First Day

35 2 0
                                    

II








Limang taon na pala ang nakalipas... limang taon na rin kaming masaya nila nanay at rai... at syempre si Papa! Tama kayo, may bago na kaming tatay. Ang lalaking nagmamahal ng sobra kay Nanay. Minahal siya ni nanay, kaya mahal na rin namin siya ngayon.. at okay lang naman sa amin yon... ang importante masaya ang nanay namin.

"Mga prinsesa namin, tara na ba?" Tanong ni papa

Napangiti naman kami ni Rai... hays... ang sweet ni papa. Siguro katulad niya, ganun ang gusto kong ideal man...

"Yes papa.. tara na po" sabi ko

"Nay alis na kami" sabi ni rai

At niyakap namin si nanay at nagkiss sa cheeks

"Papatalo ba ako?" Sabi ni papa at hinagkan si nanay

"Ingat kayo hon... mga anak" sabi ni nanay

"Opo!" Sabay naming sabi ni rai

"Bye hon" sabi ni papa at sumakay na kami sa sasakyan.

Nakakatuwa kasi graduating na kami sa college ni rai pero hinahatid pa rin kami ni papa. Parang mga bata lang e.

"Kamusta ang studies mga prinsesa?" Tanong ni papa

"Okay naman papa. nung last sem college scholar ako.. kaso wala ka" sabi ni rai

"Sorry anak... masyado na ata akong busy sa work" nanghihinayang na sabi ni papa

"... kung nakaattend man lang sana ako." Dugtong pa ni papa

"Anoka ba papa. Okay lang. Hahaha. Nandyan naman sila nanay at zy..." sabi naman ni rai habang naglilipstick

"Bawi ako nak... ikaw Zy? Kamusta nung last sem?" Tanong sa akin ni papa

"Okay naman dad" maikli kong sabi

"University scholar yan papa" daldal ni rai

Napahawak naman ako sa noo ko, asar naman e! Pasalamat si rai at nasa harapan siya kundi babatukan ko siya!

"Talaga? Wow nak... dapat icelebrate natin yang mga achievements niyo" tuwang tuwa na sabi ni papa.

Ngayon niya lang nalaman yung mga nangyari sa amin nung last sem kasi busy siya sa New york... businessman kasi si papa kaya ganun.. pero kahit ganun, bumabawi talaga siya sa mga araw na wala siya.

"Okay lang papa... di na kailangan, kayo lang ni nanay sapat na" sabi ko

"Yeeeee" dagdag naman ni Rai

"E sa lovelife niyo mga prinsesa?" Tanong naman ni papa

"Hahaha papa! Omg! May crush ako" sabi ni Rai at kinikilig pa

"Sino naman?" Tanong ni papa

"Basta pa, kapag naging kami... papakilala ko"

"Asahan ko yan nak" tuwang tuwa na sabi ni papa.

"... ikaw nak?" Sabay tingin sa akin ni papa gamit ang salamin.

"K---"

"Manhater yan pa. Walang type" sabi ulit ni rai

Magsasalita palang sana ako nung naparada na ni papa sa labas ng school

"Andito na tayo"

"Thanks pa" sabi no rai at nagkiss sa cheeks.

"Bye pa" at nagkiss na rin ako sa cheeks niya at lumabas na ng sasakyan

"Text me para masundo kayo okay?" paalala ni papa

ManhaterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang