Annoyed

33 2 0
                                    

III








Hinintay ko talagang matapos yung instructor namin para makuha ko ang phone ko sa lalaking yon. Ang kapal ng mukha! Ako pa talaga naisipan niyang pagtripan ngayong araw na to!

tumayo ako lumapit sa lalaki, naka white shirt at jeans siya, bagay sa kanya... ang hot--- este nakakainis!

"Ibalik mo na sa akin ang kinuha mo" walang reaksyon kong sabi

Napatingin naman ang iba naming classmates, I hate seeking for attentions, pero napipilitan ako dahil sa lalaking to

"Name mo muna" ngising sabi niya

Inis na inis na ako sa lalaking to. Pinaglalaruan ba ako nito? He's too annoying! Nakakairita na! Aanhin nito ang pagiging gwapo kung ganito naman ang ugali nito?!

"Balik mo na bro... di ka naman type niyan e" sabi nung kasama niyang mukhang mokong kanina, at ano tong nakikita ko?! Bakit magkaholding hands sila ni Jessie?!

Napatingin muna ako sa kaibigan ko at kinindatan lang ako, naloloka na ako sa nangyayari sa mundo at isama mo pang kinikilabutan ako sa kaibigan kong to!

"Ibalik mo na. Wala akong panahon makipagbiruan sayo Mr." Sabi ko, totoo naman e, gusto ko nang bumalik sa upuan ko pero mukhang pinaglalaruan ako ng lalaking to. Nawawalan na ako ng mahabang pasensya! Sinasagad lahat nang taong to!

"Pangalan mo muna kasi!" Inis na rin niyang sabi sa akin

Wala na. Inubos niya na talaga ang pasensya ko!

Lumapit ako sa kanya at kwinelyuhan! Gago to! Papahirapan pa ako

"Oh my gad! Nagtransform na naman sa monster "

"Sinagad kasi ni fafa pogi e"

"Kawawa naman"

Halata sa mukha niya ang gulat. Serves you right! Habang kwinekwelyuhan ko siya, ginamit ko ang pagkakataon na yun para makuha ang phone ko at hindi naman ako nabigo. Matapos kong gawin yun tinulak ko siya.

"Kung binigay mo sana nang mas maaga hindi na tayo umabot pa sa ganito. Anyway, I am Izzy Horan" sabi ko at bumalik na sa upuan ko. Omo! My precious phone. Naibalik ka rin sa akin.






Joseph's POV

Did she really do that?! Grabe! Kakaiba ang babaeng to. Napaka-amazona. Hindi ko inaasahang ggawin niya yun saakin. Imagine that?! Kwinelyuhan ako! Tanggap ko pa kung lalaki ang gumanun sa akin, pero for petes sake! Babae siya!

"Yan kasi..." sabi ni Jessie. Pinsan ko

"Tsssk! Sino ba yang Izzy na yan at ang yabang?!" Maktol ko sa pinsan ko

"Bestfriend ko..." sagot niya

"Okay best--- ANO?!" sigaw ko. Napatingin saakin lahat, pati na yung Izzy na yan...

"What's wrong mister?" Walang emosyong sabi ni maam. Uh ohhh highblood sguro to!

"Wala maam" sabi ko

At bumalik na siya sa pagtuturo

"Ingay mo couz!" Inis na bulong sa akin ni Jes

"Paano mo naging kaibigan ang babaeng yon?!" Inis kong sabi sa kanya

"Mahaban---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Jes kasi pareho kaming napatingin sa harapan

"Kanina pa kayo nagdadaldalan, utang na loob! Nakakadistorbo kayo! Lumabas nga kayo! At doon magligawan!" Wala kaming nagawa kasi galit na ang mtandang to, isa pa to e. Tsssk

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon