Suplada't Suplado

Start from the beginning
                                    

Tsk, if I know, nahulog na to sa mga kamay ni Izzy. It means, gusto niya nang maging kaibigan ang babaeng yun, ang amazona niya! Hindi ba sila natatakot ni Jessie?!

"Kahit na bro, nakikisabay pa siya sa inis ko! Alam na nga niyang late ako, sasabayan pa niya" sagot ko

"Syempre concern lang naman talaga pinsan mo bro, at isa pa. Halfday lang tayo ngayon, nagsayang ka lang ng effort" ngising saad niya sa akin

"Ano?! Bakit hindi mo ako tinext?!" Inis kong sabi at tinadyakan siya, pero tumatawa lang ang mokong! Tsk, kaibigan ko ba to?!

"Hahahaha, kaya magsorry ka kay Izzy bro, wala siyang kasalanan... sige ka, mamaya pang-forever na yang alitan niyo. Nakakaiyak naman" asar pa niya at sumakay na ito sa sasakyan ko

Pumasok na rin ako kasi alam ko namang pupunta to sa bahay para makita niya ang sinisinta niya... si Jessie.




-

Izzy's POV

"Dito rin nakatira si Joseph?" Takang tanong ko kay Jes

"Yap, matagal na. Since baby pa kami. Hmmmp, hindi mo siya nakikita noon kasi nag-dorm siya, kasi dba magkaiba kami ng school noon?" Paliwanag naman niya

Tumango naman ako bilang pagtugon. Kaya pala....

Kaya pala hindi ko alam na may pinsan pala ang babaeng to!

"Babe!" Sigaw ni Justin, napalingon naman kami pareho ni Jessie sa dumating. At ang dalawang linta nagyakapan. Nagkita lang naman sila kanina -.- hindi na nahiya sa akin... at teka, kasama niya pala ang Joseph na to. Tsk, nakakainis! Naalala ko na naman ang ginawa niyan sa akin kanina. Ang sarap talagang suntukin!

i'm only one call away
I'll be there to save the day....

napatingin naman ako sa phone ko..

Papa's Calling...

Uh oh... hinahanap na niya siguro ako? Sabi ko halfday lang kami ngayon e.

"Excuse me lang, sagutin ko lang to" at umalis na ako sa harap nila, hindi kalayuan ang pinuntahan ko mamaya hindi ko nalang mamalayan na umalis ang mga to, mahirap na..

"Papa. Hello po" sagot ko

"Nak nasaan ka?" Tanong ni papa

"Pa nandito ako kila Jes, dito sa Forestine Subdivision. Bakit po?" Takang tanong ko

"May family dinner tayo nak, pupuntahan nalang kita dyan. Wait for me okay?" Sabi ni papa

"Ahh okay pa. Wait ko po kayo sa labas ng bahay nila... ingat po kayo pa.. i love you po" ngiti ko pang saad

"Love you too nak. See you" at binaba niya na ang tawag.

Napansin ko namang nakatingin silang tatlo sa akin.

"Papa mo?" Tanong ni Jes, sa lahat ng kumakaibigan sa akin, si Jes lang ang iisang taong kalapit ko na nakakaalam sa dark past namin. Na broken family kami, pero nabago lahat dahil kay Papa

"Yap Jes, susunduin niya ako dito... may family dinner kasi kami. So aantayin ko nalang siya sa labas" saad ko

"Okay samaha--" hindi na natapos ni Jes ang sinabi niya kasi ang magaling niyang pinsan ay nagsalita nalang ng basta basta. Ang bastos talaga

"Ako nalang sasama sa kanya" sabi ni Joseph

Napatingin naman ako sa kanya, gusto niya bang magsuntukan kami kaya siya ang nagvolunteer?!

Tumingin naman ako kay Jes na parang naguguluhan sa nangyayari, tapos si Justin.... nakangisi lang! Problema nito?!

"Okay! Ingat kayo" sabi nalang ni Jess

"Sige bro" tapos naki-fist bump pa siya at ngumiti. Uh huh! Akala nila diko gets?! Gusto siguro ni Joseph na magsuntukan kami sa labas! Pwes hindi ko siya uurungan!



Nasa labas na kami at niready ko na ang kamao ko, syempre hindi naman ako papayag na mauunahan ako ng mokong to

Pagharap ko, itatama ko na sana ang precious hand ko sa mukha niya nung nagsalita siya...

"Sorry"

Napababa ako sa kamay ko nang wala sa oras. At ano daw?

"Huh?" Sagot ko

"Tsk bingi!" Saad niya.

"Nagsosorry ka na nga lang magagalit ka pa" sabi ko

"Alam mo naman pala e, bakit mo pa kasi pinapaulit sa akin" nahihiyang sabi niya. Hahaha may side pala ang lalaking to na ganito

"Pinapaulit ko kasi hindi naman ganyan ang magsorry e. Hays, ang labo mo, bahala ka nga dyan" sabi ko at akmang maglalakad na nung hinawakan niya ang kamay ko. Omo! Bakit para akong kinukuryente?!

"Sorry. Sorry kung nainis ako kanina. Nawala lang talaga ako sa mood" sabi niya

"Okay?" Nagdadalawang isip ko pang sabi sa kanya

"Yun lang?!" Inis naman na sabi nitong kasama ko. E ano naman? Ano pa bang sasabihin ko? Can't he see na nakaka-awkward kami ngayon?

Bumalik sa katinuan ang utak ko nung bumusina si papa at lumabas ng kotse. Uh oh! First time niya akong makikita na may kasamang lalaki. Patay ako nito e!

"Nak... sino sya?" Takang tanong ni papa. Kaloka naman si papa e. Kailangan ba talagang direct to the point siya lagi?

Nag-bow naman si Joseph sa papa ko, tsssk pakitang tao minsan ang isang to e.

"Pa, si Joseph po. Pinsan ni Jessie at kaklase po namin" nahihiyang sabi ko kay papa

"Ah ganun ba? Salamat iho sa pagsama sa aming prinsesa. Sige aalis na kami" at hinila na nga ako ni papa

Tumingin ako kay Joseph at ang loko! Nakangisi pa!

"Bye prinsesa!" Sigaw niya

Ugh! Nakakahiya siya! Napansin ko namang napatawa si papa na nasa tabi ko na ngayon

"Papa!" Saway ko

"Bakit nak, ang cute niyo kaya" pabebeng sagot niya

"Ewan ko sa inyo" maktol ko at di na pinansin ang pang-aasar niya sa akin hanggang makarating kami sa restaurant.



Hayyyy. What a day!









#KyZy

ManhaterWhere stories live. Discover now