Chapter 30

19.6K 582 35
                                    


"Boracay or Palawan?"

"Puro naman dyan tayo pumupunta" reklamo ni Jem sa suggestion ni Ash "sa batanes tayo or sa iloilo! Gusto kong mapuntahan ang stairway to heaven!"

"Edi mag-stairway to heaven ka mag-isa mo!"

Pinagtatalunan nila kung saan kami mag-eenjoy dahil last day na namin today sa school dahil sembreak na bukas.

"Ikaw Laur, Saan mo gusto?" Baling sa akin ni Ash

"Kung saan mag-eenjoy ako at walang mga killer sa paligid"

Tumawa sila sa sagot ko, pinili ko na lang manahimik. Nasa classroom kami at kakaalis lang ng prof namin, 2nd sa last subject. Maingay ang klase at tungkol sa sembreak ang pinag-uusapan. Hindi sinasadyang mapadapo ang tingin ko sa pwesto ni Tyra. Nag-meet ang gaze namin at tumaas ang kilay ko ng ngumiti siya like seducing me? Eww sapakin ko siya eh. Inirapan ko siya at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"So saan tayo?" Narinig kong tanong ni Jem

"Sa boracay na lang kasi.." pagpupumilit ni Ash

"Doon na lang tayo sa resort na pagmamay-ari namin.."

Nanlaki ang mata nila sa narinig at parang ayaw pang maniwala.

"Sa Ha-Ru Resort?"

"Yeah..." walang gana kong sagot

"Omg!" tili nilang dalawa na nakakuha ng atensyon sa loob ng classroom

Ha-Ru stands for Hayes-Ruiz

Yun kasi ang unang business nina Mom at Dad ng magkasama after ng wedding nila. Even I don't want to be there...

"I thought you don't like that place?" Tanong ni Jem

"Ano ka ba, syempre nakamove on na yan"

"I just want to face my fears, i'm still living in my past.." mahinang sagot ko habang nakayuko na ikinatahimik ng dalawa

Si Ash ang unang nakabawi "kaya pala isip bata ka minsan.."

Masama kong tinitigan si Ash. Sabihan ba naman akong isip bata!

"Just admit it Laur, masyado kang inosente na parang bata.. you don't have any idea sa mga nangyayari sa paligid mo" makahulugan na sabi niya na ikinataas ng kilay ko "you're so innocent, that's why I want to protect you" she whispered na kami lang dalawa ang nakakarinig. Sincere ang boses niya.. katulad kay Letizia na paulit-ulit na sinasabi ang pagiging inosente ko.

Gamit ang palad ay inilayo ko ang mukha niya sa akin. Lumalapit kasi.

"Ihahanda ko na ang isusuot ko, tatalbugan ko kayong dalawa" ngisi ni Jem sa aming dalawa ni Ash

"As if matatalo ng katawan mo ang sexy figure ko and a body to die for" I smirked

"Magpapasexy ako para maghanap ng chicks at dalhin sa kwarto ko"

"Kadiri ka talaga Ash" mahina kong tinulak ang balikat niya na ikinatawa lang niya

"Bakit ba? Eh kung gusto mo ikaw na lang?"

"Ayoko nga, isusumbong kita kay Letizia"

Nagkatinginan silang dalawa bago tumawa.

"Kailan ka pa naging sumbongera?" Natatawang tanong ni Ash "iba talaga kapag inlove..."

"She's a jealous type... masyadong selosa" bulong ko at narinig naman ng dalawa

"Mahirap yan.." natawa ng alanganin si Ash samantalang si Jem ay nakatutok na sa phone. Katext na naman siguro ang bagong boyfriend niya

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now