Nagtinginan lang kami. Para kaming baliw na nakangiti habang tinitingnan ang isa't isa.

××

Ilang araw ang lumipas at nakalabas na din ako sa hospital. Sabi ni Reid alam naman daw ng mga magulang ko ang nangyari sakin pero busy daw silankaya hindi nakadalaw. Ano pa bang inaasahan ko diba? Lagi naman talaga silang busy. Kaya ayun, lumabas ako ng hospital na hindi man lang nakikita kahit anino nila.

-----
From Reid:

Huy amazona! Bumaba ka na dyan. Nandito na ako.

-----

Bigla kong naalala na may lakad nga pala kami ngayon ni Reid. Dali-dali akong bumaba sa hagdan at lumabas. Nasa harap lang sya ng kotse nya at nakasandal dito.

"Good morning Jayla Gei" He greeted me with a big smile. Tumango lang ako at ngumiti din.

Bunuksan nya ang pintuan ng kotse at pumasok na ako.

"Handa ka na ba?" Tanong nya. Tunawa lang ako. Parang pinaghandaan na pinaghandaan nya ang kalokohan na gagawin namin ah.

Mabilis syang nagpatakbo kaya wala pang kalahating oras ay dumating na kami sa rest house nina Gale.

Hindi naman kami nagkamali dahil nandun din ang kotse ni Johnson. Magkasama nga sila.

"Seryoso ka ba sa gagawin natin?" Tanong ko. Natatakot kasi ako. Paano kung mahuli kami at ipakulong ng dalawa kung so called childhood best friends.

"Jayla.." Hinawakan nya ang braso ko ng dalawa nyang kamay. He smiled lazily at me. Na para bang naiinis sya sakin kasi ang duwag ko.

Natawa naman ako. Reid can literally go from 'My Romantic So Matured Boyfriend' to 'My Immature and Badass Bestfriend' real quick. 2 in 1.

"Sabi ko nga sa movie kong The Fault in Our Stars.. " litanya nya. "Pain demands to be felt.." Dagdag nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Ano konek?

Umiling naman sya na parang nadidissapont dahil hindi ko nanaman sya nagets. "Kung galit at may nagawa silang mali sayo.. Maghiganti ka. Hindi yung sarili mo ang sinasaktan mo. Wala ka namang kasalanan"

"Wow ah? Ang bait mo." I said in a sarcastic tone.

"Mabait na, gwapo pa." Sagot nya sabay wink.

Inirapan ko lang sya.

Nagsimula na kaming maglakad ng dahan dahan. Para kaming mga bata na nagfifeeling ninja.

Pagdating namin sa kotse ni Johnson ay napasmirk si Reid sabay abot ng spray can sakin.

I smiled sweetly at him at sinimula ko nang spriyan ng kulay pink ang kotse ni Johnson. I know how much he hates pink. Kaya alam ko kung anong magiging ekspresyon nya pagnakita nya toh.

"Take that asshole!" Sigaw ko habang dinidikitan ng puro hello kitty permanent stickers and matte black nya.

"Kawawa ang kotse haha. Matte Black pa naman" nanghihinayang na sabi ni Reid.

Kahit ako ay nanghihinayang din actually. Ang mahal mahal kaya ng Matte Black. Pero that adds spice on our revenge.

Hinampas ko ang windshield na naging sanhi ng pagkabasag nito. Hinampas ko din ng hinampas ang side mirrors hanggang sa natanggal.

"Tama na.." Pagpigil nya sakin. Oo nga, medyo na carried away ako dun.

Dumaan kami sa puno para makapasok sa kwarto ni Gale. May lahing unggoy pala tong si Reid, ang galing umakyat ng puno eh.

Pagdating namin dun sa loob ay binigay nya sakin ang isang bag na punong-puno ng diaper ng pamangkin nya.

"Eww. Kadiri ka" bulong ko. Tinawanan nya lang ako.

Binuksan ko ang walk in closet ni Gale.

"Ready?" Tanong nya. Tumango lang ako.

"1...2....3!" Bulong nya sabay tapon ng mga diaper sa loob ng closet ni Gale.

Hindi ako nakutento kaya binuksan ko pa talaga ang mga diaper bago ito itapon sa loob ng walk in closet nya. Nagkalat naman ang mga tae sa paligid.

"Serves her right. Ayan, kasing dumi na ng walk in closet nya ang budhi nya. Che! Magsama kayong mga plastic!" Sabi ni Reid sabay tapon ng mga diaper. Mas affected pa yata sya sakin.

Bigla kong nakita ang Mac makeup ni Gale. Kinuha ko yun lahat at tsaka tinapon sa toilet bowl.

Biglang nagclick ang pintuan. Nagkatinginan naman kami ni Reid. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa bintana. Bumaba kami gamit ang puno na inakyatan namin kanina at tumakbo papunta sa sasakyan.

"What the fuck!" Rinig naming sigaw ni Gale.

"What the hell.. My baby! My matte!" Sigaw naman ni Johnson.

"Mission Accomplished" sabay naming sigaw nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Reid.

Tumawa lang kami ng tumawa habang inaalala ang mga ginawa namin.

"Apir!" Sigaw nya at naghigh five kami.

---

Thankyou sa reads, votes at comments guys! Sana magustuhan nyo ang pinakamalupet na revenge ni Jayla at Reid. Hahah

- 👠













Lost StarsWhere stories live. Discover now