Sapphire DeGuzman

18 2 0
                                    

X






Nasa room na ako kaso wala pa rin si Seph, asaan na ba ang lalaking yun?





"Zy, may new classmate tayo for our last sem" kwento ni Mica





"Talaga? Sino?" Sabi ko naman





"Si Sapphire, ayan paloob na" sagot niya






Tinignan ko naman siya at wow! Ang ganda naman niya, ang kinis ng kutis ng isang yon... kaloka!




Pero ang nakakagulat, kasabay niya ang bf ko! Nagkakatuwaan pa sila! Aba aba! Ang landi naman ata ni Seph ngayon!




"Goodmorning, transferee pala ako. I am Sapphire De Guzman, sana makasundo ko kayong lahat!" Sabi niya at umupo na siya sa bakanteng upuan, tumingin naman sa akin si Seph na nakangiti, kaso sinikmuraan ko lang siya. Bwisit! Paano ba naman kasi! umupo pa siya sa tabi nung babae, nakipagkwentuhan pa ang loko! Ugh! I can't take this anymore!





Lumapit ako sa kanila at napatingin na rin sa akin tong Sapira na to, nakakainis... maganda pa sana to e! Kaso nung nakita kong nakikipagtawanan siya kay Seph, ayaw ko na sa kanya! Pakamatay na siya!





"Oy babe" sabi ni Seph, don't babe me Seph! wala akong panahon!




"Siya pala?" Manghang sabi ni Sapira




"Yes... gf ko" proud na sabi ni Seph, yet hindi pa rin ako convince kaya kinusilapan ko yung babae at hinila si Seph papunta sa abandonang room





"Hey, kausap pa natin siya a!" Sabi niya





"Kausap? E halos magyakapan na kayo sa sobrang pagtatawanan niyo. Nandoon lang kayo! Hindi mo ba ako nakikita?!" Inis kong sabi





"Actually, Babe.. siya yung ex ko" mahinahong sabi niya




O.O





Kita mo na?! Ex niya pa pala





"...don't worry, wala na akong feelings sa kanya" dagdag pa niya




"Ah talaga? Wow naman, wala ka ngang feelings, kamusta naman siya?!" Galit kong sabi





"stop being unreasonable!" Wala na sa pasensya niyang sabi. Wow! just wow! Ako pa talaga ang unreasonable?! Seriously?!




"Ako pa talaga Seph?! Ako pa?!" inis kong sabi, hindi ko na mapigilang mapaluha. Yes alam kong nagiging possessive ako sa kanya, pero masisisi niya ba ako?! E siya naman ang dahilan kaya nagkakaganito ako e!




"Please. Wag kang magselos" sabi niya





"Hindi yun napipigilan Seph!" asar kong sabi




"Kaibigan ko nalang siya ngayon Seph, maniwala ka naman sa akin!" Sabi niya sa akin, nakakaasar!





"Bahala ka!" Sabi ko at akmang aalis na, kaso nahawakan niya ang kamay ko




"Saan ka pupunta?" Sabi niya




"Sa room, may klase pa" walang emosyon kong sabi




"Mag-usap tayo mamaya" ma-awtoridad niyang sabi sa akin... at nauna na siyang lumabas. Papansin! Bahala siya!







Sa halos limang buwan na pagsasama namin, ngayon lang talaga nagburst out ang galit ko, to think na yung Sapira na yun e ex pa niya! Tangna talaga!








ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon