Chapter 44

15.4K 526 76
                                    

Napabuntong hininga ako at tumitig na naman sa kisame. Kanina pa ako hindi makatulog at ang ginawa ko lang sa mga oras na yon ay ang pagmasdan ang maamong mukha ng babaeng natutulog sa tabi ko. Nahihiwagaan kasi ako kung saan ba talaga siya nagmula. Kahit na matagal na rin kaming nagkasama at wala pang taon, pakiramdam ko ni isa ay wala akong alam tungkol sa kanya. Tho. Letizia ang name niya at hindi rin ako sure kung alin ba talaga sa dalawa ang tunay niyang pangalan. Nakakainis, imbis beauty rest na ang ginagawa ko ngayon eh naroroblema naman ako sa kakaisip kung sino ba talaga siya.

Sight. Kahit kailan talaga napaka-feeling misteryosa ng babaeng 'to. Humarap ulit ako sa kanya at nagulat pa ako dahil dalawang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya at umisod pa ng kaunti palapit sa akin. Kinain na ang natitirang space sa pagitan naming dalawa. "Kanina pa kita nararamdman na hindi makatulog."

Ang ibig sabihin kanina pa siya gising at kanina niya pa alam na pinagmamasdn ko siya habang nagtutulog-tulugan siya? Paniguradong hahangin na naman ng malakas.

"Kung makatitig ka sa akin parang tutunawin mo na ang kagandahan ko."

"Assuming ka talaga kahit kailan." Inirapan ko siya at piniling humarap na lang sa kisame.

"Inirapan mo ako."

Geez, nakalimutan kong bukod sa curses ko, ayaw niyang iniirapan ko siya. "H-hindi ah! Namalikmata ka lang."

"Alam ko kung ano ang nakita ko, Lauren."

Smell dangerous!

"Namalikmata ka nga lang."

"Hindi nagsisinungaling ang mata ko." Ang kulit talaga niya. Ipaglalaban kung ano ang nakita niya. "At may punishment yon."

Kinagat ko ang lower lip ko dahil sa isipin kung ano ang gagawin niya. Ano kaya? Parang... parang nae-excite ako.

"Puro ka lang salita! Bakit hindi mo gawin?" Matapang na hamon ko sa kanya pero deep inside natatakot ako sa next move niya.

Lumuhod siya sa ibabaw ng kama at nginisian ako. Oh ohhh...

"Oh my.... G!"

Napatakip ako ng mukha ko pero sa pagitan ng dalawang daliri ko ay sinisilip ko ang ginagawa niya. Naghuhubad siya!

"Done.."

"M-magdamit ka nga!" Sigaw ko sa kanya at nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa mukha ko.

"Lauren, pwede ba tanggalin mo na yan? Kanina ko pa alam na nagtakip ka nga pero nakasilip ka naman. Halatang gusto mo ang magandang tanawin sa harap mo."

Ang kapal talaga!

Tinanggal ko na ang dalawang kamay ko. Wala na siyang suot na damit pero nakasuot naman siya ng under garments niya.

"Sa itsura mo na disappointed, halatang inaasahan mong wala kang makikitang suot ako?" Nakangising sabi niya at nag-flip pa ng hair! Ang kapal! Pero ang hot niyang panoorin sa harap ko.

Oh my! She's..... she's fcking hot! Yung isa sa Goddess ng Mt. Olympus nasa harap ko...

Yung itim niyang bra na nagtatakip sa may katamtamang laki ng hinaharap niya at yung curve ng katawan niya... Nakakamatay!

"Hmmn balita ko may gift ka raw sa akin kahapon? 26th of December na."

"Sinong nagsabi? Si Bea? Ang daldal talaga ng babaeng yon!" Dapat sa kanya hiwalayan na ni Sharlie eh!

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon