Parang rollercoaster, we're going in circles. Kung saan nasa taas na kami, kung saan unti-unti na kaming nakakamove forward sa mga pangyayari ay bigla nalang babagsak. Bigla nalang bababa. Nang walang pasabi .

I don't know Mama. I wish i could tell you but how can i tell you when i don't even understand it myself?

"What did i do to deserve this?..Am i cursed? Am i.. "

"Shhh, ma.. no" I hugged her tight.

I can't find any words to say.

"I failed. I failed as a wife.. " uncontrollable sobs again. "And now, i failed as a mother too."

Kung pwede lang sana higupin ang lahat ng sakit na nararamdaman ni Mama, ginawa ko na. But i can't.

Walang akong magawa.

"Ma.. Look.. All of us will soon be dead. Nobody survives Death. Everything comes to an end. Medyo nauna lang sina Papa at Baby Agatha. Isipin nalang natin na kung saan man sila, masaya na sila ngayon. Kaya dapat tayo din.. " i caressed her hair.

"..At hindi naman sinabi ng Doctor na mamamatay na ako diba? Sabi nya umasa daw tayo sa Himala. Edi, umasa tayo ma. Wala namang mawawala kung aasa tayo diba? Miracles happen everyday. Yung iba nga namatay na, nabuhay pa ulit. Ako pa kaya? Na mas malakas pa sa kalabaw. " Nagflex pa ako sa harap nya.

Sa totoo lang, I'm not sure. I'm not the kind of a person who believes in miracles. Pero ito nalang ang meron kami. Ito nalang ang pag-asa ko.

"Sus, Cancer lang toh. Stage 4 pa. Malayung-malayo pa sa Stage 100. Meron pang umm 96 stages" biro ko.

Napatawa naman sya habang pinupunasan ang luha nya.

"Anong ginawa mo sa Mama ko? Saan na yung Mama kong hyper? Sobrang optimistic? Masayahin? At marunong maligo?" Nakita ko namang kumunot ang noo ni Mama, pero di nagtagal ay nagets nya din yata kaya tumawa sya habang umiiling. "Ibalik mo sakin yung mama ko.. " nagpout pa ako pero ginulo lang ni Mama ang buhok ko habang tumatawa parin.

Thank God, she's back.

"Ang swerte ko talaga sa anak kong toh.. " sabi nya sabay yakap. Ng mahigpit na mahigpit. Pakiramdam ko tuloy gumaling na ako.

"Magpagaling ka ah.. " She told me while smiling weakly. "Wag na wag mo akong iiwan, Anak ha?"

My heart skipped a beat.

Tumango lang ako. Ayoko syang umasa but i don't want to hurt my mom either.

"Promise?" My mom.

But mom, promises are made to be broken.

"Sabihin mo munang kamukha ko si Augustus? " I teased, changing the topic.

"Hmmm.. " naningkit ang mga mata ni Mama at nagkunwari pang inuusisa ang bawat parte ng mukha ko.

"Oo nga nuh. In fairness, gwapo ka rin pala" my mom teased.

Hindi ko namang maiwasang mapangiti.

"Yiee, ngayon mo lang napansin ma? Tsk. " nagmake face pa ako na kunyari disappointed.

"Biro lang. Syempre gwapo ka. Kaya nga napaibig mo yung si Jayla? "

Napaibig?

Si Jayla?

"Hahaha ma naman. Kaibigan ko lang yun." Sabi ko sabay kamot ulo.

"Eh dyan naman yan nagsisimula lahat e. " sagot naman ni Mama

"Oo na, oo na. Ngayon.. Matulog ka na. Get some rest" i told her.

"Okay. Ikaw din" sabi nya at inayos na ang unan nya tsaka humiga.

"Good night anak.. "

"Good night ma.. Bwiset"

Teka, anong sabi ko?

"Nagmura ka ba Reid?" May authority sa boses ni Mama.

"Ah.. Eh sabi ko.. Headset. Nawawala yung headset ko." palusot ko. Eh kasi naman, bat ko ba nasabi yun?

"Ahh.. Bukas mo nalang hanapin. Matulog ka na."

"Sige po" sagot ko at tumalikod na ako sakanya at naglakad palabas ng kwarto.

What in the world?

Medyo nasanay yata ako nakikipag bwiset bago matulog.

GoodNight Jayla, bwiset.

×××××××××××

Hindi ako mapapagod kakasabi ng 'Thank you' :) Thank you sa reads, votes at comments guys. Good night xo
                           - makabagongcinderella 👠





Lost StarsWhere stories live. Discover now