Court

31 1 0
                                    

XVI







Isang linggo na ang nakalipas, nakalabas na rin si papa at magaling na siya, si tatay naman ay nakalaya na sa kulungan... nagpapagaling na rin siya, napag-alaman kasi naming may cancer siya at nasa stage 2 na..




Kami naman ni rai? Ayun, kinakausap niya pa rin naman ako, pero hindi ko na siya gaanong napapansin, medyo fresh pa kasi sa akin ang sagutan namin nung last, hindi ko pa kering makipag-ayos.




Si Seph naman? Hindi ko alam! Ang walang hiyang yun, nagdidiwang na siguro yun dahil naghiwalay na kami! Mahal niya pa siguro talaga ang sapirang yun! Nakakaiyak -.-




"Nak... may bisita ka" sabi ni nanay



Lumabas naman ako sa kwarto ko at nagulat ako dahil punong puno nang rosas ang floor namin hanggang sa bumaba ako nang hagdan, omo! May manliligaw si Rai?! Ang swerte naman ng kambal kong yun! Ang effort


"Wow, ang effort naman nito" sabi ko sa kanila, nung humarap na ako, mas nagulat ako sa nakita ko....






Seph?!




"Iwan muna namin kayo prinsesa" sabi ni papa at umalis na sila sa harapan namin na todo makangisi





tinaasan ko naman ng kilay si Seph, ilang araw na hindi nagpakita tapos biglang susulpot?! Aba hindi pwede sa akin ang ganun!



"Anong kailangan mo?" Pagtataray ko



"You." Simpleng sagot niya





"Hindi ako available" pabalang kong sabi, napangisi naman siya sa sagot ko, kainis to! Break na nga kami pero parang wala lang sa kanya?!



"Sige na baby..." lambing pa niya



"Hiwalay na kaya tayo" parang bata kong sabi sa kanya




"Ha? Kailan?!" Maang niyang tanong


Gago to a! Aalis na sana ako nung pinigilan niya ako at niyakap patalikod



"Tampo ka na naman" bulong niya sa akin habang hinahalikan ang tenga ko



"Ano ba... mamaya may makakita sa atin!"



"So? Akin ka naman e"



"Psh, as if!" Sagot ko, pero bwisit lang! Kinikilig po ako! Huhuhuhu! Ilayo niyo ang lalaking to sa harapan ko! Baka hindi ako makapagpigil!



"Bati na tayo..."



"Ayoko!"



"...umaalis alis ka kasi agad e, ikaw kaya ang pipiliin ko dapat... matagal lang akong sumagot kasi naghahanda ako ng speech... hindi ka lang kasi makapag-antay" sabi niya




"So kasalanan ko pa ba yun?" Maktol ko




"Oo! Mahal mo ako tapos makikipaghiwalay ka?" Ngumingiting sabi niya. Gago! Bakit alam niya?




"Love you" sabi niya at mabilis akong hinalikan



"Ano ba!"


"Galit ka?"



"Oo! Hindi ba halata?!"



"Edi nagtatampo ka rin sa akin?"



"Oo sobra! Gusto na talaga kitang patayin!" Gigil kong sabi sa kanya




ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon