Prologue

123 4 1
                                    

"Mamili ka. Ako o si Sapphire?!" Galit ko nang sabi, matagal ko na dapat tong tinanong sa kanya, para alam ko kung mahal niya ba talaga ako o hindi





"Wag mo naman akong pagpiliin Zy" pagmamakaawa niya




"Bakit? Dahil masasaktan ako?" Matigas kong sabi sa kanya



"Hindi sa ganun..." sabi niya



"Then tell me, para hindi ako mukhang tanga na pinaglalaban ka sa wala!" Sigaw ko, hindi siya sumasagot.



Ilang minuto pa akong naghintay, kaso wala talaga... thats it! Ayoko na!




Iniwan ko siyang nakatulala. Hindi na kita babalikan pa Joseph kung ganyan din lang ang ugali mo!





-


"Zy..."



"Bakit Rai?" Takang tanong ko sa kapatid ko


"Bumalik si Tatay" malungkot niyang sabi


Napatitig naman ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Bumalik na si tatay? Para ano pa? Para guluhin na naman ang buhay namin?!

"E ano ngayon kung bumalik siya Rai? Hindi natin siya kailangan" gigil na gigil kong sabi sa kapatid ko. What's happening to her?! Ilang taong nawala si tatay, tinalikuran at kinalimutan, tapos ngayong bumabalik siya guguluhin niya ulit kami?!


"May sakit siya..." naiiyak nang sabi ni Rai

"D'you think I will buy that?! Hindi mo ba nakikita? Masaya na tayo. Masaya na si nanay. Masaya tayo kasi meron si nanay at papa.. bakit ikaw? Hindi ka ba natutuwa?!" tanong ko sa kanya


Tinitigan niya ako at hindi makapaniwalang nasasabi ko to sa harapan niya ngayon


"Tsssk, I can't believe that you will be like this Zy. Sa sobrang pagiging manhater mo, nakalimutan mo na hindi ka naman mabubuhay ngayon kung wala ang tatay, kung hindi dahil sa kanya hindi ka magiging masaya ngayon! And maybe dahil pinili ni Joseph si Sapphire dahil sa pagiging ganyan mo, hindi mo nakikita ang effort ng iba sayo... may nagmamahal sayo, at alam kong mahal ka ni Joseph, pero sinayang mo dahil sa kaarte--" hindi ko na siya napatapos dahil galit na galit ako sa kanya


PAK!




Nabigla siya sa ginawa ko, nung una nabigla rin ako, pero nabuhay ulit ang galit ko dahil sa mga sinabi niya at nagsimula na akong umiyak


"Wala kang karapatang husgahan ako ngayon, akala ko ikaw ang mas makakaintindi sa akin dahil kapatid kita, akala ko maiintindihan mo ako, sa kaartehan ko man yan o ano! Oo manhater ako! Nagalit ako kay tatay, nagalit ako sa mga lalaking umaaligid sa akin dahil alam kong lolokohin din lang nila ako... pero alam mo bang nabago lahat ang tingin ko nung dumating si papa sa buhay natin? Alam mo din bang nabago ang paningin ko sa lahat nung nakilala ko si Joseph?! Na handa akong magpatawad para lang maging magaan na ang loob ko?! Handa na akong patawarin si tatay, handa na ako! Pero alam mo ang nangyari?! Syempre hindi Rai! Kasi nasa ibang bansa ka! Muntik nang mapahamak si Papa dahil kay Tatay! At hindi ako pumayag na may mangyari pang masama sa kanya! Tinuring ko na siyang papa, nandyan siya palagi sa atin, palagi niya tayong minamahal kahit hindi niya tayo kadugo. Lahat ginagawa niya para kay mama. Kasi mahal niya tayo! At hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa kanya!" Mahaba kong sabi habang umiiyak. I can't take anymore, sobra sobra na ang nararamdaman ko ngayon. Sobra na.


"Zy.... sorry.... hindi ko alam...." iyak nang iyak na sabi sa akin ni rai


"Then you will tell me na hindi ako pinili ni Joseph dahil sa ugali ko? Sana alamin mo muna Railyn.. sana inalam mo muna kung ano ang naramdaman ko! Kung nasaktan ba ako, kung ano ba ang ginawa niya sa akin at kung ako ba ang nanloko! kailanman, narinig niyo ba akong mag inarte?! Nakita niyo ba akong nagdudusa? Hindi diba?! Kasi ayaw kong madamay kayo! Ayaw kong inaalala niyo ako kasi nagpaloko ako! Pero sa nakikta ko ngayon, parang ako pa ata ang naaagrabyado." Walang emosyon kong sabi


"Sorry... i didnt know... sorry"


"Sana hindi ka nalang bumalik" sabi ko na nakatitig sa mata ng kapatid ko...


Ayaw ko na... nawala na sa akin si Joseph, at hindi ako makapaniwalang mawawala na rin sa akin ang kapatid kong si Rai.. nasasaktan na talaga ako. Hindi ako marunong magalit lalo na kung kay Rai din lang, pero sa ngayon hindi ko na mapigilan pa.

Sa unang pagkakataon, natalikuran ko ang kapatid ko... ang kapatid kong kinatatakutan kong talikuran at awayin sa buong buhay ko.

















#izzy#joseph

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon