Tumayo kami at sabay na lumabas. At hindi lingid sa kaalaman ko na nakatingin sa amin si Izzy. Tsk, mamatay ka dyan sa curiosity! ang yabang!










Izzy's POV

What the F! Kanina yung kasama nung lalaki ang kalandian ni Jes, ngayon naman yung kumuha ng phone ko?! Ano ba talaga ang nangyayari?!

Natapos ang lecture nung instructor namin na wala akong naintindihan, paano ba naman ngayon lang talaga ako nacurious sa buong buhay ko


"Tara?" Sabi nung lalaki na kaholding hands ni Jes. O tapos? Ako naman ngayon

"......"


"Wag kang magisip nang kung ano ano. Girlfriend ko si Jes at pinapatawag ka niya sa akin" sabi nitong lalaking to

"Girlfriend?" Gulat kong tanong

"Yap, at yung kasama niya kninang napalabas ay pinsan niya..." sabi nito

Teka naguguluhan ako

"...by the way, ako nga pala si Justin"

"Teka! Kung pinsan niya yung lalaking yun, tapos gf mo siya... ano to?! Magpipinsan na nagkakatalo?!" Omg! si Jes, kawawa naman

"Hahahaha. Hindi ko naman pinsan si Joseph e" joseph pala pangalan niya. Anyway, ano daw?!

"E ano yung naririnig kong pinsan mo yung Joseph?"

"Kasi girlfriend ko pinsan niya, kaya pinsan na rin turing niya sa akin" nakangiting saad niya.


Owwwwww! Kaya pala -.- naguluhan pa ako. At bakit ba kasi ako affected.

"So tara na ba sa canteen?" Sabi niya

Tumango nalang ako bilang pagtugon sa kanya, mukhang mabait naman siya... pero kahit na! Nakakatampo kasi hindi sinabi sa akin ni Jes ang tungkol dito! Alam kong may bf siya, pero di niya nasabi sa akin kung sino!

"Hi bes" sabi ni Jes at tumingin naman ako sa kanya at tumango, biglang nawala ako sa mood nung makita ko kung sino ang katabi niya. Nakakasuka

Umupo naman kami nitong si Justin kaharap nila

"Thanks babe at pinunta mo si Zy dito"

"No prob babe"


Isama mo pang may sweet dito, aba nakakabitter a! Nakakaasar

"Anyway, pinsan ko pala siya Zy... hindi ko nasabi kasi hindi ko rin expected na sila ang bagong lipat. Imagine that?! Sinorpresa ako ni Justin! Akala ko pa naman kung ano na ang surpresa niya, yun pala e ang paglipat lang dito" mahabang kwento niya.

Grabe, nakakapagtaka na talaga na naging kaibigan ko to. Ang daldal, pero mukhang masaya naman siya kasi nandito ang bf niya. Mukhang mahal na mahal nga niya tong Justin na to, wag lang magkakamali na saktan ang kaibigan ko at ako makakaharap nito

"Aalis na ako" walang emosyon na sabi ni Joseph, napatingin naman ako sa kanya. Tssk, parang kanina lang napakabully niya, ngayon naman ang sungit

Nakaalis na siya at nakasunod pa rin kami nang tingin sa kanya

"Suplado pa rin talaga siya" bulong ni Jessie

"Broken e" sabi naman ni Justin

Napatingin naman kami ni Jessie sa bf niya

"Broken? May ex si Kuya?" Tanong ni Jes.. Kuya? Mas matanda ba sa amin si Joseph?

"Yap, kaya kami lumipat kasi nasaktan siya nang husto" paliwanag ni Justin sa amin. Uh oh...

"Bitter" bulong ko

Napatawa naman tong magjowa dito. Nakakatakot, para silang ewan!

"Nung una nasabihan ko na rin siya ng bitter, pero kung malalaman niyo lang ang tunay na nangyari, baka magsisi kayong nasabihan niyo siya ng bitter" malungkot na saad ni Justin

Teka nga.. bakit affected siya?

"May problema ba babe?" tanong ni Jessie

"Wala babe. Naaawa lang ako sa pinsan mo... kunwaring masaya, pero ang totoo niyan, nasasaktan siya"






Omy, at ngayon tototohanin ko na talaga ang pagiging curious, ano ba talaga ang meron sa Joseph na yan? Bakit gusto kong malaman kung ano ang past niya.




Hays! Bakit ako ganito -.-







#Past

ManhaterWhere stories live. Discover now