Chapter 31

17.6K 595 31
                                    


"Bea, pakuha nga nung grapes sa table.."

Utos ng pinsan ko kay Bea na ngayon ay kinuha ang isang plato na may lamang grapes at ibinigay kay Sharlie. Umupo pa ito sa tabi niya.

Kanina ko pa nga pinagmamasdan ang dalawang 'to eh. Sobra naman masyado ang closeness nila sa isa't isa. Kailan pa sila naging close?

Nasa gilid kami ng swimming pool at ayaw namin sa dagat maligo. Tinatamad kaming pumunta kaya dito na lang kami sa private pool. Tapos sa kabila naman na katabi lang ng pool ay yung Jacuzzi.

Nakaupo lang ako sa lounge at hinihintay si Letizia. Nagpaalam kasi siya na may tatawagan lang kaya um-oo naman ako basta h'wag lang siyang makikipaglandian sa iba.

"Laur.."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Ash suot ang red swimsuit niya pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Olivia na sexy-ng sexy sa suot niyang white swimsuit at pinatungan pa ng puting scarf ang bewang niya. Uhm.. sinabi ko bang sexy siya? Tumingin ako kay Ash dahil nagtataka ako kung bakit kasama niya si Olivia.

"I invite her to join us, siya lang kasi ang mag-isa eh.."

Tumango na lang ako at umayos ng upo.

"Hi? I'm Olivia" Nakangiting pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay niya.

Kinuha ko na dahil mukha naman siyang mabait. "Lauren, nice to meet you Olivia.."

"Call me Oli, it would be nice if you call me by my own nickname.."

Biglang napatingin sa kanya si Ash at nagtitigan sila like sending message there. Ilang sandali lang ay nagpaalam itong sasamahan si Jem sa pool.

"Upo ka..." alok ko dahil kung hindi ay lalong tatangkad ang babaeng 'to.

"Thanks.."

Umupo siya sa tabi ko and intentionally brushed her skin to my arm. Nagtaasan ang balahibo ko dahil doon kaya napatingin ako sa kanya pero wrong move. Malapit kasi ang mukha niya at hangin na lang ang pwedeng dumaan. Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

May something sa babaeng 'to...

"Ang cute mo magblush.." nakangiti niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko.

Bakit hindi ako magkapagsalita? Ganito ba ang epekto ng babaeng 'to sa lahat or sa akin lang?

"Lauren.."

"B-bakit?"

"Ayaw mo bang kasama ako? Parang ayaw mo kasi na nandito ako"

"Ha? H-hindi naman sa ganon.."

"Hmm.. doon muna tayo sa jacuzzi para mas makilala pa natin ang isa't isa.."

Inalalayan niya ako patayo at mula sa peripheral view ko ay nakita kong papalapit si Bea sa gawi namin pero hinila na ako ni Olivia papuntang jacuzzi.

"Gusto ko maging komportable ka.." panimula niya. "Ramdam ko kasing hindi ka pa komportable na makipag-usap sa akin.."

Parehas na kaming nakalublob sa tubig. Nakakahiya ang pagiging speechless ko sa harap niya.

"Sorry.. nakaka-intimidate ka kasi.." pag-amin ko dahil totoo naman.

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. Nakangiti siya at alam kong enjoy na enjoy siya kapag nakikita niya akong ganon.

"Nasabi sa akin ni Ash na ikaw raw ang may ari ng resto bar na pinuntahan namin noon?" Pag-iba ko sa usapan. Naiilang din ako sa way ng titig niya.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now