Horan

21 2 0
                                    

XI



"Nanay! Papa!" Sabi ko


"Ohhh nak? Ang aga nang uwi mo, nasaan si Rai?" Sabi ni nanay

"Hello prinsesa" sabi ni papa

"Hello Pa..." sabi ko

"....nga pala, may kasalanan kasi ako dito sa classmate ko Pa, nanay" sabi ko, langya! Kung ano ano ang alibi na naiisip ko

Nakangisi lang naman si Montreal, nag-aantay din siguro sa kalokohan kong sasabihin



"Hala bakit nak?" Sabi ni nanay

"Kasi nay niyaya ko si Mon-Miggy na maglunch, di namin napansin yung oras kaya late na kaming makakapasok sa next subject namin... kaya di na kami nakapasok... kaya pinunta ko nalang dito" paliwanag ko

"Ahhhh akala ko naman kung ano na prinsesa... alam ba ni Joseph yan?" Tanong ni papa

"Po? Ahh opo" pagsisinungaling ko, grabe! Ang sama sama ko na ata

"Okay, feel at home iho ha? mabait yang anak namin, iiwan muna namin kayo at may pupuntahan kami" sabi ni nanay at hinagkan ko nalang sila. Grabe naman yan, magdedate na naman silang dalawa. Hindi na nagsawa



-

"Wow, ice cream" sabi niya at kumuha ng isang box sa ref, sinagad naman na ata niyang mag-feel at home dito sa bahay!

"Pahingi a" sabi niya ulit

"Nasayo na, nagpapaalam ka pa" sarcastic kong sagot sa kanya

Umupo siya sa sala at nagsimula ng kainin ang ice cream, seriously? Uubusin niya talaga yun? Kaya niya?! Wala talagang balak ishare?! Sabagay di naman akomahilig sa ice cream, actually kay Rai yan e. Lagot ako sa babaeng yun mamaya. Papalitan ko nalang

"Mahilig ka pala sa ice cream? Ang dami sa ref niyo Horan"

"Sa kapatid ko yan, siya ang mahilig" sagot ko

"Hindi naman siguro siya magagalit no?" Tanong pa niya at sinubo ang chocolate ice cream sa bunganga niya, tumaba ka sanang Montreal ka!

"Hindi, baka magwawala lang" sagot ko naman

-

6 pm na pala, tapos na siguro ang klase, grabe ang tagal na pala namin na nandito sa sala! Paano ba naman kasi, nagkasundo kami ni Montreal sa movie marathon, mahilig din pala, kagaya ni Seph... tssk, siya na naman nakakabwisit! Nabibitter talaga ako kapag nakikita ko sila ni Sapirang hilaw na magkasama. To think na ex pa niya yun!




"Nga pala, bakit nanay at papa tawag mo sa parents mo?" Nagtatakang tanong ni Montreal, seriously?! Kanina pa kami magkasama, ngayon niya lang yun tinanong sa akin?


"Bagong tatay ko ang papa ko" paliwanag ko


"Ohhh. Same pala tayo?" Namamanghang sabi niya, napatingin naman ako sa kanya



"What do you mean?" Tanong ko


"Naghiwalay ang parents ko, bale iniwan kami ni Mama, kaya naiwan ako kay Papa. Only child lang niya ako, e sa kagustuhan kong lumigaya si Papa, pinayagan ko siyang umibig muli... at wala naman akong pinagsisihan kasi masaya kami ngayon" pagkukwento niya sa akin



"Wow! Sa akin naman si tatay ang nangapit bahay, pero okay naman na ako doon, masaya naman na si nanay ngayon e, at syempre masaya na rin kami..." masaya kong sabi


ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon