Chapter 29

18.7K 633 35
                                    


Nagising ako at nagtatakang nakatingin sa kisame. Napahawak pa ako sa ulo ko at iniisip ang mga nangyari last night pero magulo. May isang panaginip pa nga ako na iniligtas daw ako ni Letizia. Umupo ako at sumandal sa headboard. Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot ko, isang malaking t-shirt. Sino naman ang nagpalit sa akin aber?

06:13am.... iyan ang nakalagay sa digital clock na nakapatong sa night stand. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito. Si Letizia ang inuluwa nito at may dalang mug. Lumapit siya at inabot ito sa akin.

"Hot choco.."

Kinuha ko na at hinipan bago inumin. Ah ang sarap sa pakiramdan ng hot choco. Nakapikit pa ako at ninamnam.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"O-okay lang pero ano bang nangyari last night?"

"Wala ka bang matandaan?"

"Magtatanong ba ako kung meron?" Inikutan ko siya ng mata dahil obvious naman sa tanong ko eh

"Nalasing ka lang.. yun lang"

"Ah, oo nga pala kasi after kong uminom ng red wine nalasing agad ako tapos wala na akong matandaan" sagot ko bago ulit uminom "ikaw may gawa nito?" Tango lang ang isinagot niya

Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko. Pakiramdam ko yung init ng sikmura ko napunta sa pisngi ko.

Napahigop ako ng hot choco ng wala sa oras "ouch!"

"Dahan-dahan lang kasi..." mapanuksong sabi niya

"Ang sakit.."

Kapag minamalas ka nga naman. Parehong labi at dila ko ang napaso. Umagang-umaga!

"Patingin.." kinuha niya ang mug sa akin at ipinatong sa night stand. Nakatayo siya at hawak ang chin ko. "Ilabas mo nga ang dila mo.."

Kahit nahihiya ako sa pinapagawa niya ay ginawa ko pa rin. Sinuri niya ang dila ko at halos malaglag ang puso ko sa sunod na ginawa niya. Dinilaan niya ang dulo ng dila ko kung saan ako napaso. Napatakip ako ng bibig at namumulang nakatingin sa kanya.

"Masakit pa ba?" Tanong naman niya

"H-hindi na..."

"Bumangon ka na at may pasok ka pa"

Walang lingon na umalis siya at iniwan akong mag-isa. Napasimangot ako kasi wala man lang kiss? Bumaba na ako at inubos ang laman ng mug bago pumasok sa bathroom. Nagtagal ako ng kalahating oras sa pagligo bago lumabas ng nakatapis. Habang naliligo ako kanina ay pilit na inaalala ko ang nangyari kagabi pero wala talaga. Nakakapagtaka naman na wala talaga akong maalala. Nung matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako.

"Good morning Lauren.." nakangiting bati sa akin ni Yaya Ana

"Good morning din po, nasaan si Dad?"

"Maagang umalis"

Tumango na lang ako. Wala naman ipinagbago at nasanay na akong wala siya kapag gumigising ako. Masyado siyang busy sa pagpapayaman.

"Bea, pakuha nga yung phone ko sa kwarto? Naiwan ko doon sa kama" utos ko na agad naman niyang sinunod

Nagsimula na akong kumain kaso wala akong gana. Nasaan ba si Letizia? Kanina ko pa siya hindi makita. Matapos niyang lapastanganin ang kawawa kong dila pero in fairness ha? Nawala kasi ang sakit. Dumating na si Bea at inabot sa akin ang phone ko. Narinig kong tumunog ito kanina habang nag-aayos ako at nakalimutan ko nang buksan.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें