Chapter 41 ~

17.7K 576 63
                                    

Dahan-dahan lang ang pagmulat ng mga mata ko. Inaantok pa talaga ako. Buti na lang Christmas vacation na. Nagtaka pa ako nung una nang makaramdam na may mabigat na nakapatong sa waist ko. Braso lang pala ni Letizia na mahimbing pa atang natutulog sa likod ko. Kung gising na yan? Kung saan-saan na naman nakahawak ang kamay niya. Maraming beses na nga akong nagising na nakahawak kung saan-saan ang kamay niya. Pasalamat siya love ko siya, kung hindi? Kakasuhan ko siya eh.

Maingat na humarap ako sa kanya at pinagkatitigan ang maganda niyang mukha. Long and curly eyelashes, perfect eyebrows, pointed nose, flawless and smooth skin. Walang bahid man lang ng pimples ang face. Inborn na yung kagandahan niya at ganon naman talaga ang mga Diyosang katulad namin. Walang maipipintas. Napadako ang kulay asul kong mga mata sa manipis at natural na pagkapula ng lips niya. Napalunok ako nang maalala ang ginawa niya last night. Hindi lang lips ko ang pinasamantalahan niya pati ang kawawa kong leeg, balikat at collarbone. Buti nga hindi na siya bumaba pa kasi kung nagkataon, bibigay ako.

"Done admiring my beauty?"

Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita ang babaeng katabi ko. Gising na pala siya? Sumilay ang isang ngisi sa labi niya at alam mo nang may tumatakbo na naman sa isip niya. Ano kaya yun?

"Oh my god!"

Napatili ako nang wala pa atang isang segundo ay nasa ibabaw ko na siya at mulat na ang mga mata. Ang laki ng ngisi niya!

"Alam mo bang dapat binibigyan ng parusa ang sino mang pinagsasamantalahan ako sa isip nila?"

Huh? Ano raw?

"A-ang kapal mo! Wala naman akong iniisip na ganon!" Pilit ko siyang tinutulak paalis sa ibabaw ko pero hinuli niya ang dalawang kamay ko. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ito at inilagay sa taas ng ulo ko. "I-isa kang assuming!"

"Lauren, bawal yang ginagawa mo. Pupunta naman din tayo sa part na yun pero hindi pa ngayon." Hindi na mawala yung ngisi niya. Ang bastos talaga niya!

"Alis na diyan. Babangon na ako."

Umiling lang siya at pinagkatitigan ako. Naiilang ako sa way ng pagtitig niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Bumababa ang mukha niya at hindi naman maitatangging pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Tu es si belle mon amour..” (You are so beautiful my love..) Sincere na sabi niya kaso hindi ko naman naintindihan. Ilang inches na lang din ang layo ng mukha niya......k-kinakabahan ako.

Pero ganon na lang ang pagkadismaya ko nang mabilis siyang bumaba ng kama. Tatalikuran ko sana siya nang hatakin niya ako patayo. Napatili ako sa gulat at sumubsob pa ako sa dibdib niya.

"Nabitin ka?"

Tinulak ko siya palayo sa akin at mahina naman siyang natawa. "A-ang kapal mo talaga kahit kailan!"

"Just admit it" ngisi niya at bago pa niya ako mahawakan ay tumakbo na ako papasok ng bathroom.

---

"Nasabi sa akin ni Letizia na siya ang gusto mong makasama sa darating na pasko?"

"Opo.."

Nagpatuloy na ulit akong kumain. Nasa dining area kaming dalawa, wala kaming kasamang iba dahil utos ni Dad.

"Napapansin kong simula nang makilala mo si Letizia, umayos ang ugali mo."

Hindi ako sumagot. Ano bang gusto niyang palabasin? Na basagulera ako? Nag-angat ako ng tingin at ang kulay tsokolateng mata niya ay taimtim pa lang nakatitig sa akin. Parang sinusuri niya ako at sumilay ang ngisi sa labi niya na ngayon ko lang nakita.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now