Chapter Forty-Eight

Start from the beginning
                                    


Ano raw?


Sinundan ko siya papunta ng couch kaso ay nakapasak na ang earphones niya doon sa tenga. Halatang ayaw nang mapakinggan pa ang mga sasabihin ko.


Bahala nga siyang magpakahirap diyan sa couch. Ang laki-laki ng kama, diyan niya pa mas gugustuhin.

At anong siya naman bukas sa kama? Ano, diyan ako matutulog kung ganoon? Tss!


Sinakop ko ang kabuuan ng kama. Dinama ko ang kalambutan no'n pati na rin ang pag-amoy ng mga sheets.

These can pretty much give me a very good night sleep.


Nang nagising ako ay wala na si Ian sa may couch. Siguro ay nagutom na.

Naisip ko tuloy kung nakatulog ba ang isang yo'n. Akala ko naman, susulpot din siya sa tabi ko kapag hindi niya na nakayanan yung liit ng upuan.

Text agad ni Mama ang sumalubong nang inilawan ko ang cellphone ko.


From: Mama

Good morning! Anong oras ka natulog kagabi?


Tiningnan ko ang oras doon sa cellphone para sana malaman kung gaano ang ikinatagal ng pagtulog ko. 8:30 A.M. Hindi na rin naman masama.

Naisip ko tuloy kung maaga kayang nagsumbong si luga. Pero sabi naman niyang hindi siya magsasalita kay Mama. Isa pa, puyat din ang isang 'yon. Malamang, tanghali na rin yun magigising. Siguro?

Tinawagan ko na lang si Mama kesa padalhan siya ng mensahe. Siguro naman, hindi pa siya busy sa ganitong oras.

Isang ring lang ang itinagal no'n at sinagot niya na rin naman agad.


'Hello...'

'Hello po Ma. Good morning po!'

Ramdam ko ang ngiting iginawad niya sa akin mula sa kabilang linya. 'Good morning din. Kanina ka pa gising?'

'Kakagising ko lang po.' Napagdesisyunan ko na rin na sabihin sa kanya ang totoo.

Gaya nga ng gusto naming mangyaring dalawa, ito ay para magkaroon ng communication sa isa't isa. Na siyang naging pagkukulang namin noon.

'Late na po kasi ako nakatulog. Anong oras na po kasi kami natapos kagabi, Ma. Nag-enjoy kasi sila sa banda tsaka sa mga sumayaw. Sinamahan ko rin po muna si Ian magtampisaw sa pool.'

'Ganun ba?' Mukhang hindi naman siya galit? 'Kung late ka pa lang natulog edi sana hindi ka na muna bumangon'

'Okay lang po Ma. Nagtext na rin po kasi si Ian, nasa baba na raw po siya. Kumakain na po siguro. Sasabay na rin po ako.'

Sumang-ayon naman siya ro'n sa sinabi ko. Sunod ko siyang tinanong kung kumain na rin ba siya.

'Tapos na ako. Paalis na rin ako ng bahay, maaga akong pupunta ng store ngayon para mag-ayos ng stocks'

Sinabi ko sa kanyang huwag masyadong magpakapagod.

Hindi porket nakapag-spa sila ni Tita Marie kahapon ay okay lang na naman na abusuhin niya ang katawan. Isa pa, siguro kahit supervision na lang ang gawin niya, marami na naman siyang trabahador para gumawa talaga. And what's with her newly-hired accountant, right?

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now