Birthday Party - Jessie Forestine

23 2 0
                                    

VII









"Happy birthday!" Sabi ng mga kaibigan ko na dumalo sa birthday ko, wow! I didn't expect na dadalo lahat ang mga kablock namin nila Izzy sa school.



"Thank you guys" sabi ko naman na nakangiti


"Oy! Happy birthday, kahit hindi ako madaldal, mahal pa rin naman kita. Syempre ikaw lang naman ang nakatiis sa ugali ko" nahihiyang sabi naman sa akin ng kaibigan kong si Izzy, kahit mawala na lahat ng plastik sa mundo, basta matira si Izzy... okay na ako doon.




Sa likod naman niya ay si Joseph, ang pinsan ko... ugh! Ano ba talaga meron sa dalawang to? Mula nung nag-mall kami, close na sila... natatakot ako para kay Izzy, manhater siya, tapos ang pinsan ko... minsan nang umibig, pero nasaktan. Baka naman gawing panakip butas ang aking kaibigan




"Thank you Zy, lovelots" sabi ko




"Insan! Happy birthday" maikling sabi niya, napangiwi naman ako... walang kwenta to bumati... naappreciate ko grabe!



Lahat na ata lumapit saakin para igreet ako, pero up until now wala yung lalaking gusto kong makita at makasama ngayong araw na to.




Nasaan na ba kasi si Justin? Kahapon pa siya hindi nagpaparamdam sa akin! Nakakainis na.



"Nasaan pala si Jus?" Biglaang tanong ni Zy, napansin na din siguro niya na wala siya kanina pa. Ugh, kaasar ang lalaking yun! Hindi ba niya alam na birthday ko ngayon?! Pero 2 years na kami, hindi naman niya nakakalimutan a -.-


"Nasa Cebu siya kahapon a" sabi ng pinsan ko, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya



"Ano?!" Sabi ko



"Omo, hindi mo alam pinsan?" Sabi ni Joseph, umiling naman ako bilang kasagutan


"...aba loko yun a, sayo lang sinabi? Samantalang si Jess naman ang gf niya?" Inis na sisi niya kay Joseph



"E kasi... ewan ko ba doon? Hinanap ko rin kasi siya kahapon, tapos sabi niya nasa Cebu siya, emergency daw... e hindi ko na sinabi sayo Jess kasi akala ko alam mo"
Sabi ng pinsan ko





"Wala akong alam" naiiyak kong sabi sa kanilang dalawa




Natatakot ako, bakit siya nasa Cebu?! Puntahan niya na ang lahat ng lugar, wag lang ang Cebu.. hindi niya ba sinabi kasi baka magalit ako?




Hindi niya ba sinabi sa akin kasi magagalit ako na nandoon yung first love niya?




Bago ako nakilala ni Justin, may minahal na siya nang sobra. Nakatira yung babae sa Cebu, pero dahil sa sinaktan siya nang sobra ni girl, umalis si Justin doon at pumunta sa Las Vegas... doon kami nagkakilala at nagkamabutihan... alam ko ang nangyari sakanya dahil tinulungan ko siyang mag-move on... pero ngayon, ako naman na ata ang magmomove on dahil sa nangyayari




"Yan naman na pala si Justin e" sabi ni Joseph




"Pero bakit may kasamang babae? Kapatid niya?" Takang tanong naman ni Izzy..


Napatingin ako sa harapan ko at pinigilan ang malapit nang lumabas na iyak sa aking mata... totoo nga. Siya yung babae!




"Happy birthday Jessie" sabi sa akin ni Justin, pero nandoon pa rin yung kaseryosohan sa mukha niya




"Oy pre, akala ko pa nman wala ka nang balak pumunta sa birthday ng syota mo." Sabi ni Joseph




"Kailangan ko kasi siyang makausap" walang emosyon niyang sabi




"...pwede ba kitang makausap in private?" Sabi niya sa akin, ngumiti ako at tumango.. hindi pwedeng makita niya ako na nagiging mahina





Tumingin ako kay Zy na nakataas ang kilay, nakakahalata na ata siya! Malakas kasi radar ng babaeng to e, malalaman niya agad kung may problema... pero nginitian ko lang siya para hindi na siya mag-alala pa.. kaya ko naman to e, tiwala lang!





"Sige, tara sa loob" sabi ko at sumunod siya sa akin at iniwan kila Izzy yung babae, wala na :( iiwan na niya ako... hindi ko na kaya









"Anong gusto mong mapag-usapan?" Malungkot kong sabi






"Sorry Jessie... kasi.... si Lily... kailangan niya ako" sabi niya





"Anong meron kay Lily?" Walang emosyon kong sabi sa kanya





"Namatay ang mga magulang niya, kailangan niya ako... ako lang ang malalapitan niya" sabi niya





"So?" Sabi ko





"Maghiwalay muna tayo, kapag okay na siya, babalikan kita" sabi niya





Napaiyak na ako sa sinabi niya, so anong ibig niyang sabihin? Habang inaalagaan niya ang ex niya e kailangan hiwalayan na rin niya ako?!






"So? Pwede namang tayo pa rin kahit nasa tabi natin yan... aalagaan mo lang naman diba? Icocomfort mo kasi nawalan siya ng magulang, then kapag okay na --" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nung nagsalita na ulit siya





"Please... let me give up on you for now Jess" pagmamakaawa niya, nainis naman ako sa ginawa niya, so anong pinapamukha niya? Ayaw niya na ba ako?!





"Pero Justin! Magulang niya lang naman ang nawala! buti nga at buhay pa siya!" Inis ko nang sabi, bigla namang nagalit siya sa sinabi ko, oh bakit? Dahil tama ako?




"Hindi mo alam ang nangyari, nang dahil sa kanya kaya nawala ang magulang niya... hindi siya makatulog sa gabi kakaisip na siya ang may kasalanan, at anong magagawa ko? Kailangan ko siyang bantayan! samahan araw araw dahil minsan niya nang pagtangkaan ang buhay niya... ugh! Why do I need to tell everything to you?! E childish ka nga pala" sabi niya, na ikinagulat ko






"...you can't understand all, kasi meron kang magulang, meron kang kasama sa bahay, may kaibigan, may pinsan at higit sa lahat may nagbibigay sayo nang lahat ng gusto mo, paano naman si Lily? Hindi siya mayaman, maswerte ka nga at nabibigay lahat lu--" that's it! Ayaw ko nang pakinggan!






PAK!






"Then go! Wag mo ipamukha sa akin lahat nang yan! Wag mo akong gawing tanga Justin, I'm trying to do everything para hindi tayo maghiwalay, but I didn't expect na sasabihin mo lahat sa akin yan! I hate you" sabi ko at tuluyan nang umalis sa harapan niya na umiiyak... hindi ako palaaway, kilala akong kalmadong tao, pero nagpapasalamat ako at nagawa ko kahit papaano yun kay Justin! Tinalikuran na niya ako, it's time to move on na rin siguro talaga!








Puta! Ang sakit pala talagang masaktan, he's my first boyfriend, buti nalang talaga at never ko yun sinabi sa kanya! At baka kawawaan pa niya ako!










#Side Story of Jessie and Justin








Abangan po sila sa kwento nilang "My Girl" thank you!

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon