Close?

29 2 0
                                    

V






nasa room ako ngayon at mukhang tanga na nakatulala. Paano ba naman, ang aga naming nakarating dito sa school ni Rai, buti nalang pala at sinamahan pa ako nila Irish at Rai dito sa room.



"Di nalang pala sana ako pumasok" maktol ni Rai



Ganun na nga din sana ang gagawin ko e, ang boring din lang naman at next week pa naman ang prelims namin.




"So tara? Mag absent na tayo? Habang may oras pa tayo" ngiti kong sabi sa kanilang dalawa



Nanlaki naman ang mata nila habang nakatitig sa akin na parang hindi makapaniwala




"What?!" Sabi ko





"Ikaw ba yan my dear pinsan?! Wala kang sakit?" Naghi-hysterical na sabi ni Irish. Uh oh! Oa na naman ho ang pinsan ko




"Oo nga ang kulit" sabi ko naman sa kanya na nakangisi





"Omg, tara na Rissssh! Baka magbago pa ang isip ng minamahal kong kapatid" sagot naman ni Rai at nagsimula na kaming lumayas sa room




Palabas na kami nang room nung dumating naman sila Jessie kaya napatigil kami




"Oh, saan punta niyo bes?" Takang tanong ng kaibigan ko




"Aalis?" pabalik kong sagot




"Di ka papasok?" Nanlalaking mata na sabi ni Joseph. Hahaa ang cute. Ha? Ano? Anong sabi ko?!




"Yap" sabi ko nalang




"Omg, saan lakad niyo? Sama ako!" Tiling sabi ni Jessie.




"Mall, sama ka na girl para may kasama kami" ngisi naman ni Irish. Ganyan yan, feeling close kahit hindi sila gaanong close ni Jes, at ganun din ang kaibigan ko, kahit hindi niya close kinakausap niya. Unlike me.




"Yap sasama talaga ako, paano ba yan babe? Kuya? Sama muna ako sa kanila ha?" Nakangiting sabi ni Jes sa dalawa. At napatitig naman yung dalawang lalaki sa kanya na para bang hindi siya sumasang ayon sa kagustuhan ng kaibigan ko.





"Sasama kami" walang emosyong sabi ni Joseph



"Ha?" Gulat na gulat na tanong ni Jes



"Sasama kami babe" salo naman ni Justin



"Okay?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Jes



"Taraaay! May guard tayo, maganda yan! Tara na!" Saad naman ni rai na nandito pa pala sa mundo, akala ko nilamon na siya ng ibang planeta.






-


Nasa mall na kami at humiwalay ako kasi hindi naman sila mahilig mag-shop ng mga dress, ako lang ata kasi ang nagde-dress pati kung pumapasok. Hindi kasi sanay ang skin ko sa pantalon, nakakairita.



Nagulat nalang ako nung may biglang umakbay sa akin kaya napatingin ako agad sa kanya. nanlaki ang mata ko nung makilala ko kung sino siya



"Joseph?!"



"Yeah, saan punta mo?" Sabi niya



Pilit ko namang inaalis ang kamay niyang naka-akbay sa akin.



"Hmmp, tanggalin mo nga muna kamay mo" inis kong sabi sa kanya



Ngumisi naman siya agad at tinanggal na ang kamay niya.




ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon