Engaged

22 1 0
                                    

XIX







Ito na nga ang araw na yayayain ko si Seph na magpakasal, may ring pa ako! Binili ko nung iniwan ako saglit ni Seph sa mall kahapon, magustuhan niya sana. Nasa kompanya nila ako ngayon at balak kong magpropose sa office niya... nakakakilig na nakaka-awkward... paano ba naman kasi! Ako pa talaga ang magyayaya? Tho pinapapunta niya rin naman ako ngayon dito, so may dahilan din na narito ako ngayon.. wooooooh! Kaya ko to! Aja!





"Nasa loob ba si Forestine?" Tanong ko sa lalaking secretary ni Seph, ako pumili dyan, hehehe ayoko kasing babae ang secretary niya, partida. Ako pa nag-interview, halos mabaliw na nga sa kakatawa si Seph sa ginawa ko. Sobra daw kasi ako magbakod nang pagmamay-ari ko, wala namang masama doon. As long as sayo, e sa akin naman si Seph e...



"Yes maam nasa loob po"



Ngumiti naman ako at binuksan yung pintuan.












May kahalikan siya!
Walang hiya!

















Hahahaha joke, nakaupo siya sa swivel chair niya at nakangiting tumingin sa akin. Hindi ko rin naman maimagine na may kahalikan siyang iba dito, as far as I remember, ako palang at wala nang iba ang nakahalik sa kanya dito.




"Hi baby" lumapit ako sa kanya at tumingkayad para mahalikan siya, tumayo pa kasi e!




"May sasabihin ako" sabay naming sabi



"Ano yun?" sabi niya



"Ikaw muna baby" sabi ko




"Ikaw na muna kaya? Mas mahalaga tong akin" pamimilit niya



Ano bang meron sa likod ng kamay niya?




"Ikaw na muna baby, importante din tong sasabihin ko" saway ko sa kanya at mahigpit na hinahawakan ko ang box ng singsing na ibibigay ko sa kanya, tama tama! Siya muna unang magsalita para hindi hassle, isa pa kinakabahan pa ako....





"Sabay nalang kaya tayo magsalita?" Sabi niya





"Not bad, game!" Sabi ko









"Let's get married" sabay naming sabi sabay labas nung box na hawak naming pareho, omo!






O.O




"What are you doing woman?" Nakataas ang kilay na sabi ni Seph





Uh oh?



"Proposing to my man?" Patanong kong sagot




"E nagpopropose din ako" sabi niya





Omg! Totoo nga! Nagpopropose na siya sa akin! Ang shunga ko naman kasi! Aba malay ko rin naman kasi diba? Hindi na kaya ako makapag-antay!





"I'll decline your proposal" walang emosyong sabi niya




Napasimangot naman ako, akala ko pa naman uuwi akong engaged na




"Okay lang, naiintindihan ko" maluha luha kong sabi sa kanya. Sayang naman tong singsing! Kasalanan niya kaya hindi pumayag si Seph!




Iiyak na sana ako nang tuluyan nung bigla nalang lumuhod si Seph sa harapan ko, hala! Anong ginagawa niya?!




"I'll decline yours kasi ako ang magtatanong dapat baby, Izzy.. mahal ko, prinsesa ko, baby... will you marry me?" Malambing niyang sabi






ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon