Her Story

26 2 0
                                    

VI







"Galing ako sa broken family Joseph...." mapait kong sabi. Grabe, limang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makamove on sa ginawa sa amin ni tatay.





Kahit may bago na kaming papa, hindi pa rin maalis ang sama ng loob ko sa dati naming tatay... hindi pa rin ako nakakaahon sa sama ng loob na nararamdaman ko, at natatakot ako na baka may mga madamay pa dahil sa kaartehan ko...





"Ohhh. Sorry to hear that" mahinang sabi niya sa akin.




"Kaso nagbago ang buhay namin mula nung dumating sa buhay namin ang nagmahal ng sobra sobra sa nanay namin... at yun si Papa James, nagkaroon kami ng panibagong ama... noong una nahirapan kami ni Railyn na mag-adjust, lalo na ang kapatid ko dahil Papa's girl siya... nung dumating si Papa, natuto ulit akong magmahal... natuto ulit akong tignan ang bright side ng buhay... kaya kahit papaano natutuwa ako na dumating siya sa buhay namin." Malungkot kong saad





"If you are happy, bakit parang hindi ka naman masaya habang kwinekwento saakin yan?" Seryoso niyang sabi sa akin habang nakatitig sa akin






"Kasi... kasi hindi ko mapigilang isipin ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap. May chance na makaharap na naman namin ang tatay namin, at doon ako nababahala, doon ako natatakot kasi may malaking tyansa na bigla nalang siyang susulpot at sisirain ang pamilya namin..." naiiyak ko nang sabi





Nanatili siyang tahimik at nakinig muli sa aking kwento.





"...ang sakit Joseph, natatakot ako" diko na mapigilang saad at naiyak na talaga ako, hindi ko naman inaasahan ang ginawa ni Joseph...











NIYAKAP NIYA AKO!









ANO BA! UMIIYAK NA NGA AKO E... HUHUHU, nagpapakilig ba siya?! Kasi kung oo, oo! Kinikilig na ako. Asar! Panira! Nagdadrama na nga kasi ako ohhh. Can't he see?!






"Shhh, eobsneun mwonga dangsin-eun ulgo" (shhh, di mo bagay umiyak)




Kita mo na kita mo na? Binubully ata talaga ako ng lalaking to! Naiiyak na nga ako tapos sasabihin niyang hindi ko bagay umiyak?! Nakakaasar! Pasalamat siya at tinatamad akong sapakin siya kaya tinulak ko nalang siya, pero hindi ganoon kalakas. Kawawa naman kasi...






"Haahahaaha joke lang" bigla niyang sabi, inirapan ko nalang siya at nanahimik na. Okay na sana e, nandoon na ako sa puntong iiiyak ko na lahat, kaso biglang naurong dahil sa kabaliwan nang isang to!





"Tsssk"




"Hahaha, just clearing the bad vibes Zy, kakaayos lang natin bilang magkaibigan, ayaw ko naman na sa unang pagsasama natin bilang magkaibigan e iiyak ka na ng todo. Relax lang, anyway... ayaw ko rin naman na umiyak ka... hindi ako sanay. Ang tapang tapang mo, tapos biglang iiyak?" Sabi niya, hindi ko alintana lahat ng sinabi niya kasi mas napansin ko yung paraan niyang nagsalita.





Omo! Ang haba ng sinabi niya... ang haba! Hindi kilala si Joseph sa mahabang usapan! Pero ngayon! Omg! Omg!





Okay oa na -.- hindi kasi ako makaget over





"Ohhh? Ano iniisip mo na naman?" Sabi niya





"Ikaw ba yan?" Out of nowhere na tanong ko, ang lame mo Izzy jusko -.-






"Yeah, why?" Maang niyang tanong...





Hinawakan ko naman bigla ang noo niya at noo ko, pareho lang ang init ng noo namin kaya hindi pa siya nilalagnat





"Baliw" ngisi niyang sabi at inalis ang kamay ko sa noo niya, napanguso naman ako, panira ng mood!






"Wala akong sakit for your information Miss, ikaw ata ang may sakit dahil paiba iba ka ng mood. Nakakatense" natatawa pa niyang sabi... omo! Iba talaga ang Joseph na nasa harap ko! Grrr, mag-away nalang ata kami parati? Para naman nakikita ko siyang nagsusungit. Hahahahahaha!




Napa-aray naman ako nung kinurot niya ang pisngi ko...





"Ang sakit"




"kung saan saan na naman nakarating yang utak mo Zy, for heavens sake pangiti ngiti ka pa. Matakot ka naman" sabi nya






Pinandilatan ko naman siya ng mata... tssk




"Inggit ka lang" pang-iinis ko sa kanya






"HOY! ANDYAN LANG PALA KAYO, LANGYA... ANG TAGAL NAMIN KAYONG HINANAP" sigaw ng kapatid ko, nakakahiya talaga si Rai -.- pero ano pa bang magagawa ko? E ganyan naman na talaga yan, hindi na mababago yun sa kanya, at baka magkasakit pa siya kung gagawin niya lang yun.





"Andito lang naman kami a" sagot ko naman





"Kaya nga" segunda naman ni Joseph






"ABA KAHIT NA! SANA NAMAN NAGTEXT KAYO, PAANO KUNG MAY NANG--" hindi na natapos ni Rai yung sinasabi niya kasi pinalamon na siya ni Irish ng pagkain






"Jusko, ang ingay! Kanina ka pa! Nabibingi na ako, hindi naman na bata si Izzy, relax lang... andyan naman siya ohh. Can't you see?" Sabi naman ni Irish, pulang pula siya sa sobrang inis. Hahahaha nakakahiya talaga tong kapatid ko, di na nahiya kila Jessie






"Ang cute ng kapatid mo bes! Ibang iba sayo" sabi naman ni Jes




"Talaga?! Paanong magkaiba?" Sabi naman ni Rai, kita mo to -.- pinakain na ng pagkain dada pa rin dada. Hindi na nadala





"E kasi naman si Zy, sobrang tahimik, parang walang bibig, laging naka-earphones pa sa room... tapos ang kausap niya parati e libro... grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang magbestfriend kami ngayon, parang ang layo layo sa expectation namin.. paano ba naman kasi, natitiis ko ang ugali niyang snob, tahimik, walang pake sa mundo at iba pa" mahaba niyang sabi





Napaface palm naman ako, oo pala! Madaldal din pala ang isang to, bagay sila ni Rai na magsama, nakakahiya naman sa kanila





"Haahahaahaha natumbok mo" sabi ni Rai






"Sobraaaaaaaaaang tahimik, kulang nalang sa hangin ka na makipag-usap" dagdag ni Irish, grabe... pinagtutulungan ba nila ako?







"Parang hindi naman..." sabi ni Joseph, lahat kami napatingin sa kanya... literal na naptingin kami... ano daw?





"Ano bro?" Ulit pa niJustin, na nandito pala... isa rin to... ang tahimik, buhay pa pala...







"Kausap ko lang to kanina e" sabay turo pa sa akin, kaya napatingin naman sila sa akin





"...hindi naman tahimik, ang daldal nga e, muntik pang umi--" hindi niya na natuloy kasi dinagdagan ko na yung sinabi niya. Gago to! Ilalaglag pa ako





"E kasi namilit kang magkwento ako..." sabi ko habang nilalakihan siya ng mata at mukhang nagets naman niya. Gaga! Dapat lang! At baka msuntok ko na talaga to






"And since when na naging close kayo?" Seryosong tanong ni Jessie





"Oo nga? Kailan pa?" Sabi naman ni Justin




"Hala diba ayaw ko sa lalaki?" Manghang tanong ng kapatid ko... isa pa to, sakit sa ulo. Jusko, buti nalang talaga at dyosa ako... bawal mastress






"Kanina lang" sabi ko





"Yap" sagot din ni Joseph






"Wow, buti naman nagkasundo na kayo" sagot ni Justin





"Maganda ako e" sagot ko naman








At ang mga loko, iniwan ako bigla! Mga bastos!










#zyyyyy

ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon