Parents

49 1 1
                                    

I


"Anak galit ba kayo?" Tanong sa amin ni nanay




"hindi ba halata nay? Sino bang masisiyahang anak kapag nalaman nilang maghihiwalay ang magulang nila?!" Inis na sabi ng kapatid kong si Railyn




"mga anak sorry... kasalanan namin ng tatay niyo to"




"Talaga namang kasalanan niyo e. Ang bata bata palang namin ni Izzy, tapos maghihiwalay na kayo ni tatay?! Ano bang nasa isip niyo nanay?! Kung kailan may anak na kayo tsaka niyo naisip maghiwalay. Ano nalang sasabihin ng iba?!" Iyak na sabi ni Railyn




Sa senaryong nakikita ko, alam ko na agad kung sino ang may mali. At yun si tatay. Nagmahal siya ng iba bukod kay nanay. Hindi niya na kami mahal.




"Anak..."



"nanay... hindi na niya ba tayo babalikan?" Tanong ko habang umiiyak




"Iniwan niya na tayo anak.ang sakit... sorry rai, izzy... hindi ko nasave ang pamilyang ito"




"Dahil una palang, inaaway niyo na si tatay! Hind ko siya masisisi kung maghahanap siya ng iba!" Pasigaw na sabi ni Railyn



"Railyn!" Saway ko




"Oh bakit? Totoo naman a. Ipagtatanggol mo si nanay?! Bahalaka!" At umalis na si railyn




Hindi ko masisisi ang kapatid ko, mula nung 6 years old palang kami, malayo na ang tingin ni railyn kay nanay... ako kasi ang laging inaasikaso, ako yong sobrang inaalagaan at sa akin nakapokus si nanay. Samantalang si railyn, si tatay ang nakakasama niya. Siya ang kakampi ni tatay, kaya kung kasama ni rai si tatay, wala akong laban dahil laging ako ang mali, siya ang tama. Pero kailanman hindi ako nagalit sa kapatid ko.. sanay na ako sa kanya e... pero kay tatay?! Galit na galit ako sa kanya. At ipinapangako ko na hinding hindi ako magmamahal ng lalaki lalo na kung kagaya ni tatay...




----




"Rai... galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kapatid ko na nasa kwarto niya



"Hindi. Naiinis lang ako. Pero magalit? Hindi ako galit Zy..."



"Sorry kung si nanay ang pinagtatanggol ko"



"Syempre close kayo e" matamlay na sabi ni Rai sa akin...



"Sana buksan mo ang mga mata mo Rai... at para makita mo yung mga effort ni nanay para sayo.. walang paborito si nanay, pareho niya tayong paborito... pero hindi mo yun nakikita kasi nagagalit ka sa kanya. Hindi ko to sinasabi para makonsensya ka, sinasabi ko to para malaman mokung ano ang totoo" pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa harapan ng kapatid ko.



Sana naman magbati na si nanay at Rai... hindi ko kasi kakayanin kung maisipan ni Rai na maglayas at sumama nalang kay tatay. Hindi rin naman ako makakapayag na kunin ni tatay si Rai... wala siyang karapatan! Pinapangako kong magmamakaawa si tatay sa tamang panahon na bumalik sa amin! Pinapangako ko yan!



----



"Nay kain na" sabi ni Rai



Nabuhos naman sa buhok ni Rai yung iniinom ko sa sobrang gulat



"Zy!!!" Inis na sabi ni rai sa akin. Pulang pula na siya sa sobrang asar. Uh oh... hindi ko naman sinasadya e. Malay ko bang magugulat pala ako sa sinasabi niya! At ano daw? Kain na daw nanay?! Okay na sila?!




"Hahahha ang cute niyo talagang tignang dalawa!" Sabi ni nanay



"Tskkk. Buti naman ngumingiti ka na nanay" sabi ni rai



"Oo naman nak. Yun ang sabi mo e" tapos tumawa si nanay



At ang nakakagulat tumawa rin si rai, pabalik balik ang tingin ko sa dalawa, tama ba talaga tong nakikita ko?



"Totoo ba to?!" Sabi ko



"Ang alin?" Sabay pa nilang sabi



Nagtinginan sila at nag-apiran. Omygad. Anong nangyayari?!



"Hahahaha nakakatawa yang mukha mo Zy, oo okay na kami ni nanay. Thanks to you.. hayaan mo, makakapagsimula naman tayo ng panibago kahit wala si tatay. Wala akong pake kung may masasabi ang iba sa pamilya natin. Hindi naman na natin siguro kasalanan kung iniwan tayo ni tatay. Basta ang sinisiguro ko, hinding hindi kokayo iiwan ni nanay. Magsimula tayo na wala si tatay, mabubuhay naman tayo e. Hindi natin siya kailangan" mahabang sabi ng kapatid ko




"WOW!" yun lang ang nasabi ko, grabe nakaka-speechless.



"GROUP HUG!" sabi ni nanay



At nagyakapan nga kaming tatlo.. nakakatuwa.. kahit nabawasan kami ng isa, ramdam ko naman ang pagmamahal namin sa isat isa. May mga problema man, nandito pa rin kami at sama sama.







Ipapangako ko na magsisisi si tatay, at hindi ako magmamahal ng katulad niya kasi ayaw kong masaktan... ayaw kong matulad ako kay nanay na nagmahal at nasaktan. Sana maging masaya na nang tuluyan si nanay. Tutulungan namin siya.













#anak
#pamilya

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon