BNP14: HIGIT PA

2.3K 86 6
                                    

JANNA MARIE'S POV:

       Pinili ko na lang mahiga at hayaan ang tampo niya. Kasalanan ko naman. Naoverwhelmed ako masyado. 

       Paghiga ko ay binuhay ko ang ilaw ng lampshade. Niyakap ko ang unan ko. Tiningan ko kung nagreply si Cissy.
Natuwa ako ng mayro' naman - sabi niya, "Goodnight Janna, pahinga ka na, pagod ka."

       Pero bakit gano'n? Nagreply nga siya pero parang ang cold cold naman niya. At tinawag niya akong Janna ha? Mukha ngang galit. Haay! Ganito 'yung nangyari kanina...alam kong may usapan kaming magpapa-salon ni Cissy after her work. Ang kaso, after lunch, sobrang bilis ng pangyayari.

         Nagpunta sa store si Marcy. Tapos na raw ang tutorial nila ni Lianna at tinawagan daw siya biglaan ng manager ng banda. Ngayon na  raw ako magdemo. Naexcite ako ng sobra.

      Pagdating ko sa studio nila ay pinakilala sa akin ang handler ng band, si  Jowy, hard butch. Nailang ako ng sobra dahil ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa ay gano'n na lang. Gusto ko namang maniwala na nakapasa ako hindi dahil sa ganda ko, chos!  They got me because I can and of my talent.  Sa simulang pagtapik ng stick sa drum, medyo kinakabahan ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling tumugtog pero nang tumagal ay parang naging magaan na ang galaw ng kamay at paa ko. 

         "Congratulations Janna! Look what a gem that we got here? Tsk! You're brilliant!" Comment ni Jowy. 

          "Ayos na ang kontrata, ifi-fill-out na lang. C'mon, let's do business. Pack up then we'll drive to Malate, let's celebrate!" 

        Ambibilis nilang kumilos. Sa isang iglap ay nasa isang private function na kami. Ang band mates ko nga pala as a singer ay si Lerix, Primo as Bass, George on guitar. Kaya pala PRimeGroove Band dahil tinayo ito ng magbestfriend na sina Primo at George. Kababata naman nila si Lerix.  Lahat sila ay boys, at magiging astig na package nga naman na babae ang kanilang drummer. Maganda at sexy na drummer...Echos ulit! :)

        So, it's official. Ako na ang drummer ng banda. Hindi ko maisip na ganito kabilisa t may kontrata ng naganap. Two years.  Pinainom nila ako pero tumanggi ako. Tsaka ko lang naalala si Cissy at gabi na pala.

        Iniinterview nila ako sa personal kong buhay pero hindi ako naging madetalye.Mabuti at narendahan ko pa ang bibig kong magkuwento. Nirespeto naman ni Macry 'yun. 

         "Boys, trabaho lang ha. Walang personalan," sabi ni Marcy ng ginigisa na ako ng mga lalaki.

          "Eh baka kasi may magalit na boyfriend si Janna, sa ganda niyang 'yan?" ayuda ni Lerix. 

         "Eh di tayo guguwardiya sa kanya, bawal ligawan, masisira ang carreer, hehehe!" biro naman ni Primo. 

        "Eh guys, Jowy, puwede na ba akong umuwi? Hindi kasi alam sa amin ang nangyari. Hindi ako  nakatext. Ang alam nila, bukas pa ang audition," pakiusap ko. 

         "Ow sure sure! Text kita bukas kung tuloy ang conference. Kailangan kasi nating humabol sa mid-year promotions," sagot ni Jowy. 

        Hinatid ako ni Jowy, dinrop namin si Marcy sa bahay niya. Hanggang ito nga't nakauwi ako at nadatnan si Louie at Cissy. Pero alam ko namang pagkukulang ko. And narealize kong mali ako. Babawi na lang ako. 

//////

         Kinabukasan, maaga akong nagising. Madaling araw pa lang ay nauna na ako kay Aling Maring sa kusina.

         "Oh Janna, natulog ka ba? Maaga pa ha," bati niya nang makita akong nag-basag ng itlog sa bowl. 

        "Opo, para po makabawi kay Cissy."
         "Mahal na mahal mo siya no?"

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now