P r o l o g u e

103K 1.7K 165
                                    


I told him to stop following me but-ugh!

"Ikaw! Pwede bang tumigil ka na?! Naiinis na ako!" Inis na sita ko sa walang kuwentang sunod ng sunod sa akin.

Inayos niya ang suot na shades at taas noong tumayo ng tuwid sa harapan ko. Nakakabwisit.

"Ang utos po Daddy mo ay h'wag kang hayaan na maglakad mag-isa sa park."

"Wala akong pakialam. Alam mo? I'm pretty sure na safe ako rito, can't you see? Ang daming tao, oh?" Iwinagay-way ko pa ang kamay ko sa direksyon ng mga tao sa likod kaya naman inilibot niya ang paningin sa paligid.

"Pero—"

"No buts and shut up!"

Iniwan ko siyang nakatunganga at wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao rito. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

Sumulyap ako sa bodyguard ko na may kinakausap sa suot na earbud habang nagmamasid sa paligid. Bahala na nga. Bwisit sila. Alam kong maraming nakapalibot na mga bodyguards dito sa park.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero ilang sandali lang ay nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Sigurado naman akong mga bodyguards ko yan. Pero dahil sa may naisip ako para lalo silang pahirapan? Tumakbo ako papunta sa mga puno at halaman na nasa gilid ng daan para doon magtago.

Tingnan na lang natin kung mahahanap niyo pa ako.

Habang nag-iisip ng panibagong gagawin para mas lalo pang mahirapan sa paghahanap ang mga bodyguards ko. Naramdaman ko na lang na may mahigpit na humawak sa magkabilang braso ko at hinihila ako paatras.

"What the—" May nagtakip sa bibig ko at ang baho ng kamay niya! Sino ba ang lapastangan na 'to at ang lakas ng loob na ilagay sa bibig ko ang madumi at mabaho niyang kamay?!

Nagtaka ako nang may dumating pang dalawang lalaki na nakasuot ng bonet. What the?! Mga kidnappers?! Tinalian nila ang kamay ko sa harapan gamit ang lubid at ang higpit ng pagkakatali nila. Ang sakit! Tapos nilagyan din nila ako ng takip sa bibig para hindi ako makasigaw.

"Tara na, papunta na rito ang mga bodyguards ng babaeng 'to." Hinila nila ako papasok sa mapunong bahagi ng park at napansin ko sa peripheral view ko na may mga tumatakbo papunta sa direksyon namin.

Nang makalabas kami sa mapunong bahagi ng park ay ipinasok nila ako sa loob ng puting van. May nakatutok din na baril sa sentido ko.

Tiningnan ko sila isa-isa at binigyan ng matalim na tingin. Imbis matakot ay pinagtawanan lang ako ng mga bwisit. Apat silang nasa loob ng van kasama ang driver na kung makatingin parang hinuhubaran na ako. Pervert!

"Sigurado ba si boss na papatayin niya 'to?" Tanong nung nasa passenger seat. Nagsimula na rin umandar ang van.

Bwisit! Paano ako makakatakas dito?!

"Oo." Sagot ng lalaki na nasa tabi ko at idinikit pa ang dulo ng baril na hawak niya sa sentido ko.

Ang lakas ng loob nitong itutok ang baril sa'kin! Kapag ako talaga nakatakas dito bubutasin ko yang ulo mo gamit ang heels ko!

"Sayang naman, ang ganda pa naman." Sabi niya at dinilaan pa ang ibabang labi niya. Bakit ang pervert nila?! Kainis! Gusto kong sumigaw kaso tinakpan nila ang bibig ko gamit yung panyong halatang ilang taon nang hindi nalabhan. Kadiri!

"May gusto ka bang sabihin para sa natitira mong oras? Sagot!" Sabay diin sa dulo ng baril sa sentido ko.

Tanga ba 'to?! paano ako sasagot, eh binusalan nila ako?! Ang tanga! Bwisit!

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now