Sweetness Overload

27 1 0
                                    

XVIII






"Happy 27th monthsary baby" sabi ko kay Seph na nakahiga sa kama niya, pssssh! Late na naman siyang nagising




"Uhhh... baby, happy monthsary" pilit niyang sinabi, napangiti naman ako... okay lang sa akin kahit ganoon lang ang way nang pagbati niya sa akin, napapagod din kasi siya sa work niya... paano ba naman kasi naging workaholic na ang baby ko -.- minsan nga nag-aaway na kami kasi napapabayaan niya na sarili niya... haaaays, pasaway talaga.



Lumabas muna ako ng kwarto niya at naisipang magluto for breakfast. Breakfast in beeeeed!




"Morning tita" sabi ko sa mama niya




"Oh anak, gising na ba si Joseph? Lokong bata talaga yan, napababayaan ka" sabi ni tita na dapat papasok na sa kwarto ni Seph kaso pinigilan ko




"Ahh tita, hayaan na muna natin siya... hihihi, patulong nalang po ako magluto nang breakfast, okay lang po ba?" Tanong ko




Tumango naman siya at sumama na siya sa akin sa kusina... grabe, feel at home na talaga ako, mukha na ba akong asawa? Nakakakilig!




"Favorite ni Seph ang omelette tuwing umaga, kaya for sure na magugustuhan niya to iha"



"Oo nga tita, at hindi naman siya maarte sa pagkain, hindi po ba?"


"Oo naman nak, walang kaarte arte yan sa katawan, basta ilayo mo lang sa ampalaya at kamatis" tawa niyang sabi



"Hahahaha opo tita! Grabe, nabuga niya nung last yung kinakain niya kasi nalaman niyang may halong kamatis" kwento ko sa kanya


"Hahahaha kilalang kilala mo na talaga ang anak ko iha, I'm so happy for the both of you, kailan kaya kayo magpapakasal?" Tanong ni tita




Ngumiti lang ako bilang kasagutan, wala naman akong maisagot e, loko kasi yung anak nila! Hindi pa ako niyayaya huhuhu kaasar!




Matapos namin inihanda yung pagkain, nagpaalam na ako kay tita para pumunta kay Seph, dala dala ang tray na may pagkain... hmmmp! Saraaaap nito.




Pagpasok sa room niya, tulog pa rin siya... haba naman ng tulog nito.



linapag ko na muna sa mesa yung tray at umupo ako sa tabi ni Seph


"Baby..." sabi ko at hinaplos ko ang balakang, langya tsansing na rin to! Hahahaha ang landi ko


"Hmmm" ungol niya



"Gising na baby..." sabi ko



Minulat niya ang mata niya inaantok pa rin, kawawa naman talaga ang baby ko.. ako hindi napupuyat, pero siya napupuyat.



Pilit siyang umupo at mas lalo akong tumabi sa kanya, hinalikan ko siya ng mabilis at partida, ang bango pa rin niya. Nakakainlove


"Goodmorning sleepyhead" nakangiti kong sabi sa kanya


"Morning..." sabi niya sa akin habang nakahawak sa aking kamay



"...happy 2 years and 3 months" dagdag pa niya,ngumiti naman ako sa kanya at tinuro ko sakanya yung tray


"Breakfast in beeed" ngisi ko


"Subuan mo ko" parang bata niyang sabi sa akin, pasalamat siya at mahal ko to.



ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon