Hurt

19 1 0
                                    

XV







Hays, hindi pa rin gising si Papa, sabi nung doctor baka mga after 3 days pa siya magigising, ang tagal naman niyang matulog




"Nak"




"Nay?"




"Umamin ka nga"



Kinabahan naman ako sa sinabi niya, anong aaminin ko? Si nanay naman e!



"Po?"


"Okay ba kayo ni Joseph iha? Bakit hindi ko pa siya nakikitang bumisita? Nag-away ba kayo? Halata sa mga mata mo na umiyak ka, imposible namang dahil sa papa mo yan nak, e kita mo nang nagpapagaling nalang siya" sabi ni nanay




Magsasalita na sana ako kaso lokong mga luha to, bigla nalang lumabas sa mga mata ko...



"Nanay" iyak ko




Niyakap niya naman ako agad, at pinapatahan




"Shhhh, sabi na nga ba at may problema"




"Nay... huhu... wala na..po kami.." iyak ako ng iyak habang sinasabi yan




"Hays ang anak ko... tama na iha... tama na please..." at hinahagod na niya ang likod ko kasi hindi ko na talaga napigilan ang iyak ko, langya! Ang sakit pala talaga!







-





"Tama na bro! Hindi ka naman palainom a" saway sa akin ni Justin, oo tropa ulit kami nang lalaking to, nalaman ko na kasi ang totoo bakit sila naghiwalay ni Jessie, tanga din kasi! Katulad ko lang




"Iniwan na niya ako bro" naiiyak kong sabi




"Tangna pre, ngayon lang kita nakitang umiyak sa babae, hindi ka naman ganyan kay Sapphire noon a? Nagwala ka lang noon kasi ang alam ko nasaktan ang ego mo kasi nakipaghiwalay siya sayo, pero ngayon? Bro! Upgraded na! Umiiyak ka, it means mahal na mahal mo nga talaga si Zy" namamanghang sabi ni Jus sa akin




Shit! Totoo! Tama siya! Mahal na mahal ko talaga si Zy, pero hindi ako makapagpaliwanag sa kanya nung nakaraang araw! Akala niya tuloy si Sapphire talaga ang mahal ko, bwisit! Ang tanga ko talaga!



"...win her heart bro! Kilala naman na natin nang lubos si Zy, malambot ang puso nun, lalo na kung ikaw ang nasa usapan... kahit pa man manhater yun" paliwanag niya sa akin




"paano kung ayaw niya na?" Nawawalang pag-asa kong sabi sa kanya





"Ayaw niya na talaga kung nauubusan ka ng pag-asa. Wala ka pa nga dun bro, negative agad?" Sarcastic niyang sabi sa akin, tama naman siya e




"Paano ko siya makukuha ulit?" Parang bata kong tanong





"Haaahahaha! Court her" mapagbirong sabi ni Justin at kumindat





Court her? I can do that! I'll win her heart again... this time, hinding hindi ko na siya paiiyakin pa.








-



Gising na si papa at masaya kami dahil okay na siya, pero wala pang desisyon kung ano ang mangyayari kay tatay...




Pauwi ako ngayon kasi nasa bahay daw si Rai, biglaan din ang pag-uwi niya, hindi pa nga niya alam ang nangyari kay Papa... pero yung sa amin ni Seph? Nalaman na niya, madaldal si nanay e... hays...




Seph na naman-.-





Mahal ko talaga siya, to the point na hindi ko siya makalimutan...







"Zy..."

"Bakit Rai?" Takang tanong ko sa kapatid ko



"Bumalik si Tatay" malungkot niyang sabi


Napatitig naman ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Alam na ba niya ang ginawa ni tatay kay Papa?



"E ano ngayon kung bumalik siya Rai? Hindi natin siya kailangan" gigil na gigil kong sabi sa kapatid ko. What's happening to her?! Ilang taong nawala si tatay, tinalikuran at kinalimutan, tapos ngayon parang gusto niya na tanggapin ulit si tatay?!






"May sakit siya..." naiiyak nang sabi ni Rai




"D'you think I will buy that?! Hindi mo ba nakikita? Masaya na tayo. Masaya na si nanay. Masaya tayo kasi meron si nanay at papa.. bakit ikaw? Hindi ka ba natutuwa?!" tanong ko sa kanya




Tinitigan niya ako at hindi makapaniwalang nasasabi ko to sa harapan niya ngayon




"Tsssk, I can't believe that you will be like this Zy. Sa sobrang pagiging manhater mo, nakalimutan mo na hindi ka naman mabubuhay ngayon kung wala ang tatay, kung hindi dahil sa kanya hindi ka magiging masaya ngayon! And maybe dahil pinili ni Joseph si Sapphire dahil sa pagiging ganyan mo, hindi mo nakikita ang effort ng iba sayo... may nagmamahal sayo, at alam kong mahal ka ni Joseph, pero sinayang mo dahil sa kaarte--" hindi ko na siya napatapos dahil galit na galit ako sa kanya


PAK!




Nabigla siya sa ginawa ko, nung una nabigla rin ako, pero nabuhay ulit ang galit ko dahil sa mga sinabi niya at nagsimula na akong umiyak




"Wala kang karapatang husgahan ako ngayon, akala ko ikaw ang mas makakaintindi sa akin dahil kapatid kita, akala ko maiintindihan mo ako, sa kaartehan ko man yan o ano! Oo manhater ako! Nagalit ako kay tatay, nagalit ako sa mga lalaking umaaligid sa akin dahil alam kong lolokohin din lang nila ako... pero alam mo bang nabago lahat ang tingin ko nung dumating si papa sa buhay natin? Alam mo din bang nabago ang paningin ko sa lahat nung nakilala ko si Joseph?! Na handa akong magpatawad para lang maging magaan na ang loob ko?! Handa na akong patawarin si tatay, handa na ako! Pero alam mo ang nangyari?! Syempre hindi Rai! Kasi nasa ibang bansa ka! Muntik nang mapahamak si Papa dahil kay Tatay! At hindi ako pumayag na may mangyari pang masama sa kanya! Tinuring ko na siyang papa, nandyan siya palagi sa atin, palagi niya tayong minamahal kahit hindi niya tayo kadugo. Lahat ginagawa niya para kay mama. Kasi mahal niya tayo! At hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa kanya!" Mahaba kong sabi habang umiiyak. I can't take anymore, sobra sobra na ang nararamdaman ko ngayon. Sobra na.



"Zy.... sorry.... hindi ko alam...." iyak nang iyak na sabi sa akin ni rai



"Then you will tell me na hindi ako pinili ni Joseph dahil sa ugali ko? Sana alamin mo muna Railyn.. sana inalam mo muna kung ano ang naramdaman ko! Kung nasaktan ba ako, kung ano ba ang ginawa niya sa akin at kung ako ba ang nanloko! kailanman, narinig niyo ba akong mag inarte?! Nakita niyo ba akong nagdudusa? Hindi diba?! Kasi ayaw kong madamay kayo! Ayaw kong inaalala niyo ako kasi nagpaloko ako! Pero sa nakikta ko ngayon, parang ako pa ata ang naaagrabyado." Walang emosyon kong sabi



"Sorry... i didnt know... sorry"



"Sana hindi ka nalang bumalik" sabi ko na nakatitig sa mata ng kapatid ko...




Ayaw ko na... nawala na sa akin si Joseph, at hindi ako makapaniwalang mawawala na rin sa akin ang kapatid kong si Rai.. nasasaktan na talaga ako. Hindi ako marunong magalit lalo na kung kay Rai din lang, pero sa ngayon hindi ko na mapigilan pa.





Sa unang pagkakataon, natalikuran ko ang kapatid ko... ang kapatid kong kinatatakutan kong talikuran at awayin sa buong buhay ko.






















#AWAY

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon