At ano? Pag namatay ako magpapadala sila ng flowers? Magpapatrend sila ng hashtag?  #PrayForJaylasSoul
Sasabihin nila kung gaano nila ako mamimiss?  At sayang dahil hindi nila ako nakasama ng matagal? Crap.

"Earth to Jayla!" Napalalim yata ang pag-iisip ko at hindi ko napansin na kanina ko pa pala kaharap si Gale.

Gale is my chilhood buddy. Sobrang opposite kami neto. Kung ako ay sobrang negative ng pananaw sa buhay.. Si Gale naman ay naabsorb yata lahat ng positive vibes sa mundo.

Hindi nya alam ang mga napagdaanan ko these past few years dahil she's in London. Dun sya nag-aral ng highschool hanggang sa nakagraduate sya and decided to go home here.

"Yehey! Finally, napansin mo din ako!" She said in a jolly tone.

I just faked a smile at her. Nagagalit parin ako dahil dun sa mga naalala ko dati.

"Di mo ba ako namiss?" She asked while pouting.

"Syempre. Namiss!" I said while forcing myself to grin.

"Yehey!" She shrieked. Damn, my eardrums.

"Halika na, magshopping na tayo" pagyaya nya.  And without any warning, hinawakan nya ang kamay ko at kinaladkad ako sa loob ng mall.

Pagpasok namin ay para akong nasusunog. Ayoko talaga sa mga crowded na lugar.

"Gusto mong kumain muna? Nagugutom ka na ba?" Her voice is so loud. Para syang nakalunok ng mega phone. Sobrang high-pitched ng boses nya. Masakit sa tenga.

Oo, dati nag-eenjoy akong kasama sya. Bata pa ako nun e. Masayahin pa, walang problema at palangiti. But everything has changed. Ang rami ko ng napagdaanan, natutunan which made me changed into a beast. Ngayon ay naiirita na ako sakanya. At gusto ko ng umalis dito at iwan sya.

This is where I'm really good at, pushing people away.

"Ah.. Bilhin mo nalang ang gusto mong bilhin nang makauwi na tayo" i told her.

"Alam mo ang kj mo ever! Have fun Jayla! Halika ito oh bagay to sayo" she said in a high pitched tone, na parang ang layu-layo namin sa isa't-isa sabay bigay sa akin ng isang floral dress.

"Ew? Ayoko. Masyadong girly at tsaka masikip sakin yan" i complained with a cringe.

"Duh? Masikip talaga yan. Body fit nga eh. Thas is to show your curves. At anong girly? Tomboy ka ba?" Mas lumakas ang boses nya hanggang sa pati ang ibang tao dito sa isang boutique ay napapatingin sa amin.

"Sigurado ka bang galing ka sa London? Kung makapagsalita ka kasi daig mo pa ang taga bundok" i mumbled.

"Huh?" She asked.

"Wala." I answered. She just rolled her eyes.

Wala kaming galit sa isa't isa, ganyang lang talaga kami.

"Oh ayan.. " sabay tapon ng damit sakin. "Ako na nagbayad. Suotin mo yan ha, pag nagdate kayo ni Harry hihi. Ayee" sabi nya sabay tulak sa akin na kunyari kinikilig.

Wow. Just wow. Wala nga talaga syang alam.

"Break na kami." I told her in a dull monotone.

"Oh? Really? Why? Omg. Sorry. I didn't know" Sabi nya. Naghyhysterical nanaman sya. Para talaga syang tanga.

"Bakit kayo nagbreak?" She asked again.

Eh kasi napagod na sya sa pag-iintindi sa suicidal nyang girlfriend kaya ayun iniwan nalang ako at nawala na nalang na parang bula.

"Wala lang. Trip nya lang" sagot ko. Ayoko ng ikwento sakanya lahat. Di ko feel makipag story telling sa babaeng may topak nato.

Pagkatapos nya akong ihatid sa bahay namin ng sasakyan ay nagpaalam na sya at nangakong magkikita kami ulit.

"Nako kahit wag na" biro ko.

Tumawa lang sya at hinampas ako sa braso ng mahina.

Pag akyat ko sa kwarto ay nakita ko si Mommy sa may altar at hawak hawak ang picture ni Zayna habang umiiyak.

Lumingon sya sakin at tiningnan nya ako pero umiwas lang ako ng tingin.

"Jayla.. "

Tinawag nya ako pero dali-dali kong sinarado at inilock ang pintuan. Ayoko ng makipag-usap, makipagtalo, makipagsisihan o ano man ang balak nyang gawin namin. Nakakapagod.

Tiningnan ko ang floral dress na binili ni Gale para sakin. Ang ganda naman pala. Hindi masakit sa mata ang kulay. Parang painting na ginawang damit. Ang ganda.

Nacurious ako kaya sinukat ko ito.

Medyo napacringe naman ako nung nakita ko ang sarili ko sa salamin. Sobrang fitting ng damit ko at medyo maiksi. Pero hindi naman masamang tingnan. Medyo bumagay naman sakin.

Huhubarin ko na sana ang damit ng biglang may bumato sa bintana ng kwarto ko.

×××××××

Happy 1k guys! Huhu angsaya!

Anyways, it's so sad to hear about the news. Sending my prayers to all the people and families that are affected. #PrayForDavao

Lost StarsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ