." 

    "O talaga? Sige nga parinig nga.." Cissy said enthusiastically. Naisip ko lang ang kantang ito relevant sa panaginip ko noon sa JY10. Maganda yung song at 'yung beat kaya isang linggong assignment ko sa kambal na aralin. I saved the song sa tablet nila at sabi ko may premyong toy pag namemorize. 

 Janrei, my loveable baby boy confidently starts to sing. 

   ♪ Fallin out, fallin in - Nothin's sure in this world, no no
   Breakin out, breakin in-  Never knowin what lies ahead ♪
   ♪ We can really never tell it all no, no, no ♪

Biglang sunod agad si huggable kong si Jassy, my only baby girl. :)

    ♪ Say goodbye, say hello to a lover or friend
     ♪ Sometimes we never could understand
    ♪ Why some things begin then just end
    We can really never have it all no, no, no ♪

Huminto si Jassy at ako naman ang sumunod na kumanta.

   ♪But oh, can't you see - That no matter what happens
    ♪ Life goes on and on - So Cissy - - just smile ^_^ ♪

   Coz we're always around you
   ♪ And we'll make you see
    How beautiful life is for you and me

       Sabay-sabay na kami sa chorus. Pilit kong pinipigilang maluha dahil umiiyak na si Cissy. Kabilin-bilinan ko sa kambal na iyakin ang Mama nila
 kaya kahit anong mangyari, tumuloy lang kami sa pag-kanta. Inakbayan ko ang dalawang bata sa kaliwa't-kanan ko. Together we move our heads left and right while singing. 

  ♪ Take a little time Mama, - See the butterflies' colors
  ♪  Listen to the birds that were sent to sing for me and you

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon