Chapter 34 ~

18.7K 560 36
                                    


Kanina pa may kumakalabit sa akin at iyon na rin ang gumising sa akin. Nanatili lang akong nakapikit at prenteng nakadapa. May kumakalabit na naman sa braso ko at naiinis na 'ko.

"Ano ba? Inaantok pa 'ko!"

Matapos kong sumigaw ay nahinto na rin siya pero akala ko lang yun dahil naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa likod ko. Doon na ako tuluyang nagmulat ng mga mata.

"Ugh! Umalis ka nga dyan?!"

"Ayaw mo kasing bumangon..."

"Letizia naman eh!"

Naramdaman kong hinawi niya ang buhok na nakaharang sa batok ko. Ilang sandali lang ay pinaulanan na niya ito ng halik.

"L-Letizia.. shit! Itigil mo na!" Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Napahawak na rin ako ng mahigpit sa unan at bedsheet.

"Babangon ka na ba?" Bulong niya at napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya

"O-oo.." hingal na sagot ko

Humarap ako sa kanya at nasa ibabaw ko pa rin siya. Nakangisi siya at mabilis na hinalikan ako.

"Morning kiss.."

Napairap ako sa sinabi niya. "Bakit mo ba ako ginising? Eh wala naman kaming pasok ngayon"

"Wala lang.. namiss lang kitang harutin.."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "A-ano na namang kahalayan ang tumatakbo sa isip mo?" Taas kilay na tanong ko

"You..." hinawakan niya ang pisngi ko at ang thumb naman niya ay nasa lower lip ko. "The image of you underneath me.." ngumisi pa siya. "Blushing, panting and moaning my name" mas lumaki pa ang ngisi niya

Bigla naman nag-init ang pisngi ko. "B-bastos! Umalis ka nga dyan!" mahina ko naman siyang tinulak

Pero hindi siya sumunod and still straddling me. Grabe naimagine ko pa ang sinabi niya kanina. Nag-init pa tuloy lalo ang pisngi ko.

“Après le mariage...” (After marriage.)  Napapikit ako sandali nang hinalikan niya ang noo ko. "Gagawin natin yon"

"Ha? Ano yung una mong sinabi?" ibang language na naman ang ginamit eh

Hindi niya ako sinagot at dinaganan lang ako.

"Ugh! Ang bigat mo!"

Narinig ko ang pagtawa niya at sinadya pang haplusin ang hita ko pababa. Sisigaw pa sana ako kaso tinakpan niya agad ang bibig ko.

"Shh.. baka marinig ka nila.." natatawang saway niya sa akin at binigyan ko lang siya ng nakakamatay na tingin.

"You look so hot..."

Tumingin sa ibang direksyon ang mata ko. Umagang-umaga pinapakilig niya 'ko...

Je t'aime...” tumingin ulit ako sa kanya. "It means I love you.."

Yun pala ang meaning non?! Omg... matagal na niyang sinasabi sa akin yan.

--

"Tita!"

Tumakbo ako at niyakap siya sa likod. Kakalabas ko lang ng kwarto at nakita ko siyang naglalakad mag-isa. Humarap siya sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Shh... Lauren, hangga't maaari ay h'wag mo muna akong tatawagin na tita.." inilibot niya ang kanyang paningin bago ibalik sa akin. "Okay?"

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now