Mine

19 2 0
                                    

IX











121 days na ang nakakalipas at ganoon nang katagal na nanliligaw sa akin si Joseph, pero nagpaplano na akong sagutin siya ngayon... nakita ko naman ang mga efforts niya sa akin e, at ibang iba siya sa mga lumalapit sa aking lalaki noon, lalong lalo na kay tatay, magkaibang magkaiba sila...





"Zy, flowers for you" sabi ni Joseph sa akin, grabe! Punong puno na ang kwarto ko nang mga flowers, lagi na rin akong tinutukso nila nanay dahil dito





"Thank you Seph"





"always welcome baby" sabay akbay niya sa akin...





Nung una kinikilabutan talaga ako, paano ba naman, wala naman akong plano na maging kami in the future, at matindi rin kasi yung away namin nung una kaming nagkita, pero bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin... biglang nasanay ang katawan ko na lagi siyang nandyan...





"See you bukas huh?" Sabi niya, tumango naman ako at hinalikan siya sa cheeks... namula naman siya agad, hahahaha ang cute!




"...can't wait na sa lips naman ang mahahalikan mo sa akin" sabi naman niya, hahaha baliw na talaga ata ako, marinig ko lang ang boses niya kinikilig na agad ako





"Tss, di pa nga tayo e" sagot ko sa sinabi niya





"Ang tagal mo kasi akong sagutin" reklamo naman niya




"Sige na! Alis na, ingat ka sa pag-uwi" pag-iiba ko nang usapan. Hinintay kong makaalis siya bago ako pumasok sa bahay






"Aba, andito na si Miss Inlove" pang-aasar sa akin ni Rai, tsk... pasalamat siya at kapatid ko to





"Mag-asawa ka na nga" biro ko sa kanya




"Anak..." sabi ni nanay





"Nay?" Takang tanong ko




"I'm so happy for you, kami ni papa mo.. kasi natuto kang magmahal, pero nak wag masyadong pakalunod ha? Para di ka masaktan" paalala ni nanay




Napangiti naman ako, mahal talaga ako ni nanay, kami ni Rai ;)




"Oo naman nay, di naman ako tulad ni Rai" sabi ko na nakangisi




"Gaga, ako talaga?!" Sabi ni rai na hindi na rin mapigilan ang pagtawa. Baliw!





"Lets eat na!" Sigaw ni papa at dumiretso na kami sa kusina





"Hey! tatawag tawag ka tapos utak mo nasa malayo na!" Reklamo ni Jess





Oo nga pala, kausap ko tong kaibigan ko sa skype. 4 months na ang nakalipas nung umalis siya, and up until now, hindi pa namin alam kung saan siyang bansa, at ang masaklap hindi rin namin alam kung kailan uuwi ang isang to.





Yung about naman kay Justin, nagkaayos na sila ni Seph, yun nga lang hindi na sila ganoon kaclose, halata naman kasing mahal ni Justin si Jess, shushunga shunga lang talaga kasi siya





"Sorry, may naalala lang ako" sabi ko





"So kailan mo sasagutin si Pinsan ko?" Magiliw niyang sabi




"Ngayon"





"Talaga?! Wow! Pakatatag kayo ha!" Sabi niya, sobrang saya niya... hindi ko man lang kakakitaan ito na nasasaktan... nakamove on na talaga siya? Ganun ba yun? Kung oo, congrats sa aking kaibigan dahil hindi niya deserve ang masaktan





"Anyway, may klase pa pala ako Zy, call you later okay?" Sabi niya at tumango naman ako bago clinose yung laptop ko.







Papasok na nga rin ako dahil sasagutin ko pa pala ang lalaking yun, baka mambabae pa.










-







"Seph..." sabi ni Zy... ang ganda talaga ng babaeng to, hindi ako nagsisisi na naghihintay ako sa kanya hanggang sa sagutin na niya ako.







"Zy... lika na, dito ka sa tabi ko" sabi ko sa kanya pero nagulat ako nung umiling siya sa akin





Kumunot naman ang noo ko, ayaw niya ba akong katabi? Naligo naman ako!





"Halika muna doon" sabi ni Zy sabay turo sa abandoned room, yan ang laging pinupuntahan namin ni Zy kung may mga gusto kaming pag-usapan. Something private





Sinundan ko naman siya agad kasi hindi ko napansin na umalis na siya sa harapan ko, minsan talaga hindi marunong to na maging sweet! Pero syempre minsan lang naman.







"Ano pag-uusapan natin baby?" Sabi ko, oo baby tawag ko sakanya, kahit hindi pa ako... okay na rin yun, para hindi siya pormahan nang kung sino sino dyan, at hindi naman ako papayag no!




"Yes" bigla niyang sabi





"Ha?" Sagot ko, ang layo naman ata ng----





"Sinasagot mo na ako?!" Gulat kong sabi... tumango naman siya sabay ngiti





"Tangin---"





Tsup!





Langya! Hinalikan na naman niya ako, hindi ba pwedeng ako naman?!





"Boyfriend na kita, kaya dapat susundin mo lahat nang gusto ko" bossy niyang sabi





Napangisi naman ako sa kanya, kahit kailan talaga napaka-bossy niya





"Opo boss!" Sagot ko at hinila siya para yakapin




"Mahal na mahal kita Zy..." sabi ko, minsan na rin akong nagmahal, akala ko siya na... pero nasaktan lang ako.. pero nakilala ko ang amazonang to... nagbago na naman ang tingin ko sa mundo... natuto na naman akong magmahal, at hindi ako nagsisisi na minahal ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon




"mahal na mahal din po kita Seph" sabi niya





Hinarap ko siya at unti unti kong nilapat ang labi ko sa labi niya, kinagat ko ang pang-ibaba niyang labi kaya napaawang ang bibig niya. Kinuha ko yung pagkakataon na yun para ipasok doon ang dila ko, tangna! Ang sarap niya lang kahalikan..




"Hmmm" ungol niya





Nagsimula nang pumasok ang kamay ko sa uniform niya... bwisit! Dapat sa bahay namin ginagawa to para enjoy!





Inikot niya na ang kamay niya sa batok ko at dinidiin pa lalo ang sarili niya sa akin para mapalalim ang halikan namin, shit! Natutukso ako!





"May tao ba dyan?" Sabi ng isang estudyante




Hindi ko pinansin yun kaso tinulak ako ni Zy na hindi naman ganoon kalakasan..




"Shhh baby, may tao" sabi niya




"Don't care" sabi ko at hinahalikan ko ang leeg niya




"Let's do this later please" pilit pa niya





Napasabunot naman ako sa buhok ko! Nabitin ako!





Napangiti si Zy dahil sa expression ko at hinawakan ang kamay ko





"Bitin ka ba? Ako din naman e, kaso may klase pa tayo... isa pa, mamaya ilock pa tayo dito, so tara na" sabi niya at hinila na ako




Ngayon, hindi na ako nahihiyang kiligin. Badtrip! Ang swerte ko sa babaeng to!







Manhater kaso mapagmahal! Shit talaga, ang swerte ko!





She's really mine. Hinding hindi ko to pakakawalan.








#MINE

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon