Chapter 23 Peace Offering

Start from the beginning
                                    



"So you have no right para magalit kay Leaf kung makipag kita 'man sya sa ibang lalaki kasi sabi mo nga, it's just a fixed marriage at ang alam ng lahat na mahal nyo ang isa't isa ay isang palabras lamang. Nagkukunwaring inlove na inlove sa isa't isa pero ang totoo, may kanya kanya naman pa lang lovelife. Alam mo pare sa ginagawa mo, mas lalo mo lang pinapahirapan ang kalooban mo."



Ano 'bang gustong palabasin ng mokong na 'to? Ang mautahan ako sa mga ginagawa ko kay Leaf?



Bago pa kung saan mapunta ang pag-uusap naming dalawa. I decided na pumunta na ng hospital at nandun na sya, katatapos lang 'yata nyang maturukan.



"Okay Mr. Clotton you can take her home."



Nangunguna naman syang lumabas ng pintuan, "Thank you doc!" Pag labas namin ng hospital, isinakay ko na sya sa sasakyan at tahimik lamang sya. Nakatingin lang sya sa bintana at hindi 'man lang gumagawa ng kahit na anong ingay kagaya ng madalas nyang ginagawa, "So, where have you been?"



"That's none of your business." Pagsusungit nya.



"Sino yung kasama mo kanina?" Nagtitimpi lang talaga ako dahil gusto ko syang maka-usap ng maayos.



"Pakelam mo!" (* ̄(エ) ̄*)



"Hindi mo ba alam kung anong gulo ang pinasok mo?"



"Pakelam ko don!" Otomatikong nag-init na naman ang ulo ko, kaya itinigil ko muna yung sasakyan sa tabi.



"Hindi mo ba alam na nag-aalala a----"



"Pwede ba Pierce huwag 'kang umasta na nag-aaalala ka." Lumabas na sya ng sasakyan at sumakay na sya ng taxi.



"Of all people bakit sya pa yung ipapakasal sa akin? Tsk!" Hindi ko na sya nilabas pa at nag drive na lang pauwi ng bahay pero sinusundan ko yung taxi na sinakyan nya, baka kasi kung saan na naman sya magpunta. Hindi ako stalker ayoko lang talaga ng gulo.



Pag dating sa bahay dating gawe, kami lang dalawa ang tao dito dahil umalis na sila Yaya. Pag pasok nya ay para 'bang walang nangyare.



"Ano 'bang problema mo?" Binaba ko na yung gamit ko sa sofa sa sala.



"Ikaw, ano 'bang problema mo at pinoproblema mo pa ko?" Sabi pa nya habang humahakbang pataas ng hagdanan.

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now