Epilogue

40 3 0
                                    

Last






Listen to your heart

Won't let you down

Cause you should be my Lady


naglalakad na ako sa gitna ng simbahan kasama ang papa ko, at nakikita ko na ngayon ang mapapangasawa ko, nakakakilig talaga!



Tuwing aalalahanin ko yung mga nangyari sa amin, ang pinakamatindi lang siguro na nangyari sa relasyon namin ay ang pagdating ni Sapira... nagselos ako at the same time nasaktan, kasi akala ko may feelings pa si Seph sa kanya... kaso mali pala ako, mahal pala talaga ako ni Seph... nagduda lang ako.




Kung ano man ang natutunan ko sa pagpapakasal kay Seph ngayon, yun ay ang magkaroon ng tiwala sa iyong partner.


Hindi naman kami magtatagal kung walang tiwala, kaya thankful ako na marami akong natutunan mula nung makasama ko si Seph, at mas lalo ko pa siyang minahal ng buong buo.



"Alagaan mo tong prinsesa namin a" biglang sabi ni papa


Andito na pala kami? Kung ano ano kasi iniisip ko -.-



"Opo... ako pong bahala kay Zy" sabi naman ni Seph, ang gwapo talaga niya...


Hinawakan naman na niya ang kamay ko at tumango nalang ako kay papa, umupo na kami sa harapan nung pare at nagsimula nang magsalita. To be honest, wala akong naiintindihan, puro flashbacks kasi ang naaalala ko. Yung tipong lahat ng masasayang moments namin naalala ko bigla.



"I love you baby"



"I love you more"



"May sasabihin ako baby" sabi ko


"Ano yun? Good or bad? Kung bad man yan, wag mo nalang sabihin bby, kinakabahan ako" pilyong sabi niya, psssh! As if naman kasing bad diba?



"Good to, ewan ko nalang kung magugustuhan mo" patampo kong sabi, malay ko naman talaga diba kung gusto niya tong ibabalita ko


"Spill it" sabi ni Seph at huminga ako ng malalim bago magsalita


"...I'm two weeks pregnant"


O.O



Ohh? Bakit? Nanahimik siya bigla? Ayaw niya?



Aalis na sana ako nung  bigla siyang lumuhod at hinawakan ang flat ko pang tyan... actually hindi ko to expected na gagawin niya


"Daddy na ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seph

"Oo malandi ka kasi" inis kong sabi, paano naman kami hindi makakabuo kung inaraw araw niya akong nilalandi? Tapos puro dahilan niya e malapit na kaming ikasal kaya dapat lang na gawin na namin yun.



"...gad! I love you babe! I love you both!" Sabi niya at niyakap ako, hindi ganoon kahigpit dahil maiipit daw si baby namin... hahaha! Natutuwa ako sa side nito ni Seph


"Sasabihin na ba natin agad kina nanay?" Tanong ko na nakahawak siya sa tyan ko habang nakahiga ang ulo niya sa legs ko


"Wag muna Mommy, sabihin nalang natin after kasal natin."


Tumango naman ako, pero agad na nagtaas ng kilay sa sinabi niya


"...mommy?" Takang tanong ko


ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon