Chapter 3: Ralph, a Two Timer??

Start from the beginning
                                    

“ohh, Cyril.. andito pala kayo ni Ralph.. mga binata na kayo ha??-pagbabati sa akin ni manong tado..

“oo nga po ehh manong, kaso etong kasama ko badtrip, nakipagbreak kasi yung gf niya sa kanya kaya yan ice cream ang nililigawan..”-ako.

“haynako mga anak, bata pa kayo para sa mga ganyan, kaya wag niyong masyadong dinidibdib..”-pagaalalang sabi ni manong at tumingin ito kay ralph..

Tumigil sa pagkain ng ice cream si Ralph at tumingin kay manong..

Yung mga mata niya ay parang mangiyak ngiyak na..

Kalalaking tao umiiyak.. tsk!

“pero.. hindi na po niya ako mahal mang tado! Inis! Ehh hindi ko naman po nasadya yung nagyari kanina ehh.. Wala naman talaga akong ginawang masama sa kanya tapos makikipagbreak siya ng ganun ganun lang.Parang feeling ko nawal na ang trust niya sa akin.”-disappointed na sabi ni Ralph sa amin ni manong tado..

Tinap ni mang tado sa balikat si Ralph at nagsalita..

“anak, sa pagmamahal hindi porke nakipaghiwalay siya sayo ehh ibig sabihin noon ay hindi kana agad niya mahal, sa pagmamahal may araw na kailangan niyong maghiwalay para sa ikabubuti ng isa dahil lahat naman ng mga hiwalayan ay may mga rason at alam kong may magandang dahilan ang girlpren mo kung bakit siya nakipag hiwalay sayo..”-pagsasalaysay ni mang tad okay ralph..

Napaangat ng ulo si Ralph at tinignan si manong tado na sinsero sa mga sinabi niya..

Unti unting may namumuong ngiti sa mga labi ni Ralph at niyakap ng mahigpit si mang tado..

“WAAHH!! Mang tado!!”-tapos humagulgol siya ng malakas..

Opo! Umiiyak po si Ralph! Hahaha!!

Kahit ganyan yan hindi bakla yan.. masyado lang siyang mapaglabas ng emosyon at baka hindi niya talaga kaya ang paghihiwalay nila ni michelle..

Tinap ko sa likod si Ralph at tumingin ako kay manong na nakangiti..

“umiiyak siya..”-palip sync na sabi ni manong..

Natawa nalang ako at hinawakan sa magkabilang balikat si Ralph mula sa likod niya at tinanggal ang pagkakayakap kay manong tado..

Nakayuko si Ralph at pinupunasan ang mga luha niya gamit ang kanang kamay niya..

“ok lang yan Ralph. Magkakaayos din kayo, magusap kayo ng maayos para naiintindihan niyo ng isa’t isa..”-tapos tinap ko siya sabalikat…

Tumango naman tong si iyakin kaya natawa kami pareho ni  manong tado..

Napatigil ako sa pagtwa ng biglang magring ang phone ko..

Abah! Himala at tumatawag si ate mika.

“Hello ate?”-ako

tsk! michelle is crying, wag magpapakita sakin ang hinayupak na lalaking yan, if umuwi ka kasama si Ralph sa bahay I’ll kill You.”

“huh?? Akala ko ba nagdate kayo ni rain..?”-pagiiba ko ng topic sa kanya..

EH, bigla akong natakot ehh..

“asa siya.”-cold na sabi ni ate mika

Napangiti ako bigla as expected hindi papayag makipagdate si ate mika ehh..

Magsasalita pa sana ako ng bigla ko narinig ang tunog ng phone ko na naghuhudyat na nagend call na..

Tinanggal kona ang phone ko sa tenga ko at bumulong ako ng.

“pinatay niya.. tss.”

Pagkatapos ay binalik ko ang phone ko sa bulsa ko..

“s-sino yun??”-mahinang tanong ni Ralph sa akin..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now