Chapter 26

19.6K 618 19
                                    


"Lauren! Lumabas ka!"

Nakarinig ako ng isang putok ng baril kaya mas lalong nanginig sa takot ang buong katawan ko.

"Kapag hindi ka lumabas? Papatayin ko ang pinaka mamahal mong si Eli!"

Kumabog ang dibdib ko nung marinig ko iyon. Bakit naman niya papatayin si Eli? Never ko pa nakita si Eli na tinutukoy ni Dad na papakasalan ko. Tumayo ako sa pagkakaupo dito sa likod ng puno na pinagtataguan ko. Dahan-dahan akong lumabas at nakita ko ang babaeng may hawak na baril pero walang mukha.

"Oh! Finally Lauren napagod ka rin sa hide and seek.. say goodbye to Eli"

Tinutukan niya ng baril si....

Letizia?

Napamulat ako at bumungad sa akin ang madilim na kisame. Hinihingal ako at pinagpapaiwasan din, binuksan ko ang lampshade para magkaroon ng liwanag sa loob ng kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at napahilamos ng mukha dahil sa biglang paggising ko. Inalala ko ang panaginip ko, bakit si Letizia ang nakita ko imbis na si Eli? Tumingin ako sa digital clock na nakapatong sa night stand.

02 : 34 AM

Madaling araw pa lang?

Bumaba ako ng kama dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tinungo ko ang kitchen para makainom na. Kumuha agad ako ng baso at kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko makalimutan ang panaginip ko. Ang creepy lang kasi...

Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko si Letizia na nakaupo sa kama. Napatingin siya sa akin nung mapansin niya ako.

"Saan ka galing?"

"Pati ba naman pag-inom ko ng tubig sa kitchen kailangan pa bang ipagpaalam sayo?"

"Hindi naman.."

Hindi na ako sumagot at umakyat na sa kama dahil gusto ko nang matulog pero nabo-bother pa rin ako sa panaginip ko. Napansin kong nakatitig lang sa akin si Letizia kaya napataas ang kilay ko.

"Alam kong maganda ako kaya hindi na ako magtataka kung inaatake ka na naman ng pagiging pervert mo.."

"Paano mo nalaman? Hmm.."

Napalunok ako dahil sa way ng pagkakasabi niya. Parang... parang nang aakit siya.

"Waah! Lumayo ka nga!" Hawak ko ang malambot niyang mukha dahil bigla siyang lumapit sa akin.

Tinanggal niya ang kamay ko "Sinong pervert?"

"I-Ikaw, Nagtatanong ka pa.."

"Mon amour... I missed your lips.."

Napalunok ako dahil ayan na naman ang boses na yan! Hindi ko alam kung para saan yun pero baka panaginip na naman ito?

"Kurutin mo nga ako.."

"Bakit?"

"Baka panaginip na naman ito.."

She tilted her head "okay.."

Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako. Smack lang yung ginawa niya pero ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Nakayuko siya at pinagmamasdan ang reaction ko.

"What do you think? Panaginip pa rin ba para sayo?" Ngisi niya

Napahawak ako sa labi ko bago umiling. "A-Ang sabi ko kurutin hindi h-halikan!" Sabi ko nung makabawi ako pero hindi pa rin mawawala ang kaba sa dibdib ko.

Nagkibit balikat lang siya bago humiga sa tabi ko. Nakaharap ang katawan niya sa kisame habang ang ulo niya ay nakaharap sa akin. Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Tinatandaan ang bawat detalye kahit pa ang maliit na mole sa itaas ng chickbone niya. She's gorgeous af! Napunta sa labi niya ang tingin ko. Kusang nakagat ko ang ibabang labi ko, ang pula kasi ng lips niya. Parang ang sarap ulit halikan.. gosh! Lauren magpigil ka! Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now