"Fall in love agad, di ba pwedeng crush muna ?" biro kong muli.

" Don't joke, hindi nakakatuwa and kahit crush hindi pwede" mahinang sabi nitong yumakap

"I-i don't like it" bulong pa niyang muli.

"J-jake"


Nanatili itong nakayakap at tahimik, hinayaan ko lang siya. Kabisado ko na ang ugali ni Jake pag ganitong tahimik ay galit ito or may iniisip na malalim, bibihira naman siyang magtampo sa akin pero kapag nagtampo ay hirap akong suyuin siya.

Ilang minuto pa ang lumipas, ay saka ito kumalas,at umupo muli sa sofa at isinandal ang ulo sa ulunan ng upuan.

Napako ako sa kinatatayuan ko, di ko masyadong maintindihan ang ikinikilos niya.

Maya't maya tumayo na ito at akmang palabas.

"Uuwi na ako" aniya kaya nagmadali akong pinigilan siya.

"Jake, ano ba? sorry na okay, ayokong magtampo ka, alam mo namang magtampo na ang lahat wag lang ikaw" sabi kong yumakap mula sa kanyang likuran.


Tumigil naman ito at napabuntong hininga.

"Jake, bati na tayo, kilala kita kapag nagtatampo ka eh, di ko alam kung anong kinakatampo mo, wala naman akong gusto kay Kuya Jax eh kahit crush wala promise, saka ang advance mong magisip, iniisip mo agad na masasaktan ako na magaaway kayo agad ni Kuya Jax dahil sa akin, di mo naman kailangang ako ang piliin mo naintindihan ko kapatid mo kaya yun" sabi kong nakayakap pa rin dito.

Di pa rin ito naimik.

"Jake, ang hirap namang suyuin nito, bati na tayo alam ko namang di mo ko matitiis" sabi kong pinapaharap siya sa akin.

" Ayiie, ayan na ngingiti na yan" biro ko, alam kong konting suyo na lang at bibigay na siyang muli.

Alam kong masyado siyang protective sa akin, naalala ko pa dati na wala itong pakialam kung mapupunta ito sa guidance office ng suntukin nito ang isang kaklase ko dahil sa pambubully sa akin. May pagkakataon pang kahit babae ay pinuntahan at binantaan niya ng minsang itinago ang bag ko dahil sa selos sa kanya, walang atubili niyang kinakalasan ang sinumang babaeng nagtatangka sa akin. Isang sabi at sumbong ko lang alam kong gagawan niya ng paraan para makaganti para sa akin.

Di ako magtataka kung pati kay Kuya Jax ay papatol siya ngunit yun naman ang ayaw kong mangyari, alam kong mahal ni Jake si Kuya Jax at marahil yun ang inaalala niya  ang pamimili sa amin kapag nagkataon.

"You don't get it, do you?, you know how protective I am pagdating sayo" sabi niyang seryosong muli.

"I know, kaya nga ako nagpapasalamat e... o sige na para hindi ka na magalit ililibre kita, tapos manonood tayo ng bagong movie" sabi kong nangingiti.

"Don't bribe me, it won't work" pagmamatigas niya.

"Ows talaga, isang puppy face look ko lang bibigay ka na eh, sige na Jake please...please please Jake" sabi kong yumakap dito at nagpout ng mukha at nagmamakaawa.

Ang seryosong mukha niya  ay unti unting napapangiti.

"Please, Jake"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"O sige na, okay na " sagot niyang yinakap ko siya lalo.

"Sabi ko na sayo e, di mo ko matitiis" ngisi ko,  alam kong nagwagi ako.

"Oo na, pasalamat ka mahal kita" tugon niya.

" I know, mahal din naman kita, ikaw kaya ang the bestest friend in the world! sige dyan ka muna at magbibihis lang ako" sabi kong nagmamadaling umakyat sa kwarto.


Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon