Chapter 32

18.4K 578 41
                                    


"Laur, sasali ka sa beach volleyball?" Tanong sa akin ni Ash na kasalukuyang nilalaro ang hawak na bola.

"Hindi naman ako marunong kaya ano pa bang aasahan mo?" Mataray na sagot ko sa kanya. Baka magkalat lang ako ng kagandahan dyan eh.

Kanina pa sila nagtatalo kung sino ang magkakampi. Maglalaro kasi sila Ash at niyayaya akong sumali. Ayoko nga at tsaka hindi naman sasali si Letizia dahil tahimik lang siya sa tabi ko.

Nakapag-desisyunan nilang si Ash at Olivia ang magkakampi. Sina Bea at Sharlie naman na kanina pa masyadong touchy sa isa't isa. May hindi ba ako alam sa dalawang 'to?

Nakaupo kaming dalawa ni
Letizia sa buhangin yung medyo malayo ng kaunti sa maglalaro. Katabi ko rin si Jem na nagche-cheer kina ash.

"Omg!" Yugyug sa akin ni Jem. "Ang gwa-gwapo oh!" Tili niya

Tinuro naman niya sa akin yung limang lalaki na naglalakad at naka-topless. Ang gaganda ng katawan halatang maalaga sila sa sarili.

"Laur, nakatingin sayo yung may hikaw sa kaliwang tenga.." kinikilig na sabi ni Jem

Naramdaman kong hinapit ako ni Letizia sa bewang para dumikit pa ako sa katawan niya.

"Ang cute nung singkit oh!"

Hinanap ko naman yung singkit na tinuturo ni Jem pero maputing legs ang humarang sa harap ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa makita ko na ang mukha niya.

"Aww.. h'wag kang tumingin sa iba, Lauren.." nakangusong sabi ni Olivia. "Anyway, gusto ko lang na malaman mo na lahat ng spike ko mamaya ay para sayo lahat.." nag-wink siya bago lumapit sa partner niya na umiiling-iling lang.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Kumaway pa siya na nagpayuko sa akin.

Nagsimula na silang maglaro at bola nila Bea. Maayos na na-receive ni Olivia ang bola at maayos din na na-set ni Ash kaya nakapag-spike si Olivia. Naghiyawan ang mga nanunuod sa kanila. Tumingin ito sa akin at tinuro ako.

"Pasikat.." bulong ng katabi ko

"Ang haba naman ng hair mo Laur" sinundot ako ni Jem sa tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Inaamin ko, kinikilig ako sa ginagawa ni Olivia.

Napansin kong dumadami na ang nanunuod sa apat. Tsk, paano ba naman mga naka-two piece at parang nanunuod kami ng mga Diyosa na naglalaro ng beach volleyball. Tuwing nakakapuntos ang magkabilang panig ay naghihiyawan ang mga nanunuod sa kanila. Mostly mga lalaki. Tsk, mga pervert!. Si Olivia at Bea lang talaga ang naglalaban pero mas magaling maglaro si Olivia. Tuwing nakaka-score siya ay tumitingin siya sa akin at may kasama pang wink. Ano ba yan..

"Ang galing maglaro ni Olivia.." halata ang pagkamangha sa mukha ni Jem

"Oo nga eh.."

"Lauren.."

"Bakit?" Walang lingon na tanong ko kay Letizia

Naramdaman ko na lang na hinila niya ako patayo at hinawi ang mga taong nakaharang sa dadaanan namin. Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako dahil parang wala siya sa mood.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad at kanina niya pa ako hinihila!

Silence.....

"Uy! Saan nga tayo pupunta?!" Nagsisimula na akong mairita sa kanya!

"Sa lugar na ako lang ang sasagi sa isip mo.." bulong niya na narinig ko naman.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon