Chapter 69

3.7K 88 55
                                    

Lauren's POV

If someone attempts to harass you or if your life is in danger, just press this button.”

Napaikot ang mga mata ko habang tinuturo sa akin ni France kung paano gamitin ang binigay niyang wristwatch.

This is just a normal watch.”

Parang wala naman kakaiba or special dito, except that it is made of a combination of gold and silver.

Pindutin mo yung button na tinutukoy ko sayo. Para malaman mo.”

Seriously? It irritates me kasi inuutusan niya ako but at the same time? Nac-curious din ako kung paano ito gumagana, and how will this be useful to me when my life is at risk?

I pressed the button that France was referring to, which was on the left side of the watch.

Ang sumunod na nangyari ay nakarinig ako ng loud vibration sound at parang nagmumula ito sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Dinala niya ang isang kamay sa bulsa ng suot na stovepipe pants para ilabas ang phone niya at itinapat ang screen nito sa akin. May red circle sign and white exclamation point sa gitna nito. Nag-one tap siya sa screen at lumitaw ang isang map na may plain green circle katabi ang red circle na tila naglalabas ng wave o signal sa gilid.

“See? The green circle represents me, and the red one represents you. Simply press that button, and I will come and meet you immediately. Pero, kung sakali na mawalan ka ng consciousness habang ina-abduct? Mayroon pa kami alternative method to track your whereabouts and save you.”

Ah...”  Ito na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang pagkamangha.

Hindi ko alam na may ganitong technology palang na-invent? Pero bakit parang wala naman ako nakikitang advertisement na ganitong watch? Hindi pa ba ito available sa market? Pero, paano naman siya nagkaroon ng ganito kung hindi pa pala available?

At ipapaalala ko lang Miss Lauren na for emergency use only ang button na yan. Wag mo rin subukan na mag-troll dahil hindi lang ako mag-isa ang makaka-receive ng alarm.”

Umikot ang mga mata ko bago kinuha ang bag na nasa ibabaw ng couch at padabog na binigay sa kanya.

“Oh! Dalhin mo yan para naman magkaroon ka ng silbi sa akin!”

Nilagpasan ko na siya at nauna nang lumabas ng kuwarto.

Anong tingin niya sa akin? isang batang paglalaruan ang mga bagay na nakikita niya?

“Kung gusto mo talaga na magkaroon ako ng silbi sayo? Why don't we try it, Miss Lauren? Not to brag but I'm good at pleasuring women.”

I frowned dahil sa arrogance at pagiging bastos niya, kaya lumingon ako sa kanya habang patuloy ang pace ng mga lakad ko.

“Puwede bang itigil mo yan? Kung hindi ka nac-cringe sa mga lumalabas dyan sa filthy mouth mo then I am.”

Nag-focus na lang ako sa nilalakaran at wala na sanang balak pa na pansinin ulit siya. Pero, nakaramdam ako ng trepidation dahil sa biglaan na pananahimik niya.

Pagkatapos ng mga nangyari for the past three years at threat sa buhay ko?

Hindi ko tuloy maisawang isipin na...

"H—Hey..."  I stopped walking and nervously faced her.  “Why are you so quiet? Dahil ba na-offend ka sa sinabi ko? Or are you plotting to murder me behind my back?”  I ask while suspiciously staring at her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now